EDITORIAL: Ang banta ni Pangulong Duterte sa media?

May 1, 2017 at 2:29 pm Leave a comment


Tahasang isinabog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sama ng loob sa dalawang malalaking establisamento ng pamamahayag -ang ABS-CBN at Philippine Daily Inquirer (PDI). Sa ABS-CBN, nagbanta ang Pangulo na hahadlangan niya ang panibagong prangkisa nito na magtatapos sa taong 2020 at sa PDI, ay ang pagkuha ng pamahalaan ng Rufino Towers na diumano ay ilegal ang pagkamay-ari ng mga Rufinos at Prietos, na nagmamay-ari ng nasabing pahayagan. Giit pa ng pangulo na pagbabayarin niya ang pamunuan ng PDI ng mga buwis na hindi nito nabayaran sa mga nakaraang taon.
Bakit nga ba galit ang pangulo sa ABS-CBN at PDI? Ayon na rin sa kanya, hindi inilabas ng ABS-CBN ang kanyang “political ad” noong kasagsagan ng kampanya sa nakaraang eleksyon bagamat nabayaran na ito. Inakusahan ng Pangulo na kinilingan ng pamunuan ng nasabing estasyon ng telebisyon ang kalaban nito sa pagka-pangulo na si Mar Roxas. Sa PDI naman, nagalit ang pangulo sa mga “slanted news” na inilabas diumano ng pahayagan lalo na yong pag-akusa ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon siyang mahigit na P200 milyon na pera sa mga bangko.

Dahil sa mga paghayag ng saloobin ni Pangulong Duterte kontra sa dalawang “media outlets” na maituturing na higante sa larangan ng pamamahayag, umalma ang pamunuan ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa naturang pagbabanta. Kinondena nito any pahayag ni Pangulong Duterte at sinabing ang ganitong hakbangin ay pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag. Sa inilabas na “press statement”, sinabi ng NUJP Chairman  Ryan Rosauro ng ganito: ” If there is a time for the Philippine media community to set aside our differences and unite to oppose any and all attempts to silence us, it is now. Not to do so is to seal our doom and to betray our role as Fourth Estate, the people’s watchdogs against bad and abusive governance.”
Kung talagang seryoso ang Pangulo sa kanyang banta sa ABS-CBN at PDI, dapat lamang na magkaisa ang mga mamamahayag upang di masikil ang diwa ng kalayaang pamamahayag (freedom of the press). Ito ay upang masuportahan din ang mga kasamahang mamamahayag na sakaling mawawalan ng hanapbuhay. Sa kabilang banda,wala pa namang dapat ikabahala ng mga mamamahayag. Sa nasabing banta ni Pangulong Duterte, may mga legal na proseso na dapat  tahakin at sundin dahil wala pa naman tayo sa ilalim ng Batas Militar na siya lang ang maaaring umaksyon sa kanyang polisiya. Subalit, kailangan din tayong magmatyag at ipaglaban ang karapatan ng mga mamamahayag.
Kung babalikan natin ang simulain ni Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon, may mga hakbang naman siyang ginawa para protektahan ang mamamahayag. Ang kanyang Executive Order No. 1 ay ang kalayaan ng mga mamamahayag na makakuha ng mga impormasyon sa ehekutibo na nakapaloob sa “Freedom of Information”. Ang Pangulong Duterte rin ang naglabas ng Administrative Order No. 1 na naglalayon sa pagbibigay seguridad sa buhay ng mga mamamahayag sa ” Presidential Task Force on Media Security”. Ang mga hakbang na ito ay sa ilalim lang ng administrasyong Duterte
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Where’s the PNP cleansing? Drug pusher shot dead in an armed encounter

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 624,036 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2017
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: