EDITORIAL:   Pagpupugay sa mga beterano ng World War II

January 9, 2017 at 6:50 am Leave a comment


 Malaki ang naiambag ng mga beteranong sundalo at gerilya sa ating tinatamasang kalayaan. Sila ay nakipagsabayan sa mga sundalong Amerikano sa pakipaglaban sa mga Japanese Imperial Army noong nakaraang ikalawang digmaang pandaigdigan o World War II (WWII) na nagsimula noong Disyembre 1941 hanggang Agosto 1945.
Sa panahong iyon, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng “Commonwealth” ng Estados Unidos kayat ang mga sundalo at gerilyang Filipino ay kasapi ng United States Armed Forces of the Far East (USAFFE). Ang kanillang kagitingan ay hindi mapasubalian dahil sa pagbigay nila ng kanilang buhay para sa bansa. Ang kabayanihang ito ng mga beterano binigyan pansin ng pamahalaan sa pagbibigay ng pensyon na nagkakahalaga ng P5,000.00 kada buwan, libreng pagpapagamot sa mga pampublikong ospital at iba pang mga tulong gaya ng “scholarship grant” sa kanilang mga anak.
Sa Pangasinan, kinikilala ng pamahalaang panlalawigan ang kagitingan ng mga beteranong sundalo at gerilya. Nagsimula ang pagbibigay pugay sa kanila noong Enero 1993 na kaalinsabay ng pagdiriwang ng “Lingayen Gulf Landings” noong panahon ni dating Gobernador Aguedo F. Agbayani. Sa taong iyon ay napasinayaan ang Veterans’ Memorial Park sa Lingayen Capitol Grounds. Ang pagbibigay pugay sa kanila ay ipinagpatuloy ng mga sumunod na pamahalaang panlalawigan sa ilalim nina dating Gobernador Oscar Orbos, Victor Agbayani, Amado Espino Jr. at ang kasalukuyang gobernador Amado “Pogi” Espino III.

Noong Enero 9, ang pagdiriwang ng Pangasinan Veterans’ Day at ika-72 taon ng Lingayen Gulf Landings ay pinamunuan ni Gobernador Pogi Espino kasama sina Dr. Vivencio Villaflor Jr., bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Administrator Ernesto Carolina, Philippine Veterans Federation Association president Bonifacio De Gracia at Australian Embassy (AE) Counsellor Kerry Anderson.
Nagkaroon ng “medical mission” para sa mga beterano at kanilang pamilya at pagbubukas ng “navy ship collection exhibit” bilang donasyon ng bansang Australia. Pakaunti na ang mga nabubuhay pang mga beterano ng WW II sa Pangasinan. Ayon kay Romeo Madriaga, Field Office Chief ng Philippine Veterans Affairs Office ng Lingayen, yong 499 noong 2016 ay naging 370 sa taong ito. Ibig sabihin nito, mga ilang taon na lang ay lubusan ng mamamayapa ang mga beterano. Sa mga taon na ginugol nila sa mundo, ipinahiwatig nila ang tunay na diwa ng kagitingan at pag-ibig sa kanilang lupang tinubuan.
Ang pahayagang ito ay sumasaludo at nagbibigay pugay sa lahat ng mga beterano ng WWII- yumao na at nabubuhay pa sampu sa kanilang mga pamilya. Ang demokrasya at kalayaan na ating tinatamasa sa ngayon ay dahil sa kanila.
Advertisements

Entry filed under: News.

DAGUPAN’S MAJOR INTERSECTIONS NOW EQUIPPED WITH TRAFFIC LIGHTS MAGANES: Trauma for life?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 603,136 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: