EDITORIAL: Sampung taon na po kami!

April 29, 2017 at 4:48 pm Leave a comment


Nagsimula ang pahayagang pangkomunidad na Northern Watch noong 2007. Sa loob ng mga taong iyon, maraming suliranin ang kanyang hinarap. May mga pagkakataon na para bang hindi na dapat ipagpatuloy pa ang paglimbag nito dahil sa kakapusan ng pera, kakulangan kung minsan ng mga balita na inaakala namin ay dapat maisulat para sa mga tao at mga pagkakataon na matagal bago matapos sa limbagan ng mga pahayagan.
 Image result for northern watch dagupan
Sa likod ng mga suliraning yaon at dahil na rin sa hangaring magkaroon ng alternatibong pahayagan para sa mga Pangasinense, kami ay nagpatuloy. Minsan may mga banta sa mga pulitiko na hindi dapat ito tangkilikin, subalit sa loob ng sampung taon, ang Northern Watch ay namayagpag sa pagbigay ng mga makabuluhang balita, mga artikulo at mga istorya. Hindi ito natakot sa mga banta at nagpursigi ang patnugutan na ilabas ang mga balitang tunay na nagyayari sa loob ng lalawigang Pangasinan.

Ang Northern Watch ay pumasailalim sa tatlong katwiran sa pamamahayag: katotohanan (truth), pagkamatarungan (fairness) at katapangan (courage). Nakipaglaban sa sirkulasyon sa mga mahigit na isang daang pahayagan sa Pangasinan, na iyong iba ay hindi na nagpatuloy at mayroon namang umuusbong pa.
Sa tatlong katwiran sa pamamahayag, ang Northern Watch ay naniniwala sa makatotohanang pagbabalita. Yong mga balita na hindi linilimbag ng ibang pahayagan ay nababasa sa Northern Watch. Mayroon mga nasasaktan na mga tao lalo na mga pulitiko at umabot sa puntong isinakdal ang mga mamamahayag nito ng libelo. Ang katotohanan sa pamamahayag ang naging tulay nito para sa pagtangkilik ng mga Pangasinense at sa mga tao ng karatig na lalawigan. Marami ring mga pulitiko ang naging kaibigan ng Northern Watch.Sila yong mga walang sawang sumusuporta sa patnugutan at mga mamamahayag nito.
Kung baga sa isang tao, nalampasan na ng Northern Watch ang kanyang pagkasanggol at pagkabata. Siya ay nagsisimula ng maging tinedyer, ang edad na magiging masalimuot at nakakakitaan ng pagbabago. Ang mga pagbabagong yan ang matutunghayan sa mga susunod pang sipi ng pahayagang ito.
Ang patnugutan, mga kolumnista at mga mamamahayag ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat sa pagtangkilik ninyo sa pahayagang ito. Sana magsama-sama pa tayo ng matagal sa larangan ng makatotohanang pamamahayag. Ang isang pahayagan ay nagtatagal sa pagtangkilik ng mga mambabasa nito.
Kami rin ay nagpapasalamat sa walang sawang suporta ng Abono Partylist at Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa pamumuno ni Engr. Rosendo O. So. Siya ang naging inspirasyon ng pahayagang ito dahil sa pagbibigay niya ng tulong at suporta para magpatuloy kami sa pamamahayag.
Sa inyong lahat, maraming salamat po.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Honoris causa?  BFAR, Maritime Police sign letter-directive vs illegal fishing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: