EDITORIAL: Sa pagpasok ng STL, titigil na ba ang jai-teng?

June 12, 2017 at 11:13 am Leave a comment


 
Hindi lingid sa mga Pangasinense na namamayagpag ang “jueteng” sa Pangasinan ng maraming taon. Ito ay naging bukal ng kayamanan ng maraming pulitiko dahil sa payola na ibinibigay ng mga may hawak nito. Ang “jueteng” na tinatayaan ng dalawang kombinasyon ng numero mula 1 hanggang 37 ay ipinagpatuloy dito sa Pangasinan ng Meredien Vista Gaming Corporation sa anyong ” jai-alai”. Sa katotohanan, ang operasyon nito ay “jai-teng” dahil “jueteng” pa rin ang numerong kombinasyon na di gaya ng “jai-alai” na may dalawa o tatlong numerong kombinasyon mula 1 hanggang 10.
 
Ilegal na sugal ang “jueteng”. Walang kita nito na pumupunta sa kaban ng bayan. Ang payola ay naging personal na kita ng mga pulitiko at iba pa na nagtatamasa sa operasyon nito. Bagamat may mga taong naging tauhan nito gaya ng kobradores at mga kabo na kumikita dito, hindi pa rin sapat na dahilan para ito ay hindi supilin ng pamahalaan upang makinabang naman ang mga bayan sa kita nito.
 
Noong ika-2 ng Pebrero sa taong ito, inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 13 na naglalayon sa pagpapaigting ng laban kontra sa mga ilegal na sugal gaya ng “jueteng” sa buong bansa. Sa nasabing Order, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga ahensiya ng pamahalaan na isagawa ang paglaban sa ilegal na sugal. Saad pa nito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang may karapatan na mag-operate at magbigay lisensya sa mga ibang sugal gaya ng mga casino, gaming clubs at iba pang anyo ng mga sugal na naaayon sa batas ng pamahalaan. Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay mayroon ding mandato na magtaguyod ng mga lotto at iba pang anyo ng sugal gaya ng Small Town Lottery o STL.
Ang STL ng PCSO ay ang panlaban sa ilegal na “jueteng”. Ito ay may numerong kombinasyon na 1 hanggang 38  at ito ay bubulahin sa ilalim ng PCSO na hayag sa kaalaman ng mga tataya nito. May mga pribadong korporasyon na ang kumuha ng prangkisa sa PCSO para sa STL. Ang kita nito ay may tatlong porsyiento na pupunta sa kaban ng mga bayan na gagamitin sa mga serbisyong pangsosyal. Ibig sabihin nito ay titigil na ang mga payola sa mga nakaupong pulitiko at sa mga nagproprotekta ng ilegal na “jueteng”.
 
Sa Pangasinan, ang binigyan ng prangkisa para sa STL ng PCSO ay ang Golden Go Rapid Gaming Corporation na pinamumunuan ni Garry James G. Arenas. Ang korporasyon na ito ang may karapatan lang na magsagawa ng operasyon ng STL sa buong Pangasinan.
 
Ito ngayon ang tanong. Sa pag-usbong ng bagong STL, mawawala na ba ang mga “bookies” ng jai-teng o jueteng? Ang mga operator at maintainer ba nito ay hindi na magpapatuloy sa kanilang mga ilegal na gawain? Sinsero ba ang mga ahensya ng pamahalaan na itaguyod ang pagsugpo nito para ang kita ng legal na STL ay mapunta sa kaban ng bayan? Alam natin na malaking pera ang nakapaloob sa mga payola ng ilegal na jueteng. Dahil dito, marami ang mga hindi sumasang-ayon sa operasyon ng STL. Kung hindi ngayon ititigil ang mga ilegal na sugal gaya ng jai-teng o jueteng, kailan pa? Tayo ay kailangang magmatyag.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Pray for President Duterte THOUSANDS JOIN DAGUPAN’S BATIK ULOPAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 664,810 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: