EDITORIAL:   Tulong pinansiyal sa mga magsasaka at mangingisda, papaigtingin

February 26, 2017 at 4:19 pm Leave a comment


Ang pag-unlad ng agrikultura sa ating bansa ay nakasalalay sa sapat na tulong ng pamahalaan sa ating mga magsasaka. Maraming pangangailangan sa paglinang ng isang sakahan. Nandiyan ang mga tamang binhi, sapat na pataba, pestisidiyo, patubig, pinansiyal para sa mangagawa sa sakahan at mga makabagong makina sa pagsasaka. Kung hindi sapat ang mga ito, tiyak na mababa ang produksyon sa sakahan ng isang magsasaka at nakakaapekto ito sa pang-ekonomiyang kabuhayan sa ating bansa.
Mula pa sa nakaraang administrasyon, maraming programa ang pamahalaan para sa mga magsasaka lalo na sa mga pagkukunan ng kapital para sa kanilang sakahan. Subalit ang mga ito ay di gaanong nakakamit ng mga magsasaka dahil sa maraming mga papeles na kailangan. Imbes na lalapit ang mga magsasaka sa mga pasilidades na ito sa pagpapautang, sila ay uutang sa mga “loan sharks” o di kaya mga negosyante na pag tapos na ang anihan, ang bayarin ay kinakaltas sa kanilang produksyon. Kakarampot ang matitira sa mga magsasaka at sa susunod na anihan ay ganoon na naman ang gagawin. Sila ay hindi makaahon sa hirap ng buhay sa kawalan ng sapat na kapital.

Ang mga institusyong naatasan na magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga magsasaka at mangingisda ay ang mga sumusunod: Land Bank of the Philippines (LBP), Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF), Development Bank of the Philippines (DBP) at iba pang mga bangko sa bansa. Subalit ang mga ito ay hindi nagagamit at napupuntahan ng mga magsasaka dahil sa maraming papeles na kailangan. Una, kailangan na ang mga magsasaka ay kasapi ng kooperatiba, pangalawa, mayroon silang “collateral” para sa kanilang uutangin, at pangatlo, mataas ang interes sa mga institusyong nabanggit na umaabot sa 15% hanggang 36% kada taon.
Ang problemang ito ay nakita ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol. Siya ay nagpanukala ng “Farmers and Fishermen Quick Credit Facility” na magbibigay ng P25,000 na pautang sa mga magsasaka at sapat na pambili ng kagamitan ng mga mangingisda. Ang interes dito ay hindi tataas sa 6% kada taon at walang “collateral” na gagamitin at ilalabas ang mga pautang sa loob lamang ng tatlong araw.
Magandang hakbangin ito ng Department of Agriculture (DA) sa pamumuno ni Secretary Piñol. Sa ngayon, isinasagawa na ang malawakang ” farmers and fishermen registry” na kung saan nakatala ang mga tunay na magsasaka at mangingisda sa bansa. Hiniling din ni Secretary Piñol ang inisyal na pondo na P50-bilyon para mailagay sa General Appropriations Act sa susunod na taon.
Ito na kaya ang simula para umunlad na ang buhay ng ating mga magsasaka at mangingisda? Sana ang pagpapaigting ng programang ito ay pupunta sa mga tunay na nangangailangan at hindi sa mga taong may pansariling interes sa buhay. Bigyan natin ng pagkakataon ang administrasyong Duterte para ipakita niya ang pagbabagong ito sa mga magsasaka at mangingisda.
Advertisements

Entry filed under: News.

DRUG -FREE MAGANES: PNP’s crackdown on illegal drugs should continue

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: