EDITORIAL: Bagong pag-asa ng mga mamamahayag 

January 2, 2017 at 10:44 pm Leave a comment


Papasok na ang bagong taong 2017.Habang pinagninilayan kung ano ang mga mangyayari sa susunod na taon, ang mga lehitimong mamamahayag sa Pilipinas ay nagkaroon ng bagong sibol na pag-asa para matigil na ang pagpapatay, pananakit at panliligalig mula sa mga pulitiko at mga kriminal sa lipunang ginagalawan.
Noong Oktubre 11, 2016 pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 1 para itatag ang “Presidential Task Force on Violence Against Media Workers. Ito ay naglalayon ang ibayong pagprotekta sa mga mamamahayag sa kanilang tungkulin bilang kasapi sa tinatawag na “Fourth Estate”.
Ang nasabing “task force” ay binubuo ng siyam na katao na kinabibilangan nina Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, Presidential Communications Operations Office (PCO) Secretary Martin Andanar, mga kalihim ng DILG, Department of National Defense; Solicitor General; executive director ng Presidential Human Rights Committee; Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP); Director-General ng Philippine National Police (PNP); at ang Director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ilalim nito ay ang Task Force on Media Security na pinamumunuan ng Executive Director na may ranggong Undersecretary. Hinirang ni Pangulong Duterte noong Disyembre 9 para pamunuan ito ni Joel Sy Egco, na isa ring mamamahayag at dating pangulo ng National Press Club.
 
Sa pagbalangkas ng AO 1, isinama ang mga ibat-ibang organisasyon ng mga mamamahayag gaya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Press Club (NPC). Layunin ng “task force” ang maging “pro-active” at hindi “reactive” sa mga nagyayaring karahasan sa mga mamamahayag.
Unang mamamahayag na tinutulungan ng “task force” ay ang kolumnista sa pahayagang ito at komentarista sa radyong DWPR ng Dagupan City na si Virgilio Maganes. Noong Nobyembre 8 , mga ika- 5:45 ng umaga habang papunta sa bayan ng Villasis na lulan ng traysikel, siya ay pinaputukan ng apat na beses ng “motorcycle riding in tandem”. Isa dito ang tumama sa kanyang katawan at sa kabutihang palad ay nakaligtas sa naturang insidente. Pulitika ang inisyal na dahilan ng imbestigasyon ng pagbaril sa kanya. Natukoy na ang mga suspek at nasa pagkilos na ng Opisina ng Prosekusyon upang ang mga ito ay madakip.
Una namang biktima na napaslang sa ilalim ng ‘task force” ang mamamahayag na si Larry Que , publisher ng Catanduanes News, dahil diumano sa pagtuligsa niya sa mga lokal na opisyal sa nangyaring pagkadiskubre ng “shabu laboratory” sa Catanduanes. Siya ay binaril sa harap ng Land Transportation Office (LTO) noong Disyembre 20 at tinututukan na ngayon ng mga awtoridad ang dahilan sa kanyang pagkapaslang.
Maraming mamamahayag na ang napaslang sa mga nakaraang administrasyon. Ngayon lang nagkaroon ng sapat na pagtutok sa mga insidenteng ito na nagbibigay ngayon ng tibay ng loob at katiwasayan ng kaisipan ng mga mamamahayag sa buong bansa.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: My wishes for the year 2017 Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,802 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2017
S M T W T F S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: