EDITORIAL : Kwaresma

April 24, 2017 at 7:52 pm Leave a comment


 Panahon na naman ng kwaresma o sa Inglis ay “Lenten Season”. Ito ang panahon ng paggunita sa pagkamatay ni Hesu-Kristo, ang manunubos ng sangkatauhan. Nagsisimula ito sa “Ash Wednesday” o yong paglalagay ng uling sa noo ng mga mananampalatayang Katoliko at magtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.
Sa paglipas ng panahon at sa pagsibol ng ibat-ibang anyo ng pananampalataya, nag-iba na rin ang mga anyo ng pagselebra ng Kwaresma. Bagamat nandiyan yong paggunita sa pagpapahirap at pagpapakasakit ni Hesu-Kristo, ang mga ibang tradisyon ay hindi na masyadong binibigyan ng pansin.
Sa mananampalatayang Katoliko, bawal ang pagkain ng karne na kasabay ng pag-aayuno, pagbibisita ng mga simbahan, pabasa, at mga prusisyon ng mga santo kaalinsabay ng “Via Crucis”  o ” the way of the cross”. Yong iba namang pananampalataya ay nakatoon sa pitong huling wika na binigkas ni Hesu-Kristo sa krus.

Dahil ang kwaresma ay nagkataon sa mainit na panahon, karamihan sa mga Filipino ay nagbabakasyon sa mga lugar na malalamig gaya ng pagpunta sa mga “beach”, resort, ilog, at mga dagat para maibasan ang maalinsangang panahon. Panahon din ng pagtatagpo ng mga magkakamag-anak kaya naidaraos ang mga “family reunion”. Sa iba naman, hindi inaalintana ang selebrasyon ng pagkamatay ni Kristo. Patuloy pa rin ang kasayahan at pansariling kasiyahan. May inuman ng alak na walang humpay, kainan ng mga masasarap na pagkain at pagbabakasyon sa malalayong lugar.
Nag-iba na nga ang panahon.Nag-iba na rin ang mga paraan ng pananampalataya at nagbago na rin ang mga nakagisnang tradisyon at kultura sa selebrasyon ng kwaresma. Sa likuran ng mga pagbabagong ito, ang paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo ay nangingibabaw. Sa pananampalatayang Kristiyano, ang kwaresma ay panahon ng pagtitika sa sarili, pangingilin, pagbabalik loob sa Diyos at pagpapayaman ng buhay espiritwal. Ito ang mga indibidwal na hangarin na hindi nakapaloob sa kung anong sekta o relihiyon ng pananampalataya mayroon tayo.
Dahil nangingibabaw ang ang pananampalataya sa panahon ng kwaresma, ang estadistika ng mga  krimen ay kusang bumababa. Mas aktibo rin ang hanay ng mga kapulisan sa pagtulong sa mga motorista at mga bakasyonista. May mga naitakdang lugar ng maaaring lapitan ng mga mamamayan. Marahil, pati yong mga kurap na opisyal natin sa bansa ay nangagsisimba at humihingi ng kapatawaran sa kanilang mga nagawang kasalanan sa lipunan at sa mga kapwa.
Sana, araw-araw ay panahon ng kwaresma upang lalong mapaigting ang ugnayan ng bawat isa sa Diyos nating tagapaglikha.
Advertisements

Entry filed under: News.

CORTEZ: If there’s global rice shortage… MAGANES: The essence of the Lent

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 609,462 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: