EDITORIAL     Panahon ng kapistahan sa mga bayan sa Pangasinan

January 15, 2017 at 7:31 pm Leave a comment


Pagkakaisa at pagtutulungan- dalawang salita na nagiging tema ng mga mamamayan sa tuwing darating ang pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang bayan. Masasarap na pagkain, ibat-ibang kulay ng mga palamuti, may mga patimpalak ng kagandahan sa mga dalaga o di kaya patimpalak sa damihan ng pera para sa mga kokoronahang mga reyna at prinsesa, gabi-gabing walang puknat na sayawan sa saliw ng musika sa mga orkestra at mga musikang galing sa mga nagrerekoridang mga banda. Ang mga iyan ang karaniwang masasaksihan ng balana sa tuwing ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga bayan.
Ang pagdiriwang ng pista ay kulturang namana natin sa pananakop ng mga Kastila sa ating bansa. Sa likod ng pagdiriwang ng pista ay ang pananalig sa Poong Lumikha na nagbibigay ng karangyaan sa mga mamamayan kaya may mga patron o poon na dinadakila. Ilang siglo ang mga nagdaan na ganito iyong kulturang nakagisnan hanggang nabago ito sa pang-ekonomiyang pananaw ng mga pinuno ng mga bayan. Sa ngayon ang pista ay di lang nakatuon sa mga patron, bagkus ibat-ibang produkto ang binibigyan ng promosyon sa mga bayan upang ang mga ito ay makilala sa buong mundo. Salamat sa Department of Trade and Industry (DTI) sa kanyang inilunsad na “one town, one product” (OTOP) noong taong 2000.

Sa taong 2017, sunod-sunod ang mga bayan na nagdiriwang ng kanilang kapistahan. Sabay ang bayan ng Villasis at Pozorrubio sa buwan ng Enero sa kanilang “Talong Festival” at “Patupat Festival” ayon sa pagkakasunod. Sa Pebrero ay ang “Kambing (Goat) Festival” sa Balungao at “Sigay Festival” sa Binmaley at susundan sa buwan ng Marso ng “Mais (Corn) Festival” sa bayan ng Sto. Tomas at “Dumayo Festival naman sa siyudad ng Urdaneta. Sa Abril magdiriwang ang Asingan ng “Kankanen (Rice cake) Festival at “Mango and Bamboo Festival naman sa siyudad ng San Carlos. Ibat-bang produkto ng mga bayan ang binibigyan pansin sa mga susunod pang buwan.
Nag-iba na ang pananaw ng mga mamamayan sa pagdiriwang ng pista. Bagamat nandiyan pa rin yong pagdiriwang na kaakibat ng mga santong patron, ang kaunlarang pang-ekonomiya naman ang kaakibat ng mga produktong binibigyan ng promosyon. Marami ang nabibigyan ng hanapbuhay sa mga ganitong pagdiriwang sa gitna ng kagalakan, kasayahan at pagpapakita ng pagkakaisa ng mga pamunuan ng mga bayan at mga mamamayan.
Sa mga nalikom na pera sa mga pagdiriwang ng mga pista ay inilalagay o ginagamit sa mga proyekto sa kanilang mga bayan at ang mga ito ay naghihikayat ng mga mamamayan sa taon-taong pagtulong sa kanilang mga bayan. Makabuluhan na ang pagdiriwang ng mga pista sa mga bayan at sana ang bawat isa sa atin ay bukas ang loob na tumulong sa mga adhikain ng ating mga pamunuan sa mga bayan
Advertisements

Entry filed under: News.

56-foot Christ’s statue rises in Hundred Islands MAGANES: Cojuangcos’ advocacies: nuclear plants and reproductive health (RH)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: