EDITORIAL: Mahalaga ba ang moralidad sa Kamara?

April 9, 2017 at 11:22 am Leave a comment


Maraming kontrobersiya ang kinasusuungan ng administrasyong Duterte na pilit na binubuwag ng kanyang mga mamamahayag. Bagamat malakas pa rin ang karisma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mamamayang Filipino, ang kanyang mga sinasabi at mga kilos ay tinitingnan at pinupuna ng mga lokal at pandaigdigang mamamahayag. Bilang pangunahing opisyal ng bansa, siya ay minamatyagan at nililiming maigi ang kanyang mga patakaran para sa malawakang pagbabago sa bansa.
Tama na sana ang mga ganitong kontrobersiya sa bansa. Subalit ang mga ito ay nadadagdagan hindi lang sa kanyang mga gabinete kundi pati na rin sa mga kaalyado niya sa pulitika. Kamakailan lang, si Speaker Pantaleon Alvarez ng Kamara ay nasangkot sa isang kontrobersiya dahil sa kanilang iringan ni Congressman Tony Floreindo ng Davao City. Ang iringan ay humantong sa personal na antas ng naungkat ang kanilang mga ” girlfriends” na pinagmulan ng kanilang laban. Dahil dito sinabi ni Alvarez na sa panahong ito wala namang lalaki ang hindi nagkakaroon ng “sideline na girlfriend.” Dahil dito, tinuligsa si Alvarez ng mga taong bayan. Hinamon naman niya ang kanyang mga kritiko na magsampa ng kanyang “disbarment” sa Korte Suprema.

Si Alvarez ay ang pang-apat na pinakamataas na opisyal sa ating bansa. Ang pag-amin niya ng kanyang mga karelasyon na mga babae sa labas ng kanyang matrimonyang kasal ay nagpapahiwatig ng kanyang walang pagpapahalaga sa moralidad. Inamin pa niya na may anim siyang anak sa labas bukod sa dalawang lehitimo niyang mga anak na para bang siya ay nagmamalaki bilang isang lalaking brusko na punong-puno ng “machismo”. ” Hindi ako sinungaling,” ayon pa sa kanya. Oo nga’t hindi siya sinungaling. Hindi ba bilang isang opisyal ng bansa, ang moralidad ay nangingibabaw sa pagtupad ng kanyang tungkulin?
Ang Saligang Batas ang nagsasaad na ang opisinang pampubliko ay kailangan ng pagtitiwala (Public office is a public trust). Kung ganito ang mga nangyayari sa ating mga opisyal na walang pagpapahalaga sa kaayusan ng kanyang pang-personal na buhay, paano naman tayo magtitiwala na maibibigay nila ang kaayusan sa bansa? Hindi sapat ang katwirang na ang kanyang personal na buhay ay pinakikialaman ng publiko. Si Alvarez ay parang nasa loob ng babasaging baso na kailangang malinis at walang bahid ang kanyang katauhan. Kung mayroon man siyang mga personal na karelasyon, dapat lamang na hindi siya nagmalaking isiniwalat sa mamamayang Filipino.
Ang mga Filipino ay mapanghusga. At kay Ginoong Alvarez, ang paghusgang ito ay nasa sapat na katwiran. Kailangan ngayon ng mga mamamayan ng mga opisyal na kumakatawan sa pangkalahatang moralidad upang maging modelo ng mga kabataan at sa mga susunod pang henerasyong Filipino
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Media’s sad encounter with VP Robredo Mangaldan CLUP hurdles first review by SP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 645,353 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2017
S M T W T F S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,346 other followers


%d bloggers like this: