CORTEZ: Who said: “We should be building great things that don’t exist?” 

December 25, 2016 at 8:09 pm Leave a comment


 brando-maso
Ayon sa Forbes.com, hindi ang president ng United States ang most powerful people in the world.
 
Four straight years na si Russian President Vladimir Putin ang pinaka-powerful na tao sa buong mundo.
 
Communist po si Putin, ang idol ni PDuterte.
 
Si PDuterte ay number 74 sa most powerful people list ng Forbes.com at hindi nagustuhan ni PDuterte na nakasama siya sa list.
 
Ang isa na nasa  most powerful list ay si Larry Page, actually nasa number 8 si Page sa list ng most powerful people. Who is Larry Page. Sino siya?
 
Si Larry Page po ang co-founder ng Alphabet Inc. at siya ay may net worth na 39.2 billion dollars. Ikaw magkano ang net worth mo?
 
“What is Alphabet? Alphabet is mostly a collection of companies. The largest of which, of course, is Google,” sabi ni Larry Page. “This newer Google is a bit slimmed down, with the companies that are pretty far afield of our main Internet products contained in Alphabet instead.”
 
Ohaaa… si Page ang Chief Executive Officer at si Sergey Brin ang President ng Alphabet.
 
Nagsimula ang samahan ni Page at ni Brin nang itayo nila ang isang company na ang name ay Google.
 
Ang Google na ginagamit ng milyun-milyong katao sa buong mundo ay nagsimulang mag-opisina sa isang garahe.
 
Ang Alphabet ay worth 500.1 million dollars na mother company ng Google, You Tube, Andriod, Calico, Nest, Fiber, Google Ventures, Google Capital, AdSense, Ara, Admob, Alerts.
 
Kasama din sa Alphabet ang Blogger, Gmail, Nexus, Picasa, Sky Box, Tango, Google X Labs, Titan Aerospace at marami pa.
 
Parang history din ng Apple Inc, hindi po ba? As in may co-founder at may garahe.
 
Ang mga founder ng Apple Inc ay sina Steve Jobs at Steve Wozniak at sa isang garahe din sila nagsimula.
 
Kaya po meron iphone, ipad, macbook ay dahil sa Apple.
Ang inspiration ni Page ay isang Serbian immigrant sa United States na ang name ay Nikola Tesla. Sino si Tesla?
 
Naiyak at naging inspirasyon niya si Tesla nang mabasa ni Page ang ang biography ni Tesla.
 
Si Tesla po ang nag-imbento ng systema kung paano nakakarating ang kuryento sa mga bahay natin.
 
Noong 1885, si Tesla ay empleyado ni, Thomas Edison.
 
Sinabi ni Tesla kay Edison na kaya niyang ma-improve ang mga  motors at generators ni Edison.
 
 “There’s $50,000 in it for you — if you can do it.” Hamon ni Edison kay Tesla.
 
Na-improve ni Tesla ang mga motors at generators ni Edison pero walang $50,000 na binigay kay Tesla.
 
Binigyan lang ni Edison ng $10 increase sa sahod. Huhuhu. Bad pala iyang si Edison ano po?
 
Dahil doon ay nag-resign si Tesla at itinayo ang Tesla Electric Light and Manufacturing pero pagkaraan ng ilang panahon ay nasipa siya ng mga kasosyo niya sa kumpanya.
Ang aral sa kuwento ng buhay ni Tesla ay: Hindi sapat na makita mo at gawin ang isang makabagong kinabukasan sa pamamamagitan ng technology.
 
Big ideas aren’t enough. They need to be commercialized. If Page wanted to be an inventor, he was going to have to start a successful company, too.
 
Ang isa pang rala sa kuwento ng buhay ni Tesla kay Page ay: mag-ingat sa mga tulad ni Thomas Edison na mapagasamantala sa kaniyang empleyado.
 
Unconventional ang management style ni Page pero bilyon bilyong dollars na ang halaga ng kanilang itinayong kumpanya.
 
Narito po ang mga rules for  management na isinulat ni Page:
 
·         Don’t delegate: Do everything you can yourself to make things go faster.
·         Don’t get in the way if you’re not adding value. Let the people actually doing the work talk to each other while you go do something else.
·         Don’t be a bureaucrat.
·         Ideas are more important than age. Just because someone is junior doesn’t mean they don’t deserve respect and cooperation.
·         The worst thing you can do is stop someone from doing something by saying, “No. Period.” If you say no, you have to help them find a better way to get it done.
 
 
STOP NA ANG SMART. Hanggang March 27, 2017 na lang ang franchise ng Smart Communications.
 
Ang isang requirement para mabigyan uli ng franchise ang Smart communications ay dapat mag-offer sila ng 30 percent ng stocks sa public.
 
Section 21 of the Public Telecommunications Policy Act of 1995, or Republic Act 7925, requires telecommunications companies to offer to the public through the stock exchanges 30 percent of their shares by 2000. Section 13 of the 25-year franchise that Congress granted to Smart in 1992 (R.A. 7294) categorically required it, as a condition for its permit to operate, to list its shares by 1996, sabi ni Bobi Tiglao sa kanyang column.
 
Paano iyan? E di Globe communications na lang ang maiiwan?
 
Napakahaba na nga naman noong 25 years para makapag-offer ng 30 percent stock for the public ang Smart. Bakit kaya hindi nila ginawa?
 
Ang Smart ay 100% na controlled daw ng PLDT ni Manny Pangilinan. Ang PLDT ay dati sa Cojuangco.
 
Hindi ba alam ng nakaraang administrasyon na magla-lapse na ang franchise ng Smart? Bakit hindi niya  pinaalala na may requirement na stock offering sa public?
 
Fifty million subscribers meron ang Smart…paano na iyan kapag nag-stop operations?
 
Narito daw po ang part ng report ng PLDT sa US Securities Exchange Commission.
 
Nagre-report po ang PLDT doon kasi listed sila sa US stock Exchange.
 
“The Philippine Congress may revoke, or the Solicitor General of the Philippines may file a case against Smart to revoke, the franchise of Smart and DMPI [Digital Mobile, which operates Sun cellular services under the “Sun” brand] for their failure to comply with RA 7925, which requires making a public offering of at least 30 percent of the aggregate common shares of a telecommunications entity with regulated types of services…”
 
“If Smart and DMPI are found to be in violation of RA 7925, this could result in the revocation of the franchises of Smart and DMPI and in the filing of a quo warranto case against Smart and DMPI by the Office of the Solicitor General of the Philippines.., the occurrence of any of which could have a material adverse effect on our business, results of operations, financial condition and prospects.”
 
STRONG KA BA? Para doon sa mga nasaktan, hindi marunong mag-forgive at hindi maka move on… eto po ang sabi ni Mahatma Gandhi, “The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong.” 
 
 

Advertisements

Entry filed under: News.

Taxes from power plant plummeting BONGBONG KAWAYAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 671,891 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,356 other followers


%d bloggers like this: