EDITORIAL : Mabuhay ang mga atletang Pangasinense!

March 12, 2017 at 10:31 pm Leave a comment


Ipinamalas muli ng mga atletang Pangasinense ang kanilang paghahari sa larangan ng palakasan sa nakaraang ika-17 Region 1 Athletic Association (R1AA) na ginanap kamakailan sa Vigan City. Ipinakita ng mga atleta na ang mga Pangasinense ay uungos sa larangan ng palakasan kung ito ay mabibigyan ng tamang pansin at tulong ng mga “stakeholders” ng palakasan gaya ng mga administrador ng mga paaralaan, mga lokal na pamahalaan at ang mga pribadong sektor.
Matatandaan na sa mga nakalipas na mga paligsahan ng palakasan sa R1AA, ang mga atletang galing sa Ilocos Norte ang nangunguna hanggang ito ay naungusan ng mga Pangasinense. Tamang disiplina, tamang ensayo at tamang perspektibo sa larangan ng palakasan ang mga dahilan sa pamamayagpag na ito.
Ayon sa opisyal na resulta na inilabas ng pamunuan ng R1AA, ang Pangasinan II ang nanguna na nakakopo ng 58 medalyang ginto, 52 medalyang pilak at 47 medalyang tanso. Sinundan ito ng Dagupan City na nakakuha ng 51 medalyang ginto, 40 medalyang pilak at 41 medalyang tanso. Ang Pangasinan I ay nasa ikatlong puwesto na nakakuha ng 51 medalyang ginto, 40 medalyang pilak at nasa ika-apat na puwesto ang Urdaneta City na nagkamit ng 38 medalyang ginto, 31 medalyang pilak at 43 medalyang tanso.
Ang San Carlos City bagamat wala sa pangunahing limang koponan at nasa ika-9 na puwesto ay nakakuha ng 18 medalyang ginto, 23 medalyang pilak at 26 medalyang tanso. Samantala, ang Alaminos City ay nasa ika- 12 puwesto na nakakuha ng 9 na medalyang ginto, 5 medalyang pilak at 20 medalyang tanso. Hindi pa huli sa dalawang siyudad na ito na itaas ang antas ng kanilang palakasan gaya ng Urdaneta City na noon ay wala sa mga pangunahing naitala sa R1AA hanggang nagkaroon ng isang malawakang pagsuporta sa kanilang programang pangpalakasan ang pmunuan ng siyudad.
Labing apat na mga dibisyon ng Department of Education (DepEd) sa mga lalawigan at siyudad ang nagtunggali sa palakasang naturan. Ito ay kinabibilalangan ng La Union (5th), Laoag City (6th), Ilocos Norte (7th), Batac City (8th), Ilocos Sur (10th), San Fernando City (11th), Candon City (13th), at Vigan City (15th).
Dahil sa tagumpay na ito ng mga atletang Pangasinense, nangako si Gobernador Amado I. Espino III na lalo pa niyang papaigtingin ang pagtulong sa mga atletang Pangasinense gaya ng pagbibigay ng mataas na antas ng pag-eensayo, tamang nutrisyon at mga kagamitan sa mga ibat-ibang larangan ng palakasan.
Ang pahayagang ito ay nakikiisa sa pagbibigay pugay sa lahat ng atletang Pangasinense kasama na rin ang kanilang mga tagasanay (coaches), pamunuan ng lalawigan ng Pangasinan at mga siyudad, at mga administrador ng mga dibisyon at paaralan.

Advertisements

Entry filed under: News.

CORTEZ: Bilang DENR Secretary, bakit mo gusto mong maging boss si mayor Rody? MAGANES: Relaunching of OPLAN Double Barrel-Reloaded

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,786 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: