CORTEZ: Dapat may billion pondo pala ang BuCor!

April 17, 2017 at 5:37 pm Leave a comment


brando-maso
PhP25 BILLION FLOREINDO DEAL. Hindi na pala kailangan kanlungin ng mga taga BuCor ang Drug Lords para magkapera dahil may pera sila sa saging mula sa Davao Penal Colony.
 
May anomaly diumano ang land lease deal ng Banana Plantation ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) na pag-aari ni Davao Del Norte Representative Antonio “Tonyboy” Floreindo at ng Bureau of Corrections and the Bureau of Corrections (BuCor).
 
Around 5,212.46 hectares na may tanim na mamahalin saging ang pinag-uusapan at ito ay nangyari noong 1979 (Panahon ni Pangulong Marcos) sa pamamagitan ng consolidated Joint Venture Agreement.
 
Cavendish banana ang itinatanim sa Davao Penal Colony na inuupahan ng TADECO na pag-aari ni Tony Floreindo.
 
Isa sa pinakamalaking plantation ng Cavendish Bananas sa Buong Mundo ang nasa spotlight ngayon.
 
Lumutang ang PhP 25 billion deal nang i-file ni Speaker Alvarez ang House Resolution 867 na nagsasabi na pag-aralan ang Consolidated Joint Venture Agreement (JVA) ng TADECO ni Floreindo at ng BuCoR dahil disadvantageous to the government daw.
 
Ayon sa HR 867, ang JVA ay nagsasabi na magbabayad lang ng PhP 5,000 per hectare ang TADECO sa BuCor na sa totoo lang diumano ay PhP20,000 hectare ang dapat na matatanggap ng BuCor.
 
Ang nasabing lupa ay part ng Davao Penal Colony. ang Penal colony po ay para sa mga preso.

 
Minsan na rin lumutang ang name ni Floreindo bilang campaign financier ni Mayor Rody… nag-contribute si Floreindo ng PhP75 million sa pondo ni Mayor Rody para sa presidential elections.
 
Nagtatanong ang HR 867 kung bakit daw nagkaroon ng 25 years extension and land lease agreement eh ang standard practice ay 10 years lang!
 
Ayon sa HR 867, na-renew and JVA noong 21 May 2003 at nabago ang kasunduan para naman mas maayos ang pakinabang ng BuCor.
 
Dapat ay PhP26,541,809 as in TWENTY SIX MILLION FIVE HUNDRED FORTY ONE THOUSAND EIGHT HUNDRED NINE PESOS ang matatangap ng BuCor sa TADECO.
 
Dapat din na may automatic increase na 10% every five years na matatangap ang BuCor.
 
Nalulugi daw po ang BuCor ng PhP106,167,191.00 per year kung ang dapat na land rental ay PhP20,000 per hectare. masyadong mababa daw po iyong PhP5,000 per hectare.
 
Nagtatanong din ang HR 867 kung bakit ang share ng BuCor mula sa bentahan ng exported na saging ng TADECO ay PhP1.35428 per box lang?
 
Ang share ng BuCor mula sa saging ng TADECO na inexport sa China ay dapat dawn a USD12.00 per box…. sa conversion rate na USD 1: PhP50.00 lumalabas sa kuwenta na PhP600 per box.
 
Ang holding firm na humahawak sa TADECO ay Anflo Management and Investment Corp. (ANFLOCOR). parang ANtonio FLOreindo CORporation ano?
 
Si Foreindo ay naging board of director ng Anflocor noong 1997 at mula 2002 hanggang 2015.
 
Sa totoo lang, ang away ni Speaker Alvarez at Tony Floreindo ay nagmula sa away ng dalawang babae sa buhay nang nasabing dalawang lalaki.
 
Ang isa ay si Cathy Binag at ang kanyang nakaaway ay si Jennifer Maliwanag Vicencio… nagkasagutan sila sa celebration ng Masskara Festival sa Bacolod noong 2016 pa.
 
UMAMIN. Inamin ni Speaker Alvarez an may girlfriend siya at marami nang anak. pero wala siyang anak sa current girlfriend niya.
 
“My God, who doesn’t have a girlfriend?” Sabi ni alvarez.
 
Inamin ni Alvarez na may mga anak siya sa iba’t-ibang babae.
 
“So you won’t have difficulty finding out, I have eight children. I have two with my first wife, four with the second. And then, there were two more. But none with my present girlfriend,” dagdag ni Alvarez.
 
“I am just like you. I hope your wives are not listening, “if I deny it, I will be lying.”
sabi ni Alavarez sa isang radio interview.
 
Iba si Alvarez sa ibang pulitiko kasi marunong umamin. agad-agad.
 
Kung ibang pulitko ang sagot nila ay “let us keep my private life out of media….as in bigyan niyo naman ako ng privacy.”
 
Iyong isang pulitiko, pa-deny deny pa sa simula pero umamin din sa relasyon niya sa isang lalaking naging driver bodyguard niya. Ngayon nakakulong na.
 
 
INTERIM JOINT CEASEFIRE. Kahit papaano ay joint na ang ceasefire sa pagitan gn gobyerno at ng NDFP.
 
Agreement on an Interim Joint Ceasefire muna “until a permanent ceasefire agreement is forged as part of the Comprehensive Agreement on End of Hostilities and Disposition of Forces” 
 
Ang Agreement on Interim Ceasefire ay pinirmahan nina GRP peace panel chair Bello kasama ang panel members na sina Hernani Braganza, Rene Sarmiento, Antonio Arellano, at Angela Librado-Trinidad.

Ang pumirma naman sa panig ng NDF peace panel ay ang peace panel chairperson nila na si Fidel Agcaoili kasama ang panel members na sina Benito Tiamzon, Coni Ledesma, Julieta de Lima, at Asterio Palima.
 
Signing witnesses naman sina Dureza, NDF chief political consultant Jose Maria Sison, at ang mga peace panel advisers Mayor Edgardo Pamintuan para sa government at Luis Jalandoni para sa NDF.
 
Signing witness din ang third party facilitator Elisabeth Slattum para sa Royal Norwegian Government.
 
Of course mas hinihintay natin ang bilateral ceasefire na sana ay maisabay na sa discussion ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na committee ni Bok Nani Braganza.
 
POLICEMAN IN DILG. Kung noong panahon ni PNoy ay walang USec for Police matters, ngayon naman ang OIC ng DILG ay isang former policeman na si Catalino Cuy.
 
Siyempre, dahil police… police matters ang mabibigyan ng pansin.
 
Department of Interior and Local Government ang kanyang pamumunuan bilang OIC.
 
Si former MMDA chair Francis Tolentino ang susunod na Interior anf Local Governments Secretary… hindi si BBM.
 
TO IMPORT RICE? YES OR NO? Fired si Undersecre‎tary Maia Chiara Halmen Valdez ng Office of Cabinet Secretary Leoncio Evasco.
 
Ang isyu ay gusto ni CabSec Evasco na mag-import ng bigas. pero ayaw ni NFA Administrator Jason Aqiono, Agriculture Sec Manny Piñol at Mayor Rody.
 
Kahit may recommendation na ang National Food Authority pabor sa rice importation ay hindi maipatupad.
 
Akusasyon ni USec Valdez na hinaharang daw ni Office of the Special Assistant to the President (OSAP) Bong Go.
 
Mukhang okay naman ang mga magsasaka sa presyo ng palay ngayong nabawasan ang importation at smuggling ng bigas.
 
Short-lived lang iyan dahil may isang barko o dalawang barko ng bigas na nadiyan lang sa tabi-tabi. naghihintay lang ng papleles para bumaha na naman ng bigas na smuggled
 
Advertisements

Entry filed under: News.

De Venecia seeks convergence project in Mangaldan  Dagupan hotels fully booked for Bangus Fest

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,833 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: