CORTEZ: Pangasinan: P20 million per day sa Jueteng!

May 1, 2017 at 1:09 pm 1 comment


 brando-maso
“Is it any wonder then that Ang is making noise? Hindi siya ang mamamatay. Mamamatay ang illegal gambling niya.”  National Security Adviser Hermogenes Esperon.
 
Lumabas si Atong Ang sa media at nag-akusa na may gustong pumatay sa kanya.
 
Si Atong Ang po ang operator ng mala-jueteng na online na laro dito sa Pangasinan.
 
Sa totoo lang, nagalit daw si Sec Jun Esperon sa paratang ni Atong Ang.
 
Ang pasugal ni Atong Ang ang mamamatay… dahil ba mamamatay ang sugal ni Atong Ang ay mamamatay na rin siya?
 
Opo, twenty million pesos per day ang pera sa Jueteng, ayon kay National Security Adviser Jun Esperon.
 
So, PhP20 million per day din ba ang nilalaro ni Atong Ang per day?

 
“Pangasinan happens to be the biggest jueteng province in terms of gross daily revenue, estimated at PhP20 million per day. But of course the government gets nothing from jueteng,” sabi ni Sec Jun Esperon.
 
Dahil masiba sa Jueteng ang mga taga-Pangasinan, eh pinakamataas din na bid ang itinaya ng winning operator para sa STL Pangasinan sa halagang PhP 225 million.
 
Ang sinasabi ni Sec Jun Esperon ay walang pakinabang ang gobyerno sa online gambling ni Atong Ang.
 
Kung walang kasiguruhan sa kita ang gobyerno sa operation ni Atong Ang… sigurado na ang gobyerno na may PhP225 million na collection sa STL.
 
“In the case of Pangasinan, the winning bid of PMRR was P225 million. The winner has to deposit a non-refundable franchise fee of P56.25 million to be authorized to start operations, plus the P225 million PMRR which is the highest in the Philippines,” sabi ni Sec Esperon.
 
Ang isyu daw po ay hindi sina Sec Jun.
 
Ang isyu ay PCSO versus online Jai Alai gaming ni Atong Ang.
 
Gamblng lord daw si Atong Ang. hIndi daw nagbabayad ng  taxes at fees sa kinikita niya. marami daw siya illegal activities.
 
“Mr. Ang is a known gambling lord, operating jueteng thru his illegal off fronton shops. He hardly pays taxes and fees. He is into so much illegal activities. I believe the issue at hand is basically a contest ­between a legal operator/regulator that is the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) and Mr. Ang, an illegal gambling operator,” sabi ni Sec Jun.
 
Ito ba ay laban ng PCSO versus Atong Ang?

 
SECRETLY DETAINED. Sinalakay ng Commission on Human Rights ang isang police station sa Tondo.
 
Nakakita sila ng mga nahuli sa anti-drug operation sa isang parang library na ginawang kulungan.
 
Nagpasalamat si CSupt Oscar Albayalde sa Commission on Human Rights sa pangyayari dahil makikita ng tao ang tunay na kalagayan ng detention facilities sa Metro Manila.
 
Dapat talagang malaman ng taumbayan at ng CHR kung ano ang kalagayan ng mga nahuhuli na dinadala sa secret detention facility man o legal detention facility.
 
“We express our gratitude to the CHR for taking time to inspect the detention cells of our stations so that they’re able to see the real condition of these facilities.” sabi ni NCR Police Office director, Chief Supt. Oscar Albayalde.
 
Sabi ni Tondo Station 1 police commander Roberto  Domingo na overcrowded na ang detention facilities nila for male at female kay ginawan lang nila ng paraan.
 
Sabi din ni Domingo na anti-PNP ang ginawang raid… tinangal na sa posisyon si Domingo.
 
“Pinalalabas lang na mga kontrabida kaming PNP…Dito po kasi sa war on drugs kami ang laging kontrabida dito,” sabi ni Domingo.
 
Pero may detainees na nagsasabi na hinihingian daw sila ng pera (PhP20,000 hanggang PhP40,000)  kapalit ng kanilang kalayaan.
 
Kriminal naman ang tingin ni Sen. Ping Lacson sa mga pulis na extortion ang ginawa sa mga huli nila.  Remember dating police general si Lacson!
 
“If true, these policemen are no better than the kidnap-for-ransom gangs that I used to chase throughout my law enforcement career. Those responsible must therefore be treated no differently from those criminal syndicates that they themselves are mandated to neutralize,” sabi ni Sen. Ping Lacson.
 
Ito ba ay iringan or laban ng CHR kontra sa PNP?
 
GOV CHIZ ESCUDERO. Lumabas ang pangalan ni Sen. Chiz Escudero nang sabihin ni Mayor Rody na haharangin niya ang renewal ng franchise ng ABS CBN.
 
Biktima daw sila ng estafa ng ABS CBN dahil hindi ipinalabas ng naturang TV station ang kanilang patalastas noong halalan kahit bayad na.
 
Isusulong din daw ni Mayor Rody ang tax case laban sa Philippine Daily Inquirer owner na pamilya Prieto. as in bilyon pesos ang pinag-uusapang sisingilin ng gobyerno.
 
May mga tsismis na si Senator Chiz Escudero ay inuudyukan ng mga taga-Sorsogon na maging governor nila sa 2019 elections.
 
Last term na ni Sen. Chiz sa senado at magpapahinga muna bilang congresswoman ng 1st District ng Sorsogon ang mother ni Sen. Chiz na si Everlina Escudero.
 
Tanggapin kaya ni Sen. Chiz ang hamon?
 
Speaking of magpapahinga, totoo bang magpapahinga muna sa pulitika si Cong Marlyn Agabas?
 
Ang current governor ng Sorsogon ay si Robert Lee Rodriguez.
 
Si Heart naman ay rehistrado na rin bilang botante sa Sorsogon.
 
Bilang botante, puede ka rin maging kandidato.
 
Of course, hindi ipagpapalit ni Heart ang pagiging artista para maging pulitiko?
 
Malaki ang kita ni Heart sa product endorsements pa lang.
 
LINDOL SA SARANGANI. Ang Sarangani ay tinamaan ng malakas na lindol.
sa Sarangani naging congressman si Manny Pacquiao.
 
Sa Sarangani naging vice governor si Jinkee Pacquiao.
 
Senator na si Pacquiao. Bilyonaryo si Pacquiao. tutulong ba siya sa Sarangani?
 
LABOR DAY 2017. End to contractualization ang isang pangako ni Mayor Rody noong election.
 
Sana naman ay maging substantial ang pagtaguyod sa end to contractualization.
 
Labor Day 2017 ay petsa na magmamartsa ang mga manggagawa para ilatag ang iba’t-ibang isyu.
 
Ang iba namang manggagawa ay pupunta sa Laboracay para mag-enjoy.
 
Advertisements

Entry filed under: News.

MORE FOODKARTS FOR 4Ps Villasis police play basketball with drug surrenderers

1 Comment Add your own

  • 1. .  |  May 1, 2017 at 1:16 pm

    Mali si General Bato protecting that illegal detention cell na nabisto ng CHR at foreign and local media. Masisira ang Drug War ni President Duterte sa statement ni Bato. Bato dapat mag confer muna sa police lawyer bago bumanat sa nakita ng CHR at media. Nandito mga violations ng police sa arbitrary detention at mala baboy na detention cell na kinuha ko sa Constitution at Revised Penal Code. Wala pa dito ang Misconduct and others sa Administrative Law.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 616,150 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2017
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: