CORTEZ: Ceasefire declaration ng CPP bago mag March 31

March 27, 2017 at 4:12 pm Leave a comment


brando-maso

OBOR AS IN ONE BELT ONE ROAD. Opo, dadalo dahil imbitado si Mayor Rody Duterte sa summing One Belt One Road ng China.
 
Ang One Belt One Road po ay isang pagbuhay sa china Silk Road na naitayo matagal nang panahon.
 
Isang physical road ito na daraan sa lupa sa dagat at himpapawid na iikot sa major continents ng buong mundo.
 
May pag-asang matutupad ito dahil nasimulan na sa iba’t ibang lugar sa Africa, China, Europe at iba pa.
 
“I’m going there, I was invited by the President himself, for the One Belt, One Road. It’s a very ambitious project of China,” sabi ni Mayor Duterte.
 
Ang pagtatayo ng railway system sa buong Pilipinas ay magdudugtong sa mga isla para tuloy-tuloy ang biyahe ng mga produkto.
 
Nabansot ang kaunlaran ng Pilipinas dahil pinatay ang railway system ng Pilipinas.
 
Bakit may jeepney? Kasi kulang ang mass transport system.
 
Bakit bumibiyahe pa rin ang bulok na jeepney? Dahil hindi sapat ang kita sa jeepney para mag-upgrade sa bagong sasakyan.
 
Mas mabilis ang biyahe ng tao at produkto kapag na-develop ang modern railway system sa Pilipinas.
 
Ang OBOR ay hindi lang ang paglalagay ng mga kalsada at nautical highway.
 
Ang OBOR ay may kaakibat na pautang para sa bansa upang i-develop ang kanyang agriculture at manufacturing sectors.
 
Useless ang mga highways at railway systems kung wala namang  mga produktong maisasakay sa OBOR.

 
PEACE PROCESS, ITAGUYOD! Maglalabas ng ceasefire declaration ang Communist Party of the Philippines bago sumapit ang March 31 bilang suporta sa pagpapatuloy sa Peace Process sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at National Democratic Front.
 
The Communist Party of the Philippines (CPP) today said it is set to issue a unilateral declaration of interim ceasefire not later than March 31 in anticipation and support of the fourth round of peace talks between the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Government of the Republic of the Philippines (GRP) set for April 2-6 in The Netherlands.
The CPP made the announcement following the release yesterday by the New People’s Army (NPA) of two prisoners-of-war (POWs) in Mati, Davao Oriental, ayon sa statement ng CPP nitong March 25.

Unilateral ceasefire pa lang po!
 
Siyempre expect natin na mag-declare din si Mayor Rody ng unilateral ceasfire para sa side ng Government of the Philippines.
 
The CPP said it looks forward to a similar unilateral ceasefire declaration by the GRP as mutually agreed upon in the March 10-11 backchannel talks. The CPP urges the Duterte regime to order the AFP to slow down its ongoing all-out offensive military operations and aerial bombing and shelling campaigns against rural barangays, to help create a favorable atmosphere for the mutual ceasefire, sabi sa statement ng CPP.
 
Kahit na nagtuloy-tuloy ang labanan sa pagitan ng armadong puwersa ng gobyerno at ng NPA ay tuloy-tuloy naman ang back channel talks sa pagitan ng NDFP at GPh.
 
Siyempre mas matatag sana kung nag-uusap na walang nagbabarilan,. Tama ba Bok Nani Braganza. Mahirap ang talking while firing.
 
Siyempre mas maayos na sana ang usapan kung magkakaroon ng bilateral ceasefire… hindi unilateral ceasefire.
 
Also in line with the March 11 Joint Statement, the Party also anticipates the Duterte government to release 19 elderly and sick political prisoners, as well as four detained NDFP consultants and one other recently rearrested, sabi ng CPP statement.
 
The CPP said it also supports efforts of the NDFP and GRP to forge a bilateral ceasefire even as it anticipates “difficult negotiations,”ayon din sa CPP.
 
Bumaba na sa 19 political prisoners ang hinihiling ng CPP na mapalaya agad-agad. Dati ay 400 political prisoners ang hinihingi ng CPP na mapalaya agad-agad.
 
Mahirap palayain ang 400 political prisoners ng sabay sabay kasi ang mga kaso nila ay nasa iba’t-ibang korte sa Pilipinas.
 
May mga criminal charges yung iba sa mga kapatid natin.
 
Bilateral ceasefire ang hinhiling ng lahat… dahil sa bilateral may pagkakasunduang mga bagay-bagay sa pagpapatupad ng ceasefire.
 
Sana nga eh diretsong bilateral ceasefire na lang at hindi unilateral ceasefire.
 
Support for continuing peace negotiations. The CPP said the revolutionary forces are encouraged by the determination of the NDFP and GRP to continue with peace negotiations and accelerate negotiations on the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) and the Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms (CAPCR), ayon sa CPP statement.
 
Ang substance ng peace talks ay pag-uusapan sa 4th round ng peace talks.
 
Pag-uusapan ang socio-economic reforms. As in ugat ng kahirapan ang nagluwal sa rebolusyon.
 
May mga walang pag-aari at mayroong may pag-aari.
 
Ang mga walang pag-aari ang mahirap at ang mayroong pag-aari ang mayayaman.
 
Ang mga walang pag-aari ang nagrerebolusyon laban sa mga may pag-aari.
 
Ang concept ng private property ang nagluwal sa kahirapan.
 
Pag-uusapan na rin ang political at constitutional reforms.
 
Ang pagpapatakbo ng gobyerno at ang basic document sa pagpapatakbo ng gobyerno ang nakasalaang dito.
 
EARTH HOUR. Practice na ng mga grupo sa Pilipinas na magpatay ng ilaw ng sabay sa bay bilang paggunita ng Earth Hour.
 
Sana ay mag-switch na sa LED ang mga residential housing units.
 
Sana ay mag-switch na sa LED ang mga government offices, government hospitals at military at police camps.
 
Mas malaking tulong sa combat laban sa climate change ang pag switch sa LED.
 
Of course, ang dulo ng paggamit ng LED ay ang pagperfect ng Pilipinas sa Solar Technology.
 
Kung solar powered ang mga tahanan ay malaki ang mababawas sa pollution.
 
Kung green technology na ang gamit ng mga buildings katulad ng Toyota La Union ay may sagot sa climate change, tama po ba Bos Rene So?
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

Gumugulong na kabuhayan’ Sto. Tomas aims for 2 Guinness World titles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 609,462 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: