CORTEZ: Para sa patuloy na nagmamahal ng walang kapalit

February 26, 2017 at 4:08 pm Leave a comment


brando-maso
 
FREE FROM MINING. Ang Pilipinas na kaya ang isa sa mga bansang magiging mining-free?
 
Ituloy po natin  ang suporta kay DENR Secretary Gina Lopez sa kanyang pagkansela ng mga mining contracts na labag sa Republic Act 7942, or the Philippine Mining Act of 1995.
 
Bawal ang mining applications and mining activities sa mga proclaimed watershed forest reserves.
 
Mabuti naman at sa side ni Sec Lopez si Mayor Rody.
 
“Under the law, there are grounds for cancellation, suspension or closure of a mining contract and mining operation, when there are violations of the mining law,”  ang pagtatangol ng Malakanyang kay Sec Lopez.
 
Sa bilyon-bilyon dollars na investment ng mga mining firms sa bansa ay biyon-bilyong dolyar din ang kanilang kinikita.
 
Umunlad ba ang buhay ng mga mining communities o iyong sinasabi ng mga mining firms na around 1.2million dependents sa mining?
 
Nakita niyo na po ba ang video ng mining communities?
 
Nakita niyo na po ba ang bahay ng mga nasa mining communities? Alam niyo po ba kung ano ang kinakain ng mga nasa mining communities?
 
Alam niyo po ba kung saan nag-aaral ang mga anak ng nasa mining communities? Iyon ay kung nag-aaral sila!
 
Nakita niyo naman ang gaganda ng mga suot ng mga nagpressconference na mga taga mining firms?
 
Sigurado masarap ang araw-araw na kinakain ng may ari ng mining firms.
 
Sigurado nasa mamahaling subdivision sila nakatira. Sigurado nasa mamahaling schools nag-aaral ang mga anak nila.
 
Ilang pamilya na ba ang umahon mula sa kahirapan ula ang isagawa nag large scale mining sa Pilipinas?
 
MONEY FOR FREE. Narito po ang ilan sa laman ng sagot ni Mayor Rody sa muling pagbuhay ni Sen. Sonny Trillanes sa diumnao’y unexplained wealth.
 
Immediate resignation daw ang gagawin ni Mayor Rody kung mapapatunayan.
 
“This I can say: If Trillanes can prove his allegations that I have amassed P2 billion illegally, or if that bank account under my name has a total deposit at one time of even just half a billion, I will resign as president immediately.”

Bago mag-election ay nasagot na ni Mayor Rod yang alegasyon at sa kabila ng alegasyon ay si Mayor pa rin ang ibinoto ng tao para maging Pangulo.
 
“I have answered this allegation before I became president,” he said, alluding to the campaign period during which Trillanes first made the accusation. “The people have already, they placed me in the office with 16 million votes.”
 
Kasuhan na lang sa korte ang hamon ni Mayor Rody kay Sen. Trillanes.

“I would advise Trillanes to go to court and file the proper case against me and advise him further to stop opening his mouth if he has nothing to say anyway,” 

Binira ni Mayor Rody ng personalan si Sen Trillanes.
 
Tulisan. Wala daw bayag. Ambisyoso. Nakakahiya. Malas. Iyan ang mga bansag ni Mayor Rody kay Sen. Trillanes.
 
“Diyan kalaki ang pera ng babaeng yan – matiyaga, hindi kagaya mo ambisyoso,” Duterte added. “May mutiny-mutiny ka pa wala ka palang bayag. Tapos taas kaagad ng kamay pagdating ng pulis. Nakakahiya ka, sa totoo lang. Kung pamilya mo gutom noon o ngayon huwag mo kaming isali. Hindi kami kasing malas sa pamilya mo. Hindi kami mahirap, really. Tatay ko governer noon. May iniwan sa amin. Ikaw anong iniwan sa’yo? Hangin pati yabang. Tulisan ka sa totoo lang,” sabi ni Duterte kay Trillanes

FREE FROM SMUGGLING. Bilyon bilyon ang nawawalang pera sa kaban ng gobyerno sa smuggling na nangyayari sa tatlong produkto.
 
Importasyon/smuggling  ng mamahaling sasakyan, importasyon/smuggling ng langis at importasyon/smuggling ng sigarilyo.
 
Sa tatlong iyan daw ang malaki dapat ang nakukuhang income ng gobyerno pero nailulusot ng sindikato na kinapapalooban ng importer at broker siyempre may taga-customs na involved.
 
“We are losing billions of pesos in duties and taxes on these three big tickets importations,” sabi ni  Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director umaabot sa PhP50 Billion ang tumatagas na dapat na kita ng gobyerno sa tatlong produkton iyan.
 
Ayon sa data ng BOC ay nasa P22.5 billion ang dapat na kinita ng gobyerno sa importasyon/smuggling ng langis taon taon.
 
Ang halagang PhP16 billion mula sa illegal na sigarilyo ay dapat na kinita ng gobyerno kung matino ang nasa customs, ang importer at ang broker.
 
Ang halagang PhP21 billion ay dapat kinita ng gobyerno every year sa pagpasok ng mamahaling sasakyan kung matino ang kalakaran sa customs.
 
Ang iligal na pagpasok ng mga mamahaling sasakyan o luxury vehicles ay isinasagawa sa pamamagitan ng misdeclaration, misclassification at undervaluation.
 
Ang imported/smuggled na sigarilyo naman ay nakakalusot sa mga tindahan dahil sa pekeng BIR stamps nito.
 
FREE BIR FROM CORRUPTION. Pagkaupo bilang hepe ng BIR ay una nang sinabi na tatapusin ang korapsyon sa BIR.
 
“I’d like to make it clear from Day One to listen to the message of the President. Corruption must stop in our agency,” sabi ni BIR chief Cesar Dulay said.
 
Tatlong daan na ang nagresign or nagretire.
 
“We have about 300 resignations and retirements already. Maybe it’s a subtle way of addressing the issue of graft,”sabi ni Dulay sa  hearing by the House Committee on Ways and Means on the planned tax reform package.

The resignations were filed after Dulay instructed BIR officials involved in corruption to resign, the commissioner noted.

“During my first day [as commissioner], I mentioned that … I suggested when I got in that – for the bad eggs – either resign if the heat is there, or take advantage of their optional retirement, or they just compulsory resign,” he said.
 
Sana hindi lang sa BIR magkaroon ng maramihang resignation.
 
FREE FROM CORRUPT LGU OFFICIALS. Kung sa national line agencies ay maraming nagresign bago sila madawit sa mga kaso ay marami naman sa mga LGUs ang madi-dismiss.
 
Inutusan nan g Ombudsman o ng Sandigabayan ang DILG na ipatupad ang dismissal ng 2,799 local government officials.
 
Sabi ni Arthur Condes, executive assistant ni DILG Secretary Ismael Sueno, na ang admitted 2,799 local government officials ay sangkot sa graft and corruption noong mga nakaraang administrasyon.
 
Siyempre may mga local government officials ng Pangsinan na kasama sa 2,799 na may kasong criminal and administrative na napintong masibak na sa posisyon.
 
FREE TO LOVE. Hit na hit sa social media ang patalastas ng Jollibee na “Vow” nang ito ay ipalabas nitong Valentine season.
 
Ang vow ng lalaki ay maging best friend. E di ayun hanggang best friend na lang at naging best man sa kasal. Hahaha!
 
Kaya niyo bang alalahanin ng mga scenes ng nasabing commercial? Narito ang script ng commercial para makatulong na maalala niyo.
 
Hindi ko makakalimutan ang ngiti mo/ Nang una kitang makita
Naalala ko noon sa Jollibee pa lang
Sinabi ko na sa sarili ko/ She’s the one.
“two-piece spicy chicken with extra rice”
“and upgrade pineapple juice”
Noon pa lang, alam ko na
That you’re the one I want to spend the rest of my life with
Kaya ipinapangako ko na I will be the man for you
Ipinapangako ko na pasasayahin kita
I’ll be there whenever you need me
I’ll be patient with you at all times
I promise I will never change
Mahal na mahal kita
Gusto ko ikaw ang pinakamaligaya sa lahat
Kahit hindi naging tayo
I’ll always be your best friend
Para sa patuloy na nagmamahal nang walang kapalit
 
 

 

Advertisements

Entry filed under: News.

Sueno says Duterte would revive war on drugs NIA irrigation extension project 40% accomplished

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 632,985 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: