EDITORIAL: May bagong CLUP at Zoning Ordinance na ang Dagupan City

June 4, 2017 at 7:18 pm Leave a comment


Sa wakas, aprobado na ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Zoning Ordinance ng Dagupan City. Mahigit na isang taon ito hinintay na nagkaroon ng malawakang debate sa loob ng Sangguniang Panlungsod (SP). Ang CLUP at Zoning Ordinance ay maging epektibo mula 2015 hanggang 2025 o sa loob ng sampung taon. Ito ay nakapaloob sa SP Resolution No. 945 series of 2017.

Natanggap ni Mayor Belen Fernandez ang Certificate of Approval noong Mayo 3. Sa pagkaaproba nito, sinabi ni Mayor Fernandez na ang CLUP at Zoning Ordinance ay isang makabuluhang hakbang para sa pagbabago sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ito ay magbibigay ng bagong direksyon tungo sa malawakang pag-unlad ng siyudad.

Apat ang tinatayang sentro ng pagpapalago sa Dagupan City. Ito ang Lucao-Pantal na naglalayon ng pagpapalago sa turismo, Poblacion growth center, Caranglaan- Tebeng growth center at Bonuan growth center. Ang mga nasabing sentro ang naglalayon na iusad ang progreso and paglago ng ekonomiya ng siyudad upang mapanatili nito bilang premyadong siyudad sa Rehiyon I.

Mahigit na 38 taon na hindi nabago ang CLUP ng Dagupan City. Ang dating ginagamit ay nagawa pa noong 1978 kaya hindi na akma ito sa makabagong panahon. Noong 2003, sinubukang baguhin ito ngunit hindi pumasa sa HLURB kaya ang mga proyektong gagawin sa loob ng siyudad ay hindi maisagawa dahil luma na ang CLUP at Zoning Ordinance.

Ano ba ang kahalagahan ng CLUP at Zoning Ordinance?

Ayon sa HLURB, kailangang ito ay mabago sa loob ng sampung taon at naaayon sa mga pagbabago ng “development agenda” ng mga namumuno. Ito ay hindi lang para sa mga siyudad kundi sakop nito ang mga bayan para magkaroon ng mga pagbabago sa perspektibong kaunlaran. Ang bagong CLUP at Zoning Ordinance ng Dagupan City ay magiging gabay ng mga kasalukuyang mga opisyal at sa mga susunod pa upang maitaguyod ang tamang kaunlaran ng siyudad. May mga pagbabago sa mga lugar ng komersiyo, industriya, turismo, institusyonal, turismo at residensiyal. May mga lugar na lalaki at iyong mga iba ay liliit ayon sa paggamit sa mga ito. Dito rin makikita ang direksyon sa mga bagong polisya ng pamahalaan ng Dagupan City upang iangkop sa mga nakapaloob sa CLUP at Zoning Ordinance ng siyudad.

Dahil sa bagong pagpapatupad ng CLUP at Zoning Ordinance ng Dagupan City, inaasahan ng mga mamamayan nito ang mga pagbabago sa pagpapaunlad ng siyudad. Sana, ang pamahalaan ni Mayor Fernandez ay magtagumpay sa paglalayon nito at upang mapanatli ang kaayusan ng siyudad. Bagamat may mga oposisyon sa bagong CLUP at Zoning Ordinance, wala na itong saysay kundi makipagtulungan na lang sa administrasyon ni Mayor Fernandez. Ang pagtatagumpay sa paglalayon nito ay kailangan ng sapat na suporta ng mga Dagupeños.

Advertisements

Entry filed under: News.

ORTIGOZA: What Filipinos can expect under Martial Law 600 students to receive payments under SPES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,942 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: