CORTEZ: P57 billion for rice importation from Vietnam

April 29, 2017 at 4:38 pm Leave a comment


brando-maso
 
Tanong ng SINAG: Bakit daw pumirma ang NFA Council ng 2-year contract na mag-iimport ng 3 million metric tons ng bigas?
 
Ang bigas sa international market ay may current price na $380 per metric ton.
 
Ibig sabihin ay $380 times 3 million metric tons equals about P57 billion!, iyan ang kuwenta ni Boss Rosendo na chairman ng SINAG.
 
Gusto niyo po ba na maglabas ang Pilipinas ng P57 billion para bumili ng bigas?
 
Sabi ng SINAG na dapat ay ipambili na lang ng NFA ang P57 billion sa palay ng mga magsasaka dito sa Pilipinas.

 
Dapat bumili ng mas maraming palay ang NFA dahil may malalaking bodega ito.
 
NFA lang ang makakatulong sa farmers na makakuha ng mas mataas na presyo sa kanilang palay.
 
Kaisa ng SINAG si NFA Administrator Jason Aquino at Mayor Rody na huwag mag-import ng bigas.
 
Meroon kasing dalawang bloke sa loob ng NFA Council. Isang pro-rice importation at isang no to rice importation.
 
 
TADHANA ANG PRESIDENCY. Flip flop ang deklarasyon sa pagkandidato sa pagkapangulo. Flip flop din ang mga statement sa kung anu-anong isyu. Pero nanalo si Mayor Rody Duterte.
 
‘Yung pagkapanalo ko po ay destiny ‘yan. Diyos ang may gusto ‘non, hindi ako. Kahit saan mo bilangin, maski dito sa Tondo, wala akong isang leader kung hindi kayo, kayo mismo ang tumanggap sa akin. Walang leader, leader. Sabi ni Mayor Rody Duterte.
 
Tama nga naman. Ultimong simabahang Katoliko ay kontra Duterte noong halalan.
 
Ang Diyos nga ba ang nagsabi sa mga Pilipino na iboto si Mayor bilang Presidente?
 
Hindi ako nagbibiro. Talagang galit ako sa droga. Sinisira ang bayan ko. Mahal ko ang bayan ko. Mahal ko kayo-Mayor Rody Duterte.
 
HUWAG KANG MAGNAKAW NG BUHAY! Ito po ang bagong project ni Father Nonong Fajardo ng Archdiocese of Manila. Bok Joseph, bumalik ka na ba kay Father Nonong?
 
Ang Archdiocese of Manila din ang nagtaguyod ng Huwag Kang Magnakaw!
 
Pinalawak ang panawagan sa kasagsagan ng imbestigasyon sa diumano’y korapsyon ng natalong Jojo Binay nang siya ay mayor pa ng Makati.
 
O di ba? Huwag kang Magnakaw…ng pera ng bayan noong una.
 
Ngayon ay huwag kang magnakaw ng life dahil sagrado daw ito.
 
Ano po ba ang Huwag Kang Magnakaw ng Buhay Movement?
 
“Itong Huwag Kang Magnakaw ng Buhay, sinasabi natin na ito ang buhay ay sagrado at ang Diyos lamang ang maaring kumuha nito, nakikita natin sa mga nakaraang buwan, ninanakaw po ang mga buhay na ito. Nangyari ang naging nature at creator ng buhay ng bawat isa sa atin ay ang mga pumapatay, at hindi nga ito sanctioned by law dahil walang due process, at nakita natin ang pangyayaring ito ay napakasakit sa bawat isa lalo na sa mga pamilya ng mga namatayan dahil bigla na lang darating sa bahay ang mga ito at papaslangin ang kanilang mga mahal sa buhay.” sabi ni Fr. Fajardo.
 
Noong June 30, 2016 ay nagsalita si Mayor Rody Duterte sa Del Pan, Tondo Manila.
 
Drugs, crime, poverty at lack of investors ang pambansang kalagayan ng bansa noong panahon ng halalan.
 
Kaya naman, ang mga nasabing isyu ang kanyang ipinangakong bibigyan ng solusyon kapag ibinoto siya bilang Presidente ng Pilipinas.
 
Pupunta ho tayo dito sa ating bayan. Alam naman ho ninyo na tumakbo ako kasi hindi ko na talaga masikmura ‘yung dumaan ng mga official sa gobyerno. Wala naman po akong tinutukoy na isang tao. But, hindi ko na ho alam kong anong gagawin ko at nakikita ko ang bayan ko, lunod na lunod po sa droga, kriminalidad at walang mga pera, at wala ring pumapasok dito na mga negosyante kasi takot sa sitwasyon natin. Kailangan ho tayo magbago. There has to be a change, not only sa gobyerno, but kayo rin ho ang tao, sabay-sabay tayo, sabi ni Mayor Rody.
 
Tahasang sinabi ni Mayor Rody na mamamatay ang mga involved sa iligal na droga.
 
Ako po’y galit. Pati ‘yung mga pulis dito sa Maynila, nakasabit sa droga. Ako po’y nakikiusap, huwag ho kayong pumasok diyan kasi papatayin ko talaga kayo. Hindi man siguro ngayong gabi, hindi man siguro bukas, pero sa anim na taon, may isang araw ka talaga magkamali ka at hihiritan kita, sabi ni Mayor Rody.
 
Kung gusto mo ng kamatayan… ibibigay sa iyo iyan ni Mayor Rody.
 
Nag-warning naman si Mayor. Ipinasabi na rin niya sa mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kapit-bahay ng mga involved sa iligal na droga.
 
Hindi naman ho ako natatakot, duwag naman ako na pagkatao, ayaw ko rin mamatay. Pero pag ‘yan ang gusto ninyo, ibibigay ko sa inyo. Kaya kayong mga droga, tapos na ako nag-warning ‘nong eleksyon. Kung anong mangyari sa inyo, makinig kayong lahat, baka kapatid mo ‘yan, asawa mo, kaibigan mo, anak mo, ipapasabi ko na sa inyo, walang sisihan. Sinabi ko na sa inyong huminto kayo. Ngayon, pag may mangyari ho sa kanila, ginusto nila ‘yan. Ginusto nila. 
 
Dahil adik na… gumagawa ng ng krimen para matustusan ang bisyo.
Dahil adik na. Dahil criminal na. Dapat tapusain na.
 
Kung ‘yung asawa mo naman adik, wala naman ginagawa kung hindi kumain ng hindi niya gastos; nagnanakaw, nagho-hold up para sa droga. Hindi kaya mabuti na lang tatapusin na natin ang purgatoryo nila. Tama?
 
Mapapansin natin na ang mga kilos ni Mayor Rody ay nakatuon sa pagfullfil ng mga pangakao niya noong halalan.
 
Iligal na droga. Korap. Infrastructure. Ang mga iyan ang tutok ng gobyerno ni mayor.
 
Ayaw ko kayong biguin at ako naman hindi masyado mahilig diyan sa promise promise. Pag nagbitaw ako ng salita, ‘yun na yun. Wala ng atrasan ‘yan. So maraming salamat at magtiis-tiis lang po kayo nang konti at tulungan ninyo ako sa gobyerno.
 
The End na ang mga adik at pusher.
 
‘Yung mga adik ho diyan, kayo na lang ho ang pumatay. Kung anak niya, ikaw ang pumatay. Kung anak niyang adik, kayo ang pumatay para hindi masyadong masakit. Unahin na lang muna niya, kasi darating talaga ‘yan. Mamamatay ‘yan. Pag nandiyan ‘yan, pabili nang pabili nang pabili. Sabihin ko sa inyo: 365 days a year, may isang araw talaga na magkamali ‘yan. Pagdating niyan. ‘Wag ho tayong magsisihan kasi nasabi ko na sa inyo.
 
WITH PROBABALE CAUSE. May probable cause po ayon sa Sandiganbayan ang kasong isinampa kay Junjun Binay tungkol sa P2 billion Makati Carpark building.
 
Sabi ng Sandiganbayan na may kaso ng falsification at graft na haharapin si Junjun BInay at iba pang akusado.
 
Pineke daw po ang pag-publish ng Apply For Eligibility And To Bid (IAETB).
 
Ang pamemmeke ay ginawa sa pamamagitan na ipinatong lang ang IAETB sa page na may Soduko puzzle ng isang newspaper.
 
“Notably, accused Binay, Jr. approved the subject resolution on the same day it was issued by the BAC on August 8, 2011. In any case, the presumption of authorship of falsification is equally applicable to him as he is charged in conspiracy with his co-accused,” sabi ng Sandiganbayan.
 
“After the said examination, the Court agrees with the finding of the OMB (Ombudsman) that the purported IAETB seems to have been merely superimposed (on) the copy of the said newspaper,” sabi sa resolution ng Sandiganbayan.
 
Si Junjun Binay haharap ngayon sa six counts of falsification of public documents, four counts of graft and one count of malversation.
 
Tinangal sa pagka-mayor si JunJun Binay ng Ombudsman noong October 2015.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

P8.9B earmarked for nutrition programs in 2017 budget—Poe Alaminos opens Pilgrimage Island to public

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 625,315 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: