EDITORIAL: Wala ng katapusang digmaan sa ilegal na droga

May 22, 2017 at 7:35 am Leave a comment


 Labing-isang buwan na ang nakalipas ng ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikidigma sa ilegal na droga sa bansa. Inatasan niya si Police General Ronald “Bato” Dela Rosa na sugpuin ito sa pamamagitan ng Operation Double Barrel na kinalolooban ng Oplan Tokhang at Oplan High Value Target (HVT). Sa hayagang digmaan ng ilegal na droga, mahigit na 7,500 ang namatay- 2,700 dito ay sa tinatawag na lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) at iyong iba ay kagagawan diumano ng mga “vigilantes” at kasalukuyang iniimbistigahan.
Pansamantalang sinuspendi ang digmaan sa ilegal na droga noong Enero sa taong ito. Makalipas ng isang buwan, muling ibinalik ni Pangulong Duterte sa ilalim ng PNP. Ito ay nagbagong anyo sa tinatawag na Operation Double Barrel Reloaded. Sa ilalim nito, gaya ng dati, maraming buhay na naman ang naibuwis. Maraming inosente ang nadamay at namayagpag pa rin ang pagbebenta ng ilegal na droga. Ang nakakausyami dito ay mga “drug users” at “drug pushers” ang karamihang nadadamay na tila bang ang mga “high value targets” ay patuloy sa kanilang mga gawaing ilegal.

Bakit hindi sila takot sa mga pahayag ni Pangulong Duterte na patayin ang mga sangkot sa ilegal na droga? Ano nga ba ang nasa likuran nito at bakit patuloy ang malawakang pagbebenta ng ilegal na droga sa buong bansa?
Ayon kay Pangulong Duterte, nasa bingit na ang bansa sa narco-politics na karamihan sa mga sangkot ay mga pulitiko- mga Gobernador, mga matataas na opisyal ng mga lalawigan at mga bayan pati na rin ang mga opisyal ng mga barangay. Ang masama dito, sangkot pa rin ang mga pulis. Kamakailan lang ay marami sa kanila ang nahuling nagbebenta ng ilegal na droga o di kaya ay may mga ilegal na operasyon- tanim droga at pangingikil sa mga inosenteng mamamayan.
May listahang inilabas ng Pangulo kung sino ang mga nasa narco-politics pero parang hindi ito pinagtutuunan ng PNP. Nakatuon sila sa mga maralitang mamamayan na gumagamit ng bawal na droga- hinuhuli o di kaya ay napapatay ang mga ito. Nasaan ang mga HVT? Hanggang nandiyan sila, ang paglilinis ng ilegal na droga ay walang patutunguhan. Sila yong puwersang nasa likuran ng kalakaran ng ilegal na droga na sinusuportahan ng mga ” scalawags” sa PNP. Hindi takot ang mga “drug pushers” kasi alam nila na may mga matataas na pulitiko sa kanilang likuran. Alam nila na pag pulitika na ang iiral, walang patutunguhan ang digmaan sa ilegal na droga. Kawawang mga maralitang mamamayan na sangkot sa ilegal na droga. Sila ang nagiging biktima sa karahasan sa digmaang ito.
Bagamat nakikita natin na ang Pangulong Duterte ay sinsero sa pakikidigma sa ilegal na droga, hindi kaya dapat baguhin niya ang istratehiya nito? Unahin ang mga nasa listahan ng narco-politics upang ang suplay ng ilegal na droga ay maputol. Pera at kapangyarihan ang nasa likuran nito. Kailangan dito ay isantabi muna ang partido pulitikal at ituon sa paglilinis sa hanay ng mga pulitiko at PNP.
Advertisements

Entry filed under: News.

 KABALIKAT SA KABUHAYAN PROGRAM SM Foundation to help farmers MAGANES: Pogi Espino and his 1st SOPA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 624,036 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2017
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: