CORTEZ: A Leni Robredo contradiction

January 5, 2017 at 9:17 pm Leave a comment


brando-maso
“It is very important for local folks to see their government officials during and right after the disaster.” -Rep. Leni Robredo 2015.
“As super typhoon Nina slams into the Philippines, the country can rest assured knowing that Leni Robredo is safe and sound in the New York apartment of her American billionaire supporter, Loida Lewis.” –Carlos Munda. Mindanation 2016.
Mukhang naglaho na ang sinasabing tsinelas governance ni Jesse Robredo.
PASKO NG FILMFEST NA HINDI PINUNTAHAN NG MASA. Hindi gumastos ang masang Pilipino para manood ng pelikulang kalahok sa 2016 MMFF.
Ang pelikulang Pilipino ay sumabay na rin sa international trend na dalawa ang klase.
Merong regular films na regular na pinapanood ng masa at merong independent fims na usually ay tinatangkilik ng mga elite at “educated” na Pilipino.
Usually din ay mas mataas ang presyo ng indie films kumpara sa regular films.
Iyong regular films ay binuo sa pamamagitan ng malalaking production outfits at binuhusan ng malalaking pondo.
Ang regular films ay nakatutok sa takilya o ang dulo ng pelikula ay para kumita.
Iyon namang mga independent films o mas tinatawag na “indie” films ay nabuo sa pamamagitan ng maliit na budget at hindi masyadong kilala ang mga producers.
Ang indie films ay mas nakatutok sa message, art at plot kumita man o malugi.
Dito sa Pilipinas, ang Metro Manila Film Festival ay nagaganap tuwing panahon ng Pasko kaya parating successful in terms of kita.
Puno ang mga sinehan dahil regular films ang mga palabas. Mga paboritong artista ang gumaganap at lumang plot ang ginagamit sa pelikula.
Ang mga indie films ay gumagawa ng pelikula na hindi pangkaraniwan ang storya at ang mga artista ay hindi pang box office.
Dahil panahon ng Pasko ang MMFF ay nakasanayan ng tao na manood ng pelikula na mapanood ang paborito nilang artista sa mga kuwentong alam na nila ang lahat ng simula, mga twist at ending.
Dahil hindi box office stars at malalim ang mga pelikula sa MMFF 2016 ay hindi masyadong nanood ang ordinaryong Pilipino.
Kumbaga ay ‘regular na aliw’ ang hanap ng tao sa panahon ng Pasko. Hindi yun bagay sa taste ng elite at educated.
Ayaw ng masa o hindi sila sanay sa ‘ibang aliw’ ng malalim na tema ang pelikula sa Pasko.
Sa susunod na filmfest gumawa ng lang ng isang week ng indie films ang palabas sa mga dating sinehan na pina-patronize ng mga elite at educated.
Siyempre mga mayayaman at educated kaya mas mataas ang bayad sa sinehan para kumita naman ang pelikula.

Kahit kaunti ang manood, compensated naman sa mataas na presyo na kalakaran naman na talaga sa indie films.
Maglaan din ng isang week para regular na films para sa masa kung saan mapapanood nila ang mga paborito nilang artista na ginagawa ang kanilang dating roles.
Satisfied ang elite at educated sa mapapanood nila sa Pasko habang satisfied din ang masa sa mapapanood nila sa Pasko.
Siyempre sa pagdating ng panahon nawa ay magbago ng pagtingin ang masa sa indie films.
PASKO SA US NI VP LENI HABANG BINAGYO ANG BICOL HOMETOWN. Binagyo ng batikos si VP Leni dahil itinuloy niya ang matagal na balak na mag-Pasko sa New York, Amerika.
Binatikos siya dahil announced na ang tatamaan ng bagyong Nina o Nock-ten ay ang Bicol area na area ni Jesse Robredo… na area din ni VP Leni.
As in, hometown niya ang babagyuhin.
Habang may White Christmas si VP Leni sa Amerika at binabayo naman ang Bicol ng bagyo.

Pinili ni VPLeni ang personal na Christmas trip sa Amerika kaysa manatili na makapiling ang mga kapwa Bicolano para harapin ang bagyong Nina.
Kayo… mas gusto niyo bang mag-Pasko sa New York USA o sa binabagyong Bicol sa Pilipinas?
Sa totoo lang, ang very rich bilyonarya na si Loida Nicolas Lewis nga ba ang pinuntahan ni VP Lenis a New York?
Si bilyonaryang Loida po ay pro LP na gumastos para sa Leni for Congressman na inamin sa SOCE ni Cong Leni.
Si bilyonaryang Loida po ay pro LP na gumastos diumano para sa Leni for Vice President.
Si PDuterte noong Pasko ay bumisita agad agad sa mga biktima ng bombing sa Midsayap at inasikaso ang bagyo sa pamamagitan ng NDRRMC.
Bago dumating ang bagyo ay nagpalabas na ng paalala boses ni PDuterte sa DSWD na si sec. Judy Taguiwalo.
“This coming Christmas, we hope that the Bayanihan spirit of the Filipino people will once more assert itself and we help one another prepare our families and communities to overcome any devastation new weather disturbance will cause,”
“We also want to reiterate that the safety and security of the most vulnerable members of our families — children, the elderly, the sick, and pregnant women — have to be guaranteed and ensured. We call on the public to coordinate with local disaster agencies in their communities regarding preparations for storm and to heed all warnings that will be issued. The main goal is to have zero casualties,”
Minsan din kinansela ni PDuterte ang isang official trip to Brunei para manatili siya sa hometown niyang Davao ng maganap ang Davao bombing.
Ipinagpalit ni PDuterte ang official trip sa Brunei para makapiling ang kababayan sa hometown Davao.
Ang latest na survey status ni VPLeni ay bumaba ng 12 percentage points.
Ang “Never Again” ay ginagamit ng LP at ni Leni laban sa natalong Bongbong Marcos.
Ilang beses ibinoto ng Pilipino ang Marcos sa balota hanggang maging Presidente ng Pilipinas.
Dahil sa masamang image ng Marcos Presidency ay “Never Again” ang naging panawagan.
Marami ang gusto na “Never Again” na maging presidente ang Marcos na tulad ni Bongbong.
Si Leni ay ibinoto sa balota bilang congresswoman. Si Leni ay ibinoto sa balota bilang VP.
Baka naman si Leni ang tamaan ng “Never Again” na panawagan.
Baka ma-“Never Again” sa Presidency si Lenin a makikita sa 12 points na pagbulusok niya sa latest survey. (Si PDuterte po ay bumaba lang ng one point sa survey).
Taga Sorsogon, Sorsogon si bilyonaryang Loida Nicolas Lewis na nagpopondo sa LP at kay Leni sa election.
Siguro naman may padalang tulong para sa Bicol si bilyonarayang Loida.
OUT OF SIGHT OUT OF MIND. Totoo iyong sinabi ni VP Leni dahil nangyari iyan sa isang mayor dito sa Pangasinan.
Wala si mayor noong binaha ang bayan niya. Habang iyong kalaban niya sa pulitika ay very visible. Pati iyong mga truck ng kalaban niya very visible na naghahakot ng tao at relief goods.
Dahil out of town si mayor nung panahon ng sakuna, out of mind din si mayor sa balota ng mga tao nung sumunod na election.
“It is very important for local folks to see their government officials during and right after the disaster.” -Rep. Leni Robredo 2015.
“As super typhoon Nina slams into the Philippines, the country can rest assured knowing that Leni Robredo is safe and sound in the New York apartment of her American billionaire supporter, Loida Lewis.” –Carlos Munda. Mindanation 2016.
Advertisements

Entry filed under: News.

Toff, Mayor Belen to bolster Bangus Festival to spike tourism 100 fisherfolk receive bancas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,786 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: