CORTEZ: Bakit pahirap sa bayan ang gold smuggling?

February 27, 2017 at 6:38 pm Leave a comment


brando-maso

The country’s precious metal, gold, is being stolen, and this is possible because we are a weak state, we are unable to stop it. That’s the core problem we face in the mining industry, sabi ni Bobbi Tiglao sa kanyang column sa Manila Times.

GOLD MINING HINDI SAGOT SA KAUNLARAN. Sa tinagal-tagal ng gold mining sa Philippines ay hindi pa rin ito maunlad.Ang proseso ng paglantad ng gold smuggling ay katulad ng pagkuha ng SINAG nila Boss Rosendo ng data para sa smuggling ng agricultural products.Pinagbabangga lang ang mga data para sa declared exports ng isang bansa at declared imports ng trading partner na mula sa UN Comtrade, o ang United Nations International Trade Statistics Database, na ginagawa ng SINAG.

Ayon sa nakuhang data ni Tiglao, ang Hong Kong ay nag-declare ng $5.3 billion na halaga ng gold na imported mula sa Philippines mula 2005 hanggang 2015.

Pero ang declared ng Philippines na gold export sa Hong Kong ay nasa $1.1 billion lang mula 2005 hanggang 2015.

Tingnan uli natin ang figures na $5.3 billion na halaga ng gold na pumasok sa Hong Kong at $1.1 billion na halaga ng gold na pinadala ng Philippines sa Hong Kong.

Hindi ba dapat na kapag nagsalin ka ng isang basong tubig sa isang baso ay isang basong tubig din ang katumbas?

Bakit magkaiba ng deklarasyon ang Hong Kong at Philippines sa parehong panahon mula 2005 hanggang 2015?

Bakit may discrepancy na $4.2 billion?

Ang sinasabi ni Tiglao ay ang $4.2 billion na halaga ng gold ay smuggled  mula sa Philippines  papuntang Hong Kong.

Ang $4.2 billion ay katumbas ng PhP200 billion na lumabas sa Philippines na walang taripa… as in smuggled palabas ng Philippines.

Sinasabi din ni Tiglao na 86 percent, ng PhP200 billion na halaga ng smuggled na gold ay nangyari sa panahon ng Daang Matuwid.

Mula 2011 hanggang 2015 na panahon ng Daan Matuwid ay gold na umabot sa 11 percent ang naging pinakamalaking import ng Hong Kong mula sa Philippines.

Madaling nailalabas ang gold, nickel at iba pang mahahalagang ores mula sa iba’t ibang sulok ng Philippines.

Dahil archipelago ang Philippines ay madaling maglabas ng gold kasi nga walang customs officials sa maraming lugar sa Philippines.

Madali daw lagyan ang mga officials sa Philippines.

 “A vast and growing river of gold, much of it illegal, is being mined in the Philippines by Chinese companies and is pouring into Hong Kong before most of it is transshipped into China. Chinese mining companies, many of them operating illegally, have been exporting gold, nickel and other precious minerals out through the island country’s porous coastal ports, where there are no customs officials and plenty of bribable officials to turn their eyes the other way,” ayon sa 2012 article na China’s Gold Rush mula sa publication na Asian Sentinel.

O hayan! Inisa-isa ang mag actor na involved sa mining at smuggling ng gold mula sa Philippines.

May makukulong ba sa kanila?

Magtutuloy-tuloy pa kaya ang gold smuggling panahon ng gobyernong may Tapang at malasakit?

May plano na kaya ang Customs na supilin ang gold smuggling?

HINDI SAGOT SA KAHIRAPAN. Ang mataas na level ng kahirapan sa kanayunan na nasa 33 percent ay dahil daw mas mabagal ang pag-nlad ng agrikultura sa panahon ng Daang Matuwid (1.2%) kumpara sa panahon ni PGMA (2.8%) ayon kay prof. Rolando Dy ng Management Association of the Philippines.

Development analysts agree about the need for agriculture to grow at 3.5% to 5% over long periods to reduce poverty, especially rural poverty, sabi ni Dy.

Ang sagot sa kahirapan sa kanayunan ay ang pagpapalawak ng agrikultura ayon kay Dy.

Masyadong makitid daw ang agrikultura sa Philippines kaya mababa ang productivity.

Dahil mababa ang productivity ay limited ang raw materials para sa processing industry.

Walang mabuksang marami at pangmatagalang trabaho dahil kaunti lang ang raw materials at mahina ang processing industry.
Hindi daw makakaahon sa kahirapan sa kanayunan kung palay lang ang tanim.

Dapat daw ay 3.5% o mas mataas ang growth rate ng agrikultura sa Philippines para makaahon sa kahirapan sa kanayunan.

Narito po ang data na nakuha ni Dy:

The Philippine Statistics Authority (PSA) uses year 2000 constant prices (inflation-adjusted) value added structure. In 2016, all crops accounted for 48% of total agricultural output, livestock 14.7%, poultry 11.8%, fishing and aquaculture 17.4%, agriculture services 8.1% and forestry, a paltry one-half percent. Agri services cover activities like contract plowing, threshing, others.

Of the crops’ 48%, palay (rice) contributed 19.3%, corn 5.5%, banana 4.6%, coconut 3.7%, and sugarcane, mango and pineapple 2% each. The rest (7%) are spread among coffee, cassava, rubber, cacao, oil palm, fruits and vegetables, and others.

Dapat tumaas ang production ng iba pang produkto maliban sa palay.

Kailangan ang mais na raw material sa maraming bagay tulad ng corn oil at corn flour na ginagamit sa maraming produktong nakikita natin sa groceries.

Ang coconut production ay kailangang itaas din dahil gamit ito sa maraming bagay tulad ng coconut oil.

Walang question na ang rubber ay kailangan para sa kaunlaran.

Maraming produkto mula sa pagtatanim ang dapat na dagdagan ang hectarage dahil sila ay raw materials sa processing industry.

Kapag maralaki na ang processing industry ay magkakaroon ng maring pangmatagalang trabaho.

Kapag maraming may trabaho… mas maraming pambili ang mga manggagawa.

Rural poverty in the medium term cannot be reduced by lower income taxes, employment in BPOs (business process outsourcing) and the 4Ps (conditional cash transfers), ayon kay Dy.

Ang pagbaba ng taxes ay hindi sagot sa paglaya mula kahirapan ng mga nasa kanayunan.

Paano nga naman makikinabang ang mahirap sa lower taxes kung hindi naman sila nagbabayad ng tax? Hahaha!

Ang pagpapalaganap ng BPO o Business Process Outsourcing o call center operations ay hindi sagot sa paglay mula sa kahirapan ng mga nasa kanayunan.

Paano nga naman makakapasok sa call center ang mga mahirap na nasa kanayunan kung hindi naman sila nakakarating ng college?

Marami nga sa kanila ay hanggang elementary lang!

Ang Conditional Cash Transfer o CCT o 4Ps ay hindi sagot sa paglaya mula sa kahirapan ng mga nasa kanayunan.

Ang halagang PhP1,400 CCT para sa mahihirap ay napakababa kumpara sa poverty threshold na PhP9,000 kada pamilya.

Dump all your gadgets, take a walk without a destination!

Advertisements

Entry filed under: News.

714 fined for violating Artikulo 21 BIR eyes large taxpayers for collection increase

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 625,315 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: