EDITORIAL: Singaw ng kurapsyon, di uubra kay Duterte

April 17, 2017 at 6:18 pm Leave a comment


Kamakailan lang, usap-usapan sa bawat sulok ng bansa ang pagtanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno. Agad-agaran ang kanyang pag-alis na ayon kay Sueno ay hindi man lang pinakinggan ni Duterte ang kanyang panig. Sabi naman ni Pangulo, kahit singaw lang ng kurapsyon ang kanyang maaamoy ay talagang aalisin niya ang mga matataas na opisyal ng bansa na kanyang itinalaga. Ito ay dahil sa kanyang kampanya kontra kurapsyon sa pamahalaan.
Sa ginawang ito ni Pangulong Duterte ay maraming Filipino ang humanga at natuwa. Ito raw ay nagpapakita ng katatagan at sinseridad niya sa pagsugpo ng kurapsyon na talamak sa bansa. Kahit malapit niyang mga kaibigan at kaalyado ay wala siyang pakialam. Mahigit 92 na ang namaalam sa kanilang mga puwesto- dalawa sa Bureau of Immigration (BOI), isa sa National Irrigation Administration (NIA) sa katauhan ni Chairman Peter Laviña at sumunod kay Sueno ay si Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez na nakatalaga sa Office of the President sa ilalim ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. at mga iba pa. Ang mga ito ay naamuyan ng kurapsyon sa kanilang mga puwesto. Ayon pa rin kay Pangulong Duterte, marami pang mga ulo ang gugulong upang mawala ang kurapsyon sa bansa.
Kurapsyon ang nagpapahirap sa mga mamamayang Filipino. Ang kaban ng bayan ay nawawaldas dahil napupunta ang mga ito sa bulsa ng mga opisyal lalo na ng mga inihalal na pulitiko. Ito ay nagiging anay na sa pamahalaan na unti-unting kumakain sa mga pondo na inilaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ang kurapsyon ay hindi lang makikita sa opisina ng Pangulo. Nandiyan din sa hudikatura, sa mga pamahalaang lokal -mga lalawigan, mga bayan at mga barangay.Sa lahat na yata ng antas sa pamamahala ay namamayagpag ang kurapsyon na nagiging daan upang magkamal ng salapi para sa kanilang personal na interes. Kailan naman kaya matatanggal ang mga kurap na pulitiko sa bansa? Ito rin dapat ang tutukan ni Pangulong Duterte dahil maliban sa mga ilegal na gawain gaya ng sugal at droga, ang kurapsyon ay nangunguna sa problema sa bansa. Ang pagtalamak ng mga ilegal na droga at mga ilegal na sugal ay mga anak ng kurapsyon.
May mahigit pang limang taon sa pamamahala ni Pangulong Duterte. Sana bago matapos ang kanyang termino, ang mga problema ng bansa gaya ng kurapsyon, ilegal na droga at mga sugal ay tumigil na. Si Duterte lang ang nangahas na may kusang pulitika para bigyang aksyon ang mga problemang ito. Bagamat sinimulan din ng mga nakaraang pamahalaan ang pagsugpo sa mga ito, nangibabaw pa rin ang “pagkakaibigan” at pagkaka-alyado sa mga partidong pulitika. Sana sa pagkakataong ito, mangingibabaw naman ang kapakanan ng bawat Filipino.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Two faces of justice Police raid houses of two barangay chairmen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,786 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: