CORTEZ: Tuloy sa fourth round ang Usapang Pangkapayapaan

March 27, 2017 at 3:42 am Leave a comment


 brando-maso
AGAW-POSISYON, HINDI SOLUSYON. Ang grupo ng Kadamay, urban poor organization, ay nagsasagawa ng agaw-posisyon sa mga housing projects ng gobyerno sa area ng Bulacan.
 
Tama po ba ang ginawa Kalipunan ng Damayang Mahihirap as in Kadamay?
 
Ang pagsasagawa po ba ng agaw-posisyon sa mga housing projects ng gobyerno ay magsusulong sa pambansang demokrasya?
 
Ang agaw-posisyon po ba ay sagot sa paglobo ng urban poor?
 
Ang agaw-posisyon po ba ay magpapahinto sa mga kapatid natin na huwag nang pumunta at makipagsapalaran sa urban areas?
 
Ang ginagawa nila ay papasukin nila ang isang housing project ng gobyerno at doon nila paghahatian ang mga bahay na walang nakatira.
 
Aariin ng isang member nila ang nasabing pabahay. Ang itinataguyod ng Kadamay ay ang pagkakaroon ng private property!
 
Salungat ito sa komunismo. Ang alam kong itinuturo noon ay ang komunismo ay hindi kumikilala sa private property.
 
Ang inaagawan ng lote ng Kadamay ay ang gobyerno na binubuhay ng buwis ng mga tao.
 
Ang inaagawan ng Kadamay ay ang tao.
 
Ang mga housing project ng gobyerno ay para sa mga mahihirap at sa mga middle class.
 
Ang inaagawan ng Kadamay ay ang kapwa mahirap at ang mga kapatid na middle class.
 
Who wants free housing ba talaga?
 
Ang sabi ni Gloria ‘Ka Bea’ Arellano ng Kadamay ay, “What everyone here wants is free housing, and that is what Kadamay asserts.”
 
Isang irony ang ginawa nila Ka Bea na mag-occupy ng mag housing units na pinopropeso sa tulong ng NAPC.
 
Sabi ni Ka Bea na ’Yong mga nag-occupy d’yan ‘yong mga mahihirap talaga, ‘yong mga extended family sa mga relocation na napakaliit ang bahay…at ‘yong mga wala na po talagang bahay. Tinulak po iyon ng kahirapan, ng kawalan ng trabaho,”

 


Pero inamin din ni Ka Bea na nakikipag-usap sila sa NAPC na ang pinuno ay si Ka Liza Masa.
 
Isang failure ba si Ka Lisa Maza kaya hindi na sila nakapaghintay sa proseso?
 
Mula pa pong Agosto ito na prinoproseso namin. Para bang bingi at pipi ang aming mga kausap, dagdag ni Ka Bea.

Ang isang hamon sa Kadamay ay magsagawa sila ng agaw-posisyon sa mga subdivision ng mga burgis.
 
Bakit ayaw nilang mag-agaw posisyon sa mga subdivision ng mga burgis katulad ng La Vista kung saan nakatira ang mga nagtatamasa sa yaman ng bayan?
 
Bakit ayaw nilang mag-agaw posisyon sa mga subdivision ng mga burgis katulad ng Corinthian Gardens? O Valle Verde? O Bel-Air at Forbes Park kung saan nakatira ang mga nagsasamantala sa mga manggagawa?
 
Who wants free housing ba talaga?
 
Nag-react naman ang LFS o League of Filipino Students sa statement ni Mayor Rody na mali ang ginawa ng Kadamay at kailangang magkaroon ng dialogue.
 
“The occupation of the housing units in Bulacan does not only champion the needs of the people and their ability to get the rights that they deserve, but a reminder that this government, other than serving the interests of foreigners and corporations, is undeniably inutile,” sabi ni LFS Spokeperson JP Rosos. 
 
Baka nakakalimutan ng LFS na part ng gobyerno ngayong ang mga kasama nila tulad nila Liza Masa, Judy Taguiwalo, Paeng Mariano at iba pa.
 
Ang ibig sabihin ba ng LFS ay ‘…this government na kasama sina Liza Masa, Judy Taguiwalo, Paeng Mariano at iba pa, other than serving the interests of foreigners and corporations, is undeniably inutile?
 
Hindi naman ako papayag na ang katulad nina Ka Liza, Ka JT, Ka Paeng at iba pa ay paparatangan ng LFS na nagsisilbi sa interes ng foreigners and corporations dahil sila ay part na ng gobyerno!
 
Hindi naman ako papayag na ang katulad nina Ka Liza, Ka JT, Ka Paeng at iba pa ay paparatangan ng LFS na inutile dahil sila ay part na ng gobyerno!
 
PARA SA KAPAYAPAAN. Tuloy ang peace process sa pagitan ng Goveernment of the Philippines at ng CPP-NPA/NDF.
 
“The peace process between the Philippine Government and the NDF is back in track and that the unilateral ceasefire declared by both parties last year but terminated in early February this year is deemed restored and reinstated but will be effective only as soon as the respective forces of both sides are duly informed but definitely before the next round,” sabi ni Sec Jess Dureza.
 
Fourth round na ang magaganap sa The Netherlands. Malayo na ang narrating ng proseso. Sana ay magtuloy-tuloy na.
 
Tuloy na tuloy na sa April 1 to 7 ang peace process at ang isa sa pag-uusapan sa fourth round ay ang committee na pinangungunahan ni Bok Nani Braganza ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).
 
Tuloy ang pangarap ni Mayor Rody nang sabihin niya ito noong July 25, 2016:
 
Let us end these decades of ambuscades and skirmishes. We are going nowhere. And it’s getting bloodier by the day. We will strive to have a permanent and lasting peace before my term ends. That is my goal. That is my dream.”
 
Ayon sa mga nakaraang three rounds, lumalabas na ito ang struggle ng bawat panig:
 
1) “one of the primary ways of ending internal conflict has been for parties to the conflict to enter direct negotiations aimed at reaching a comprehensive documented peace agreement to end the conflict;
 
2) these conflicts tend to revolve around the question of the distribution of political power and to whether the existing legal structure is inclusive rather than exclusive.”
 
Dahil sa mga issue na nabangit ay sisikapin na magakaroon ng bilateral ceasefire.
 
Ibabalik na ang JASIG.
 
Sa buong proseso ay tumutulong ang Royal Norweigian Government.
 
Nawa ay magkaroon ng peace document bago matapos ang 2017.
 
Of course meron pang peace process sa pagitan ng MILF at ng GPh.
Advertisements

Entry filed under: News.

MISS EVA Dagupan, Urdaneta have highest budgets in Region 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 608,600 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: