EDITORIAL: Kailangan o katangahan ang ‘condoms’ sa mga paaralan?
January 30, 2017 at 1:22 pm Leave a comment
Hati ang mga mamamayang Filipino sa panukala ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng mga “condoms” sa mga “health centers” at mga paaralan sa darating na Hunyo 2017.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang bibigyan ng mga “condoms” ay mga kabataang nasa edad na 15 hanggang 24. Ito aniya ay isang pamamaraan para hindi dumami ang mga kaso ng mga kabataang maapektuhan ng “human immuno virus” (HIV) at “acquired immune deficiency syndrome” (AIDS).
Parami na sa bansa ang may sakit na HIV/AIDS na nakukuha sa pakikipagtalik na walang proteksiyon lalo na sa hanay ng mga “sex workers” at “lesbian,gay, bisexual at transgenders” (LGBT). Ang “condom” diumano ang gagamiting pananggalang sa pagkalat nito lalo na sa mga kabataan.
Ayon pa kay Secretary Ubial, ang pamamahagi nito sa mga paaralan ay may ugnayan sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) na tutulong sa pagbalangkas ng mga alituntunin kung paano ipatupad ito. Ang programa ay nagkakahalaga ng P50 milyon hanggang P100 milyon para lang sa pagbili ng mga “condoms” at P1-billion naman sa pagsugpo ng HIV/AIDS.
Maraming mambabatas ang umalma sa programang ito. Ayon kay Senator Tito Sotto, ang pamamahagi ng mga “condoms” sa mga mag-aaral ay manghikayat sa kanila para lalong gumawa ng hindi tama sa kanilang sekswalidad. Lalong dadami diumano ang mga hindi na pipigilan ang sarili sa pakikipagtalik dahil iniisip na nila na libre na ang kanilang proteksyon. Kay Rep. Harry Roque ang hakbang na ito ay isang katangahan sa panig ng DOH at hindi makatwirang paggastos ng kaban ng bansa.
Ang magkatunggaling pananaw dito ay ating bigyan pansin. Sa panig ng DOH ay naghahakbang tungkol sa edukasyong pangsekswalidad upang tugunan ang pambansang suliranin sa HIV/AIDS. Subalit, ang pamamahagi ba ng libreng “condoms” ang makakasugpo dito? Hindi kaya mas malawak na pagbibigay ng sapat na impormasyon ang gigising sa kamalayan ng mga kabataan para maiwasan ang hindi nararapat na pakikipagtalik? Sa panig naman ang kumukontra sa hakbanging ito, dapat magpanukala sila ng mga solusyon sa problemang HIV/AIDS. Hindi sapat ang pagkontra, kailangan ang mga hakbang na gawin upang maisalba ang mga kabataan sa HIV/AIDS na hanggang ngayon ay wala pang lunas na gamot.
Hindi isang katangahan ang isang hakbangin na nasa pananaw ng pamahalaan ay makakatulong sa kinabukasan ng mga kabataang Filipino gaya ng nauna ng nabanggit. Mas katangahan at isang kabobohan kung alam na natin ang problema pero walang maibahagi namang solusyon kundi para kontrahin lamang ito. Bigyan natin ng pagkakataon ang DOH para gawin ang mandatong nakaakibat sa kanya.

Entry filed under: News.
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed