EDITORIAL : Pagsuspendi ng ‘Tokhang,’ tumigil ang patayan

February 6, 2017 at 3:03 pm Leave a comment


Nagkataon lang ba? Ito ang tanong ng maraming mamamayang Filipino ng suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Operation Tokhang” sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) at tumigil din ang patayan o pagpatay sa mga hinihinalang “drug users at pushers.” Parang lumalabas na ang mga hinihinalang pagpatay ng mga “vigilantes” ay walang katotohanan kundi ang mga ito ay gawain ng mga kapulisan.
May mga kabutihan ding nagawa ang “OPlan Double Barrel” kung saan nakapaloob dito ang “Operation Tokhang” at “Operation High Value Target (HVT)”. Marami ang nagsurender na mga “drug users at pushers” na umaabot na sa mahigit na isang milyon. Subalit yong mga “High Value Targets” o mga drug lords ay nandiyan pa rin na namamayagpag at naghihintay ng pagkakataon upang ipagpatuloy na naman ang kanilang operasyon sa iligal na droga.
Dahil sa pagpatay sa isang negosyanteng Koreano na si Jee Ich-Joo, nabuksan ang kaisipan ni Pangulong Duterte. Binuwag niya ang Anti-Illegal Drug Group (AIDG) sa loob ng PNP at inalis ang kapangyarihan nito na ipagpatuloy ang laban sa iligal na droga. Lilinisin niya ang hanay ng kapulisan sa pagtugis ng mga “bugok” sa kanilang organisasyon. Ito ay isang magandang hakbang ng Pangulo upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa PNP na dapat magbigay ng serbisyong pangkaayusan at pagprotekta sa mga mamamayan.
Ibinalik ni Pangulong Duterte ang paglaban sa droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tutulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang tanong: Ang mga kawani ba ng PDEA ay walang mga tiwali? Mangilanngilan lang ang mga ahente ng PDEA subalit alam natin na sa mga nakaraang administrasyon ang maraming kaso tungkol sa iligal na droga ang hindi umusad sa mga Korte. Hindi rin kaya nararapat na magkaroon din ng paglilinis sa loob nito upang magkaroon ng bagong mga kawani na tapat sa kanilang tungkulin?
Sa paglilinis naman ng kapulisan, gagamitin ni Pangulong Duterte ang Special Action Force (SAF) at ang Counter-Intelligence Unit (CIU). Hindi rin kaya nararapat din na linisin muna ang hanay ng SAF? Ang isa sa nakikitang problema sa loob ng PNP ay iyong tinatawag na “seniority”. Pag nauna sa serbisyo ang isang opisyal, para itong matandang “kuya” na sinusunod at yong nakakababa ng ranggo sa kanila ay sunudsunuran sa kanilang pinag-uutos. Dapat ipatigil din ang ganitong sistema sa loob ng PNP at kahit na sa AFP.
Ang pagbabagong ito ay dapat nating bantayan. Tayo ay magmatyag at mapanimbang sa mga ginagawang operasyon. Bagamat ang mga ito ay isang sampal at dagok sa PNP, di kaya nakakabuti rin upang matigil na ang walang humpay na patayan sa ating lipunan? Ang laban sa droga ayon kay Senator Allan Cayetano ay “hindi laban sa mga kriminal kundi upang ipreserba ang buhay ng mga kabataang Filipino sa hinaharap”.
Advertisements

Entry filed under: News.

Bataoil joins final peace talk between government and reds MAGANES: Trusting police officers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 645,355 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,346 other followers


%d bloggers like this: