EDITORIAL: Paano na ang ating kalikasan?

May 8, 2017 at 9:56 pm Leave a comment


Maraming mga Filipino ang nadismaya sa naging pasya ng Commission on Appointment (CA) sa pagbasura ng paghirang kay Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Tatlong pandinig ang isinagawa ng CA na wala din palang katuturan ang mga isiniwalat ni Lopez tungkol sa mga gawain ng ” mining industries” sa bansa. Walang nagawa si Senador Manny Pacquiao bilang pinuno ng CA-Committee on Environment and Natural Resources na ilaban si Lopez sa kanyang mga kasamahan sa nasabing komite.
 Bakit nga ba ibinasura ang pagtalaga kay Lopez bilang kalihim ng DENR?
 Sa siyam na buwan na nakaupo siya sa DENR, pinaimbistigahan ni Lopez ang mga negosyong pagmimina sa bansa. Dito nakita niya ang pagbalahura sa kalikasan. Nasira ang mga taniman ng mga magsasaka at nadamay pati mga “watersheds” na pinagkukunan ng malinis na tubig. Dahil dito, pinasuspendi ni Lopez ang mahigit sampung mga negosyo sa pagmimina na ikinagalit ng mga nagmamay-ari sa mga ito. Hindi inalintana ni Lopez ang maging hakbang ng mga ito. Sila ay tumutol sa pagtalaga kay Lopez at sumama sila sa pandinig ng CA.
Pinili ni Pangulong Duterte si Lopez bilang kalihim ng DENR dahil nakakitaan niya ito ng tunay na pagmamalasakit sa kalikasan. Bago pa ihinirang bilang kalihim, si Lopez ay nanguna na sa paglinis ng Pasig River na ang kaanyuan ngayon ay taliwas sa dati- maruming tubig, tapunan ng mga basura at maraming “water lily”. Talagang ang “passion” ni Lopez ay mapanatiling maganda ang kalikasan at maging responsable ang mga negosyanteng nagmimina.

Ngunit ang “passion” nito ay hindi nakita ng maraming miyembro ng CA na karamihan sa kanila ay may interes sa pagmimina. Walo ang pumabor sa kanya at 16 ang nagpasyang ibasura ang pagtatalaga sa kanya bilang kalihim. Dito ay nakita natin kung paano ang pulitika ng bansa ay hindi pabor sa mga taong may sukdulang pagmalasakit sa kalikasan. Nakakarami sa mga Filipino ang gusto kay Lopez pero mas nanaig ang kapangyarihan ng CA. Ang tanong: Bakit ang mga kongresista at mga senador na may interes sa pagmimina ay hindi nag-inhibit sa pagboboto? Bakit ginawang “secret balloting” ang proseso gayong iyong ibang itinalaga bilang kalihim ay personl na nagpahayag ng pagsang-ayon? Totoo ba na mayroong “money lobby” na isinagawa ng mga negosyante sa pagmimina na ayon na ring kay Pangulong Duterte?
Magkahalong panghihinayang at pagkagalit ang ipinahiwatig ng mga mamamayan sa nangyari kay Lopez. Kung sino pa ang nakakitaan ng seryosong pagpapatupad sa mga batas tungkol sa kalikasan ay siya pa ang hindi itinalaga bilang kalihim ng DENR. Maliwanag na ang gusto ng mga hindi pumabor kay Lopez ay italaga ni Pangulong Duterte yong kalihim na kaya nilang diktahan at paikutin. Pulitika pa rin ang tuwirang umiiral sa bansa. Paano na lang ang mga mahihirap na Filipino na apektado sa negosyong pagmimina.
Paano na ang ating kalikasan? Mayroon pa bang maliwanag na pupuntahan nito na maprotektahan ang interes ng nakakaraming Filipino?
Advertisements

Entry filed under: News.

Pangasinan farmers receive farm equipment from DA, prov’l govt The insensitivity of Senator Tito Sotto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 608,600 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2017
S M T W T F S
« Apr    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: