CORTEZ: Your goodness cannot protect you

March 5, 2017 at 7:29 pm Leave a comment


brando-maso
PERLAS NG PAGSILBI SA BAYAN. May nilalang na pinili ang magsisilbi sa mga mahirap sa kanayunan, pero pinatay.
 
Ang pinatay ay isang Anak ng Aklan na si Doctor Drey Perlas.
 
Isang iskolar ng bayan para maging doctor at nang makapasa ay naging doctor to the barrios.
 
Nagsilbi siya bilang doctor sa bayan ng Sapad, Lanao Del Norte.
 
Isang bayan na walang doctor na gustong maging municipal health officer sa loob ng 12 years.
 
Pinili ni doctor Drey na pagsilbihan at bigyan ng medical attention ang Christian, Muslim at iba pang katutubo sa Mindanao.
 
Puede naman niyang piliin na maging municipal health officer ng sariling bayan niyang Batan sa probnsiya ng Aklan, pero pinili niya ang Mindanao.
 
Pinatay siya matapos niyang mangaling sa isang medical mission.

 
Papatawan mo ba ng death penalty ang pumatay sa isang doctor to the barrios.
 
“Mag-5 years na unta siya karong October. Nagsugod siya as DTTB doctor dayun na-absorb as Municipal Health Officer kay nindot man ang iyang performance [This October would have been his 5th year. He started as a (Doctor to the Barriors) DDTB doctor but was absorbed as a municipal health officer because of good performance],” said Lucky Ayuda, a nurse in Sapad who was also among Dr. Perlas’ friends.
 
Sinubukan niyang magbasketball dahil 6 feet three inches ang height niya pero walang hilig ang basketball sa kanya.
 
Gentle giant na doctor si Drey Perlas na binasagan din na Superman Doctor ng mga tagaroon sa bayan ng Sapad.
 
The compensation he received for this is a bullet to the heart.
 
“Our rural poor communities are in desperate need of doctors. Dr. Perlas was a rarity, having both the competencies and demeanor suited for a career in public health. People like Drey represent an immense value to our society, and the compensation he received for this is a bullet to the heart,” sabi ni Dr. Jorrel Valdez sa kanyang Facebook account.
 
Kay hirap mong mahalin Pilipinas
 Minsan, madami sa amin, naiisip siguro kung tama pang ipagpatuloy ang pagsisilbi sa bayan. Sa lugar kung saan malayo ang pamilya namin sa amin. Sana may mga rason pa akong makita upang ipagpatuloy ito… Kay hirap mong mahalin Pilipinas,” sabi ni Dr. Reygene Caratiquit, doctor to the barrios din, sa kanyang Facebook account.
 
Your goodness cannot protect so I call on Justice to avenge you.

 
“Your goodness could not protect you so I call on Justice to avenge you. May it be swift. If the laws of the land cannot satisfy, may Divine retribution satisfy tenfold! Doctors who choose to go into rural service away from their comfort zones are rare; but among doctors your kind is far rarer,” sabi ni Dr. Jordan Pinzon sa kanyang Facebook  account.
 
DEATH PENALTY. Huwag na tayong maglokohan sa usapin ng death penalty.
 
Ang death penalty ay hindi deterrent sa crime.
 
Kaya nga penalty eh. Dapat magkakasala ka muna, mahuli at matulan para makuha mo ang penalty na death.
 
May mga kasama tayo na payag sa death penalty dahil punong-puno na ang mga jails.
 
Parang sardinas na ang mga kulungan.
 
Kapag may death penalty, mababawasan ang laman ng kulungan.
 
Hindi na makakabalik sa lipunan ang mga kriminal kapag nahatulan ng death penalty.
 
May isang kuwento kung saan isang pangkalahatang death penalty ang ipinataw ng kalikasan sa mga tao.
 
Napatunayan na naging napakasama na ang krimen na ginagawa ng mga tao noon at nasentensiyahan ng kalikasan.
 
Death by drowning ang penalty o sentensiya ng kalikasan sa mga tao.
 
Nadamay pa ang mga hayop dahil sa kahayupan ng mga tao.
 
Umulan at bumaha sa loob ng 40 days and 40 nights…nalunod at namatay ang mga tao.
 
Ito ay nangyari sa panahon ni Noah.
 
PENALTY OF IMPRISONMENT. Si De Lima ay lalong naging laman ng balita nang siya ay makulong sa alegasyon na involved daw siya sa drug trading.
 
Nagpakipot pa na magpaaresto nung una pero after konting drama ay suamama na rin sa kulungan.
As usual hit as in mabili yung mga newspapers na may pictures ni De Lima na may hawak na karatula na nakasulat ang kanyang case number.
 
Collector’s item daw iyon!
 
Winelcome naman ni Sen. Jinggoy Estrada si De Lima sa PNP Custodial Center.
 
Sabi daw ni Binay kay De Lima ay ‘akala ko ba ako ang ipakukulong niyo? Naunahan mo pa akong makulong!’
 
May isang panahon noong Justice Secreatary pa si De Lima na hindi niya sinunod ang utos ng Korte Suprema na pumayag na bumiyahe si Presidente Gloria Arroyo para sa medical treatment sa abroad.
 
Pagkatapos nang insidenteng iyon ay nagawan nang paraan para makulong si Presidente Gloria Arroyo sa alegasyon ng corruption.
 
Nangyari yan sa panahon ng Daang Matuwid.
 
Laya na si Presidente Gloria Arroyo, Deputy Speaker of the House na siya at congresswoman mula sa Pampanga.
 
May isang panahon na si Sen Ninoy Aquino ay pinayagan magpagamot sa abroad ni Presidente Marcos.
 
Kaya lang pinatay si Ninoy nang siya ay bumalik sa Pilipinas.
 
PENALTY NG MABABAW NA KAISIPAN. May mga nagsasabi na mababaw ang Daan Matuwid at hanggang media war lang sila.
 
Dahil daw sa kababawan ng pag-iisip ng mga nasa Daan Matuwid ay hindi lang sila naisahan ng Tapang at malasakit kungdi ay nadalwahan pa sila.
 
Una ay nakulong si De Lima.
 
Pangalawa ay nawalan ng committee chairmanship ng mga senador ng Daan Matuwid.
 
Hindi lang ang pagkakulong ni De Lima ang tumama sa Daan Matuwid.
 
Tinanggalan ng committee chairmanship ang mag senador ng Daan Matuwid.
 
Sa motion ni Sen Pacquiao, idineklara na vacant position ng Speaker Pro Tempore ni Drilon, ang chairmanship ng committee on Agriculture ni Kiko Pangailinan, Health ni Risa Hontiveros at Education ni Bam Aquino.
 
Kinabukasan ay emergency meeting ang Daan Matuwid sa Balay HQ sa Cubao.
 
Hindi nila alam kung ano ang tumama sa kanila.
 
Hindi nila akalain na makukulong si De Lima.
 
Ang naging reaction lang nila ay hashtag onefordelima.
 
Hindi nila inakala na mawawala sa kanila ang speaker pro tempore, ang committees on agriculture, health at education.
 
Ang naging reaction lang nila ay inaapi daw sila.
 
Malalim mag-isip, magplano at magpatupad ng aksyon ang grupong Tapang at Malasakit kung ihahambing sa grupong Daan Matuwid.
 
Habang nakakakuha ng media mileage ang mag alipores ng Daan Matuwid ang tahimik na nag-iisip, nag-paplano at nagpatupad ang grupong Tapang at Malasakit.
 
Araw-araw ang press conference nina Sen De Lima, Sen Trillanes, VP Leni hanggang sa kaarawan EDSA 1 at naging laman naman sila ng balita.
 
Advertisements

Entry filed under: News.

‘Toff’ asks educators to equip and empower the youth  EDITORIAL: Sasabak muli ang mga pulis sa laban kontra droga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 656,668 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2017
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: