EDITORIAL :  Kailan titigil ang karahasan?

December 25, 2016 at 8:27 pm Leave a comment


 Nakalulungkot at nakapanlulumong isipin. Habang nagsasaya ang mga tao sa panahon ng kapaskuhan ay mayroon namang mga pamilya ang nagdadalamhati dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ang walang tigil na pagpatay sa ibat-ibang panig ng bansa ay nagdudulot na ng pagkatakot at kapighatian. Mas marami yong mga napapatay na nasa labas ng tinatawag na lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) na kagagawan diumano ng mga “vigilantes.” Walang sinasanto ang mga taong ito na pati mga inosente ay nadadamay na kahit wala namang tuwirang ugnayan sa operasyon ng iligal na droga.
Kamakailan lang, isang manggagawa sa pagpapalawak ng salita ng Diyos ang sadyang idinamay sa di makatwirang pagpatay dahil lamang sa nasaksihan niya ang pagbaril sa mga sangkot daw sa iligal na droga. Isang binatilyo naman na tumulong sa kanyang kasintahan na nasunugan ng bahay ang pinaslang dahil napagkamalan na sangkot sa iligal na droga. Isang 12 taong batang babaeng kasama ang pamilya na nagsisimbang gabi ay tinamaan sa puso ng ligaw na bala ng baril habang papalabas sila sa simbahan ng pagbabarilin ang isang pinaghihinalaang “drug pusher.” Sila ang mga ilan lang na mga inosenteng nilalang na kasama sa “collateral damage” dahil diumano sa pagsugpo sa iligal na droga.

Bakit nga ba walang magawa ang ating pamahalaan sa pagsugpo sa ganitong mga karahasan? Bakit parang nakapiring ang mga mata ng PNP at tila nagbulagbugan sa mga ganitong klase ng pagpatay? Anong hakbang ang ginagawa nila para maibsan ang pagkatakot ng mga mamamayan sa mga walang humpay na patayan sa ating lipunan?
Bagamat maraming Filipino ang pumupuri kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikidigma sa iligal na droga, marami rin ang nadidismaya sa mga hindi makatwirang pagpatay at pagdamay sa mga inosenteng tao. Kailan matitigil ang mga ganitong karahasan?
Ilang araw na lang ay bagong taon na. Ang bagong taon ay nagbibigay ng ibayong sigla at bagong pag-asa. Sana sa pagsapit ng taong 2017 ay titigil na ang walang pakundangang pagpatay sa mga inosenteng tao. Sana sa susunod na taon ay mayroon ng mga sapat na hakbangin ng PNP upang masugpo ang operasyon ng mga “vigilantes”. Sana magkaroon na ng kapayapaan sa ating bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte upang makapamuhay ng matiwasay ang bawat isang Filipino.
Advertisements

Entry filed under: News.

Viron Transit opens transport service in Asingan, San Manuel Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,833 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: