CORTEZ: Bakit mahalaga na baguhin ang mundo?

May 21, 2017 at 7:51 pm Leave a comment


brando-maso
 
 “Dati ay sinikap ng mga pilosoper na ipaliwanag ang mundo. Subalit ang mahalaga’y baguhin ito.” deklarasyon ni Marx noong 1845:
 
May 5 ang birthday ni Karl Marx. Two hundred years ago nang isinilang siya.
 
Si Marx ang bumuo ng teoryang kontra sa kapitalismo.
 
Ang mga nag-aral ng Marxismo ay matutunan materyalismong diyalektiko na isang tool sa  pagsuri sa kasaysayan.
 
Sa pagsusuri lumalabas na ang pribadong pag-ari o private property at ang kahirapan ay may relasyon.
 
Kapag wala kang private property… mahirap ka!
 
Kailangan pa bang ipaliwang iyon.
 
Kailangan pa bang ipaliwang ang private property? Kailangan pa bang ipaliwanag ang kahirapan?
 
Ang dapat at baguhin ang katayuan ng mga mahihirap.
 
Sa pmamagitan ng paggamit ng materyalismong diyalektiko ay matututunan na may dalawang uri sa lipunan… ang may private propery at ang walang private property.
 
Ang uri ay class sa English. Kaya mayroon tayong narininig na tinatawag na class struggle.
 
Ang class struggle ay ang kalagayan ng lipunan kung saan nagbabanggaan ang mayroon at ang wala. Nagbabangaan ang mayaman at ang mahirap.
 
Ang mahirap, dahil sa kawalan ay lakas paggawa lang ang puhunan para mabuhay at sila ang nagiging proletaryado.
 
Ang mayaman, dahil sa kayamanan ay may ari ng factors of production at sila ang nagiging kapitalista.
 
Ang labor o lakas paggawa ng proletaryado ay kailangan ng  kapitalista para makagawa ng produkto.
 
Ang pagsasamantala sa manggagawa ay makikita kung pag-aaralan ang halaga ng produkto at ang sahod na ibinigay ng kapitalista.
 
Dahil sa pagsasamantala ng kapitalista sa mangagawa at laging magkakontra ang dalawa.
 
Ang dulo ng pakikibaka ng manggagawa ay lumaya sa pagsasamntala ng kapitalista.
 
Mahalaga na baguhin ang mundo para happy ang mahihirap.
 
ASec MOCHA USON. Appointed Assitant Secretary sa Office of the Presidential Communications Operations Office si Mocha Uson.
 
Taga-Pangasinan si ASec Mocha. Naging Judge sa Tayug si Oscar Uson ang tatay ni Mocha. Pinatay ang tatay ni Mocha sa panahon ng Arroyo Administration. Ang suspect na mastermind sa pagpatay kay Judge Uson ay isang mayor.
 
Kaliwa’t kanan ang bira sa pagkatao ni Mocha na Pangasinense.
 
Bakit walang statement of support na ibinibigay ang Pangasinan sa kapwa taga-Pangasinan?
 
Ang appointment ni ASec Uson ay dahil sa utang na loob ni mayor Rody.
 
Dahil kailangan may showbiz sa mga rally ng mga pulitiko ay nag-volunteer ang Mocha Girls na magperform sa mga rally ni Mayor Rody.
 
Iyong ibang kandidato ay may mga showbiz personalities din ginamit, yong iba may bayad.
 
“Utang na loob ko ‘yan sa kanila because they offered their services free at the time wala akong pera because they believed in me. Now, it’s my time to believe in them,” sanbi ni Mayor Rody.
 
May laman daw ang ulo ni ASec Mocha kung makikipag-usap ka sa kanya.
 
“You can listen to her, you can debate with her, tingnan mo ang Facebook and she can have a very structured mind. So what’s the problem? Every Filipino should deserve a chance or whatever,” dagdag ni Mayor Rody.
 
Puede din Mocha for president. Another Pangasinense for president!
 
“‘Yang pagsasayaw niya, hanapbuhay ‘yan (Dancing is her profession). There’s no law which says if you expose half of your body with shorts and a bra, you are disqualified from being the president of the Philippines,” sabi ni Mayor Rody.
 
Para kay Mayor Rody, qualified si ASec Mocha.
 
“There’s nothing wrong with the woman or the girl. She’s bright; she’s articulate,” sabi ni Mayor Rody. 
 
SECRETARY CAYETANO. Foreign Affairs Secretary na si Senator Alan Peter S. Cayetano. Pirmado na ni Mayor Rod yang appointment papers niya.
 
Sure, na mabilis lang na makakapasa sa confirmation process sa Commission on Appointments.
 
Ang tanong, sino ang susunod na Senator Cayetano?
 
Si Congresswoman Pia Cayetano ba? Or si Mayor Lani Cayetano?
 
First term ni Cong Pia sa House of Representatives at naka-12 years siya sa Senado habang last term naman ni Mayor Lani.
 
KA CHITO STA ROMANA. Ipinaliwanag ni Ka Chito na ang One Belt One Road at ang Philippine Claim sa West Philippine Sea ay magkaibang isyu.
 
Ang linya ng Philippine government sa anumang usapan ay national interest muna bago ang lahat.
 
Kung may common good, eh di wow! Tuloy ang usapan.
 
 “…proceed from our own national interest under the banner of an independent foreign policy,” sabi ni Ka Chito. “Where there are areas of convergence, we will proceed,” 
 
Si Ka Chito ay dating nasa national Democratic Movement na nanirahan sa China.
 
ARAW NG MGA INA! Share ko na lang po ang lyrics ng isang awit para sa mga Nanay. Ang title po ng kanta ay Sa Ugoy ng Duyan na isinulat nina Levi Celerio at Lucio San Pedro.
 
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay
 

 

Advertisements

Entry filed under: News.

CRASH VICTIM ‘Incompetence’ hurts bridge workers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 624,036 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2017
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: