EDITORIAL :  Pagpapaliban ng  Barangay Elections, makakatulong ba?

March 28, 2017 at 2:30 am 1 comment


Noong Oktubre 2016 ang halalan ng mga pambarangay na opisyal ay ipininagpaliban ng Kongreso dahil diumano sa karamihan ng mga opisyal ng mga barangay ay nasasangkot sa paglipana ng iligal na droga. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mahigit sa 40 porsiyento sa mga ito ay hawak ng ” drug lords” kaya kung ipagpatuloy ang halalan, mas malamang na pera galing sa iligal na droga ang gagamitin para mapanatili sila sa puwesto at kapangyarihan.
Itinakda ng Kongreso at Commission on Election (Comelec) na ang susunod na halalan para sa mga opisyal ng mga barangay ay sa Oktubre 23 sa taong ito, kasabay ng halalan sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK). Naghahanda na ang Comelec sa halalang nakatakda. Patuloy ang rehistrasyon ng mga bagong botante at nagkakaroon na rin ng malawakang konsultasyon tungkol sa alituntunin ng halalang SK.
Kamakailan, nagpahayag si Pangulong Duterte na nanaisin niya na ipagpaliban muli ang halalang pambarangay at dati pa rin ang mga tinuran niyang mga dahilan. Sa kanyang panukala, ang mga opisyal ay itatalaga na lamang niya sa pamamagitan ng konsultasyon sa Department of Interior and Local Government (DILG) at mga municipal mayors.

Sa panukalang ito ay marami na naman ang nadismaya at nanghihinayang. Ang tanong ng karamihan: Bakit hindi na lang ganito ang ginawa noong Oktubre 2016 dahil tapos na ang termino ng mga opisyal ng mga barangay? Bakit gagamitin na naman ang mga municipal mayor na ayon din kay Pangulong Duterte ay may mga sangkot din sa iligal na droga? Hindi kaya mapupulitika lang ang pagtalaga sa mga opisyal ng mga barangay? Ang panukalang ito ay mapupuno na naman ng mga katanungan.
Bagamat ang intensiyon ni Pangulong Duterte ay nakakabuti sa ating bansa dahil nga sa pagsugpo ng paglipana ng mga iligal na droga, marami rin ang nagsasabi na ito ay tahasang pagyurak sa karapatan ng mga mamamayan na pipili sa mga nais nilang mga lider sa kanilang mga barangay. Dahil dito, maghahain diumano si Speaker Pantaleon Alvarez ng isang panukalang batas sa Kamara na suportahan si Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng halalan. Kung kakatigan ito, malamang na wala ngang halalang pambarangay sa Oktubre ng taong ito, maliban sa mga opisyal ng SK.
Kung matutuloy ang pagpapaliban ng halalan at pagtatalaga sa mga opisyal ng mga barangay, dapat tayo ay magmatyag. Kilala na natin ang mga opisyal natin sa mga barangay. Nandiyan yong mga korap, mga walang ginagawang kabutihan, mga sangkot sa iligal na droga, mga mapagsamantala at iba pa. Tama rin kung minsan na mas maayos ang mga pamunuan sa mga barangay kung itatalaga na lang ang mga ito. Alam naman natin na pera ang nagagamit sa halalan. Hindi kaya mas mainam na kung magtatalaga si Pangulong Duterte ng mga bagong opisyal ng mga barangay, ito ay gagawin ng malawakang konsultasyon sa mga mamamayan? Dito tao pa rin ang tutulong sa pagpili ng kanilang mga opisyal na walang halong pulitika.
Advertisements

Entry filed under: News.

De Venecias condole with Ramos, Shahani family Dagupan city jail awarded seal of SPB

1 Comment Add your own

  • 1. .  |  March 28, 2017 at 2:34 am

    Sa mga appointive na barangay officials sa October 23, 2017, lawful iyan pag may batas na bago ang Congress. Unlawful iyan pag may mag Petition ng Declaratory Relief sa legality ng batas na gawa ng Congress sa appointment ni Pres. Duterte sa Supreme Court (SC) at ang Petition ay pinanigan ng S.C.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 603,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: