CORTEZ: China gumawa ng 750 KM railway sa Africa, magagawa din ba sa Pilipinas?

January 22, 2017 at 11:49 pm Leave a comment


brando-masoBANK ACCOUNT. Kaunti lang pala ang may bank account sa Pilipinas.
Ayon sa isang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014: Sa bawat sampung pamilya, dalawa lang ang may savings account sa bangko.
Ang karaniwang laman ng kanilang bank account ay P5,300 noong 2014.
Karamihan sa may bank account ay mula sa formal sector o yung mga may regular na sahod sa private or sa government.
Karamihan naman ng walang bank account ay iyong mga nasa informal sector ang kabuhayan.
Ano nga ba ang silbi ng may bank account?
BLACKLISTED. Maraming import traders at customs brokers ang na-blacklist ng Bureau of customs.
Mayroon daw po na 71 import traders at Customs brokers backlisted na at hindi maaaring mag-engage sa importation.

Sa Manila International Container Port (MICP) ay 44 ang napasama sa blacklist habang 27 naman ang mula sa Port of Manila.

The BoC has yet to release a list of banned importers and brokers from the remaining 15 collection districts in the country.
Hahaha! Kaunti pa lang po iyan. Kasi 11,000 ang accredited importers.
HYBRID RICE IN 1 MILLION HECTARES. Plano ng Department of Agriculture na magtanim ng hybrid rice sa 1 milyon ektarayang lupain.
Sa nasabing target ang maaring harvest ay aabot sa 21.67 million metric tons.
Puede na po ba iyan sa rice self sufficiency program ng bansa?
Ang hybrid seeds daw po ay nagkakahalaga ng P5,000 per bag.
Ang isang bag ng hybrid seeds ay kasya na itanim sa isang ektarya.
Kung isang milyong ektarya ang tataniman.. e di P5,000 times 1 million hectares ang gastos sa seeds pa lang.
Limang bilyong piso ang halaga ng seeds na iyan.
Sa totoo lang, bihira naman ang farmer na may isang ektaryang sinasaka.
CHINA IN AFRICA. Alam niyo po ba na may 750 kilometer na railway na itinayo ang China para pagdugtungin ang Ethiopia at Djibouti?
Ang haba ng railway naiyon ano? Parang mula Davao hanggang Manila ang layo! Pero nagawa ng China. Magawa din kaya sa Pilipinas?
May mga multi-billion na project pala ang China sa Djibouti tulad ng, isang bagong seaport, dalawang bagong airports, at isang bulk terminal para sa potash.
Ang potash ay gamit sa paggawa ng fertilizer.

Mayroon din salt extraction plant, mayroon pang pipeline para sa water, oil at gas.
Ang population ng Djibouti ay 810,000 lang.
Part ng 21st Century Maritime Silk Road ng China ang mga projects na nasabi.
Idudugtong ng China ang mga bansa sa Africa patungong Middle East papunta ng China.
Ang mga projects sa Djibouti ay mangyayari din sa Pilipinas dahil ang Pilipinas ay kasali sa nasabing Silk Road.
Dati ang Djibouti ay kumakalap ng financial assistance mula sa maraming bansa tulad ng U.A.E., Saudi Arabia, Kuwait, Europe, at Turkey para sa mga projects niya.
Pero ngayon ay isa na lang, isang China lang ang financer niya.
Ang Djibouti ay strategically located na malapit sa Red Sea na daanan papuntang Suez Canal.
Ang Suez Canal ay daanan ng mga barko.
Ang Addis Ababa na capital ng Ethiopia ay tinulungan din ng China sa halagang $20 bilyon at ginagawang base ng industriya.
Gusto ng China na mapalitan ang image ng Ethiopia na bansa ng kahirapan patungo sa isang bansa ng kasaganaan.
Pati nga iyong shoe factory ni Ivanka Trump ay sa Ethiopia na din as in made in Ethiopia na ang Ivanka Shoe line.
Si Ivanka Trump ay anak ng susunod na presidente ng United States.
Ang target hanggang year 2020 ay 30,000 trabaho para sa Ethiopians at $1 bilyon hanggang $1.5 bilyon worth ng output per year.
Mula Ethiopia via railway ang mga produkto papuntang Djibouti papunta sa iba pang bansa.
Umupo sa gobyerno ang Ethiopian People’s Revolutionary Democratic Front noong 1991 at ngayon ay patungo na siya bilang manufacturing base ng Africa.
Noong 1990’s ay 20 percent lang ang naka-enrol sa primary education ng Ethiopia…nagyon ay 94 percent na sa ilalaim ng Ethiopian People’s Revolutionary Democratic Front.
Dati isa lang ang university, ngayon ay fifty na ang university.
Wala naman pong bago sa formula ng pagtaas ng manufacturing sector ng Ethiopia kung ihahambing sa Pilipinas.
Pagdating sa incentives para sa mga negosyanteng dayuhan o local ay pareho lang ang ipinapatupad na policy ng Pilipinas at Ethiopia.
Ang mga incentives ng gobyerno ng Ethiopia ay:
·       subsidized land rent in industrial zones;
·       generous credit schemes;
·       100% exemption from the payment of duties on imported capital goods and raw materials for the production of exports; and
·       five-year tax holidays on profits.
Walang iba hindi po ba?
Ang Ethiopia ay pinapatakbo ng Ethiopian People’s Revolutionary Democratic Front ang Pilipinas ay pinapatakbo ng mga Liberal party, Nacionalista Party, PDP Laban at kung ano-ano pa.
Sampung oras by train mula Ethiopia hanggang Djibouti. Dati ay tatlong araw ang biyahe by land dahil butas butas ang mga kalye.
October nag-open ang railway at free ang pasahe for the first three months!
Ang tanong baka maunahan pa tayo ng Ethiopia na umunlad!
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

Pangasinan gov’t, CFO to implement ‘BaLinkBayan’ project Dulao bangus ‘challenges’ Dagupan bangus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 664,829 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: