EDITORIAL :  Ang pagbabagong anyo ng Project Double Barrel

March 20, 2017 at 6:22 am Leave a comment


Noong Marso 6, inilunsad muli ang Project Double Barrel na kinalolooban ng OPlan Tokhang at OPlan High Value Target (HVT) ng Philippine National Police (PNP) pagkatapos na suspendihin ng mahigit isang buwan. Sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ibinalik sa pamunuan ng PNP ang operasyon nito mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang ipagpatuloy ang pagsugpo sa iligal na droga sa buong bansa.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakakaraming Filipino na sa pagsuspendi ng Operation Double Barrel, bumalik ang pagbenta ng mga droga sa mga kanayonan at namayagpag muli ang mga drug lords at drug pushers. Sa katunayan, pagkatapos mailunsad muli, marami na naman ang nahuling gumagamit ng iligal na droga at may mga shabu laboratory na nadiskubre. Ang nakakalungkot dito ay kasali na naman yong mga dati ng nagsurender sa PNP sa ilalim ng Project Tokhang.
Sa pagbabagong anyo nito, tunghayan naman natin ang Pangasinan.
Pagkatapos na ilunsad muli ang Project Double Barrel, ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) na pinamumunuan ni Police Senior Superintendent Ronald Oliver Lee ay nagsagawa ng ” One Time, Big Time” na operasyon sa 19 na bayan ng Pangasinan upang masawata ang paglipana ng iligal na droga at makita rin kung ano na ang nagyayari sa buhay ng mga “surrenderers”.

Sa naturang operasyon, 33 tao ang nahuling may dalang iligal na droga at anim na tao naman ang may dalang baril na walang lisensiya. Ito ay nagpapatunay na bumalik na sa kanilang mga iligal na gawain yong dating nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga. Ang pagsagawa ng PPPO ng ganitong operasyon ay nagbigay din na malakas na mensahe sa sa mga “drug lords”, drug pushers” at drug users” na ang PNP ay hindi nagbibiro sa pagsugpo ng iligal na droga at iba pang anyo ng kriminalidad, hindi lang sa Pangasinan kundi sa buong bansa.
Sa isang pulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster (KBP)-Pangasinan Chapter noong Marso 9, sinabi ni Police Senior Supt. Lee na ang implementasyon nila ng Project Double Barrel-Reloaded ay nagpapakita ng tagumpay sa paglaban nila ng kriminalidad sa Pangasinan. Sabi pa niya na para na silang “pumipitas ng mansanas” dahil yong mga personalidad na sangkot sa iligal na droga ay nagsibalikan na sa kanilang mga komunidad. Ayon pa sa kaniya, patuloy ang pagmamanman nila sa mga ito kahit noon pang nasuspendi ang Project Double Barrel.Ang kagandahan ng operasyon dito sa Pangasinan ay walang dugong dumanak at walang namatay. Iyong mga nahuli ay sinampahan ng mga kaukulang kaso sa Korte upang dadaan sila sa legal na proseso ng batas.
Malawak na ang narating ng ating pamahalaan sa pakikidigma sa iligal na droga sa bansa. Maraming buhay na ang nawala. Marami rin iyong hindi nakakaintindi na sa isang digmaan, may buhay na nakikitil dahil responsibilidad ng pamahalaan na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating lipunang ginagalawan
Advertisements

Entry filed under: News.

Toff’ eyes  2 major tourism projects in Dagupan Villasis Municipal Library receives plaque of distinction

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 609,462 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: