EDITORIAL: Sasabak muli ang mga pulis sa laban kontra droga

March 5, 2017 at 7:43 pm Leave a comment


 Tokhang, ikalawang yugto? Tila ito ang mangyayari pagkatapos na nagbigay na ng order si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy na nila ang paglaban kontra sa ilegal na droga sa bansa. Matatandaan na sa nakaraan buwan ng Enero, tinanggal ang operasyon laban sa droga sa PNP dahil sa pagkadawit ng mga opisyal nito sa pag-kidnap at pagpatay sa negosyanteng Koreanong si Jee Ick Joo. Dahil dito, sinimulan ang paglilinis sa hanay ng mga pulis sa bansa. Ang laban sa droga ay ibinigay sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
 
Kulang diumano ang mga tauhan ng PDEA kaya ang operasyon sa laban sa droga ay ibinalik sa PNP. Isa pang dahilan ay ang pamamayagpag muli ng mga “drug lords” at “drug pushers” sa kanilang ilegal na gawain. Natuwa sila sa pagsuspendi ng Operation Tokhang at sinamantala nila ang pagkakataon na magbenta ulit ng droga lalo na ng “shabu” sa mga gumagamit nito.
 
Sa pagbabagong anyo ng “Tokhang” sa ilalim ng PNP, mayroon bang inaasahang pagbabago ? Mayroon, ayon kay Chief PNP Ronald “Bato” Dela Rosa. Nang bumisita siya sa Pangasinan noong Marso 2 sa pasinaya ng bagong gusali ng PNP sa bayan ng Laoac, sinabi ni Dela Rosa na hinihintay lang niya ang “feedback” ng mga hepe ng pulis sa rehiyon at mga probinsiya upang maisagawa na niya ang paglaban muli sa droga. Ayon pa sa kanya, ipagpatuloy pa rin ang paglilinis sa hanay ng mga tauhan sa PNP at ang paglaban sa droga ay hahawakan ng mga pulis na ang kanilang “integridad ay hindi mapapasubalian.”

 
Magandang pakinggan. Magandang hangarin pero alam naman natin na sa hanay ng mga pulis ang “seniority” ang umiiral. Paano kung ang mga ilalagay na hahawak sa operasyon ay mabababa ang mga ranggo? Hindi kaya magiging sunudsunuran lang sila sa utos ng mga nakakataas sa kanila? Dapat mayroon ding pagbalasa sa mga matataas na opisyales ng PNP sa mga rehiyon at lalawigan o di kaya pati na rin sa mga bayan upang magkaroon ng tuwirang pagbabago sa paglaban sa droga. Ito rin ang hakbang para mawala ang paghawak sa kanila ng mga pulitiko.
 
Limpaklimpak na salapi ang nakapaloob sa ilegal na droga. Maraming “narco-politicians” ang nakikinabang dito at dahil malaking pera ang hawak nila, kaya nilang suhulan ang mga pulis na naghahangad din ng agarang pagyaman kasama na dito yong mga mamamahayag na nakikinabang din sa ilegal na droga.
 
Kung kailan sisimulan ang ikalawang yugto ng “Tokhang” ay hindi pa alam sa kasalukuyan. Kung sakaling simulan uli ito ng PNP, kailangan din tayong magmatyag at makiaalam lalo na kung magkakaroon na naman ng mga patayan at madadamay ang mga inosente. Ang pahayagang ito ay nakikiisa sa paglaban sa ilegal na droga subalit nagkokondena sa mga patayang walang dahilan at pagbalewala sa karapatang pantao.
 
Tayo ay magkaisa na labanan ang ilegal na droga at suportahan natin ang layunin ni Pangulong Duterte.
Advertisements

Entry filed under: News.

CORTEZ: Your goodness cannot protect you MAGANES: How telcos and banks are duping us

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 671,891 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,356 other followers


%d bloggers like this: