EDITORIAL: Wagi pa rin ang pagdiriwang ng Pasko

December 18, 2016 at 11:05 pm Leave a comment


Kung mayroon mang digmaang pampulitika na nangyayari sa kapaskuhan, na gaya ng hinaing ng mga kritiko sa bawat taon, ang Pasko ang tiyak na panalo. Mga nagkikislapang mga ilaw, ibat ibang kulay ng mga palamuti at mga maiingay na tunog ang nagbibigay sigla sa mga kapaligiran ng mga lungsod, bayan at mga barangay. Ang mga tao ay nagiging mababait at naghahatid ng ibayong pagmamahal sa mga kapwa tao. Mga napalamutiang kahoy ay nilalagyan ng mga ilaw, mga regalo ay binabalot, masasarap na pagkain ay niluluto at mga awiting pampasko ay inaawit.
Taliwas ang mga ito sa mga araw-araw na balita ng mga napapatay at namamatay tungkol sa iligal na droga. Mga alitang pampulitika ay naiiwasan at naiibsan. Nagkakaroon ng mga “get together parties” sa mga opisinang pampumbliko at pribado. Lahat ay nagsasaya. Lahat ay umaasam ng kapayapaan at katiwasayan ng buhay.
Ang Pasko ay ipinagdiriwang ng sanlibutan. Nagsimula ito sa mga relihiyon at pananampalataya – sa mga Hudyo ang tawag ay Hanukkah na nagsisimula sa gabi ng Disyembre 24. Ang mga kapatid na Muslim ay nagdiriwang din ng Milad un Nabi sa ikalawang linggo ng Disyembre.
Sa mga karamihan sa atin, ang makabagong pagdiriwang ng Pasko ay may dalang komersiyalismo. Makikita ito sa mga malalaking mga “malls” at “supermarkets”. Nawawala na ang tunay na kahulugan ng Pasko lalo na sa mga kabataan na wala ng iniisip kundi mga regalo at ang paghihintay kay Santa Claus. Hanggang ngayon, hindi pa rin mapatunayan kung mayroon nga bang talagang Santa Claus na nagbibigay ng regalo sa mga kabataan.

Ang tunay na pakikidigma sa kaisipang “Pasko” ay nanaig ilang siglo na ang nakakaraan. Sa bansang Inglatera ay tinuligsa doon ang diwa ng Pasko bilang isang pagdiriwang ng mga pagano na kinabibilangan ng labis na pag-inum ng mga nakakalasing na alak. Subalit sa paglipas ng panahon, hindi nawala ang pagdiriwang na ito hanggang pumasok na sa kultura ng mga ibat-ibang lahi gaya na ng mga Filipino na kung saan ang pagdiriwang ay hinalaw pa sa kulturang Amerikano. Ang karaniwang naririnig na “Merry Christmas” ay napalitan na ng “Happy Holidays” o di kaya ay ” Yuletide greetings”.
Walang masama sa pagdiriwang ng Pasko. Kailangan lamang na isaalang-alang ang tunay na diwa nito lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kailangan ding sundan ang nasimulang kaisipan ng mga ninuno natin sa pag-asam ng kapayapaan sa sanlibutan at pagbibigay ng pagmamahal sa bawat isang nilalang. Wagi pa rin ang Pasko!
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES:   The real essence of Christmas PDEA conducts drug tests for BIR workers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 617,286 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: