EDITORIAL: Linisin ang hanay ng kapulisan sa bansa

January 23, 2017 at 12:05 am Leave a comment


Ang Philippine National Police (PNP) ay isang sangay ng ating pamahalaan na ang tungkulin ay magbigay ng kaayusan sa ating mga komunidad. Ang serbisyo ng mga kawani nito ay nakatuon sa tinatawag na “serve and protect”upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Hindi sila gaya ng nasa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasanay sa pakikidigma sa mga kalaban ng ating pamahalaan.
Malaki ang tungkulin ng PNP sa bansa lalo na sila ang nangunguna sa pakikidigma sa iligal na droga sa pamamagitan ng OPLAN Double Barrel na nakapaloob dito ang Operation “Tokhang” at Operation High Value Target (HVT). Bagamat ang pamunuan ng PNP ay mayroong pagbabagong isinagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtalaga kay Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ang pagbabagong ito ay may mga kinahaharap na hamon sa ating lipunan gaya ng pagpapatigil ng mga pagpatay sa mga inosenteng mamamayan na nasa labas ng lehitimong operasyon ng PNP.
Sa kanyang pag-upo bilang pangulo, ibinulgar ni Duterte na sangkot ang ilang mga heneral sa PNP sa iligal na droga. Marami ring natuklasang mga kawani nito na nasa likod ng mga pagpapalaganap ng iligal na droga, gun-for-hire at mga iligal na gawain. Ang mga ito ang nagbibigay ng masamang larawan ng mga pulis sa mga mamamayan- batik sa isang institusyon na dapat magbigay proteksyon sa mga Filipino.

Kamakailan lang, may panawagan si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw na sa puwesto si Heneral “Bato” Dela Rosa dahil mismong sa loob ng Camp Crame namatay ang isang Koreano na diumano ay biktima ng “Tokhang for Ransom”. Mga ilang metro lang mula sa opisyal na tirahan ni Heneral Bato ang pinagpaslangan sa Koreano ng mga pulis na dapat magbigay proteksyon sa kanya. Subalit parang walang respeto ang mga sangkot sa pagpatay dito sa pamunuan ng kapulisan.
Maalaala rin kung ano ang nangyari kay Albuera Mayor Espinoza ng Leyte na pinaslang din sa loob ng piitan ng mga kawani ng PNP. Kung palaging ganito ang kalakaran sa PNP, kanino at saan hihingi ng tulong ang mga mamamayan? Mayroon pa bang tiwala ang bawat Filipino sa mga kawani nito upang bigyan ng proteksyon ang mamamayan?
Marami ang mabubuti sa loob ng PNP na tunay ang kanilang serbisyo. Ngunit hindi rin mapasubalian na marami rin sa hanay nito ang mga tiwali na hindi karapatdapat na tatanggap ng pasahod mula sa buwis ng mamamayang Filipino. Hindi kaya napapanahon na upang linisin ang hanay ng kapulisan? Tanggalin ang mga dapat tanggalin at iwan sa serbisyo yong mga tapat at tunay na nagmamahal sa kanilang sinumpaang tungkulin. Ang mapagkakatiwalaang PNP ang magbibigay ng panatag na kalooban ng mga mamamayan. Sa araw-araw na gawain upang mabuhay ng matiwasay, walang pag-alala ang bawat Filipino na baka isang araw ang buhay nila ay mapunta sa balag ng alanganin at panganib o di kaya makitil ito na walang sapat na katarungan.
Advertisements

Entry filed under: News.

Villasis celebrates 11th Talong Festival MAGANES: Hail to the Presidential Task Force on Media Security

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,531 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: