CORTEZ: VP: You can consider yourself fired!

December 18, 2016 at 10:25 pm Leave a comment


maso
 
WISH NI PDUTERTE. Dalawang cabinet level na personalities ang nakatangap ng text para huwag na silang umataend ng cabinet meeting noong Lunes, December 5, 2:00 PM.
 
VPLeni fired from PDuterte cabinet. You can consider yourself fired kung maka-receive ka ng text mula sa cabinet secretary na ang tono ay mababasa niyo sa ibaba.
 
Presidential peace worker, Bok Nani Braganza, narito ang text message ni Cabinet Secretary Jun Evasco kay VPLeni Robredo at 2:43 PM.
 
“Gd afternoon Madame Vice President.
Mayor Rody Duterte thru Bong Go asked me to relay to you his instruction for you to desist from attending all cabinet mtngs starting This Monday Dec 5, 2pm. Ty.”
 
Of course tuloy pa rin naman siya bilang VP.
 
Magaling talaga ang grupo ni PDuterte, biruin niyo nabigyan nila ng dahilan si VPLeni ng alibi para mag-resign sa cabinet! hahaha.
 
Ang simpleng text message ang ginawang alibi para sa resignation letter ni VPLeni.
 
Tama lang na mag-resign na si VPLeni dahil hindi naman siya conforme sa mga programa ni PDuterte.
 
Pangiti-ngiti lang siya pag nakaharap kay PDuterte pero kapag nakatalikod na si Pduterte ay magsusumbong siya sa media ng mga hindi niya nagustuhan.
 
Huwag na sanang idahilan ni VPLeni ang budget sa kanyang resignation dahil si PNoy naman ang nag-approve ng budget ng VP at ng HUDDC agencies.
 
Ibig bang sabihin ni VPLeni  ay sinisisi niya si PNoy sa budget na minana niya? Alalahanin natin na si Pnoy ang pumirma sa budget. Liberal Party din ang nag-pass ng budget law for 2016. Sinisisi ba ni VPLeni ang LP?
 
For the year 2017, ipinagmalaki ni VPLeni na mas mababa ng 14 percent ang isinubmit niyang budget compared kay VPBinay dahil mas matipid daw siya.
 
Mas malapit ang office ni VPLeni dahil iyong Boracay Mansion sa Quezon City ang napili niyang opisina. Congressman sa Quezon City si Rep Bolet Banal. Kumusta na po cong.
 
Sana huwag i-antagonize ni VPLeni ang Supreme Court.
 
Ang insinuation ni VPLeni ay matatangal siyang Vice President sa pamamagitan ng Supreme Court.
 
Hahaha. Sasabihin niya dinaya siya sa Supreme Court kapag natangal siya bilang VP.
 
Hahaha uli. Sasabihin naman niyang naging ‘fair” lang ang Supreme Court kung ang decision ay manatili siyang VP.
 
Narito naman po ang part ng official statement ng palasyo.
 
As a Cabinet member, the Vice President is expected to be a team player where differences in policies and issues are discussed during Cabinet meetings. The President in turn respects any decision agreed upon by his Cabinet.
 
Recent events, however, showed the differences between the President and the Vice President as becoming irreconcilable and public.
 
Irreconcilable and in public ang words na ginamit.
 
Dahil irreconcilable, dapat huwag na mag-attend.
 
Inilalabas sa public ang mga pinag-uusapan sa cabinet at ang mga hindi gusto ni VPLeni kaya dapat huwag na mag-attend.
 
Dahil nag-resign na ang highest elected official ng LP, dapat naman na mag-resign na rin ang buong LP sa majority sa Senate at House of Representatives.
 
Dapat sa LP ay nasa opposition. Dapat sa LP ay nasa minority.
 
Dahil hindi siya alter ego ni PDuterte ay pareho na si VPLeni at Rep. Gloria Arroyo na tututol sa death penalty.
 
Dahil wala na sa housing si VPLeni ay paano na ang kanyang sinabi  noong oathtaking niya as HUDCC chair?
 
“Mas mapaglilingkuran natin ang ating mga kababayang walang tahanan at maipagpapatuloy natin ang ating pangakong itulak ang kaunlaran at kaginhawaan para sa ating mga kapus palad na kababayan.”
 
“Ang pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay ay matagal nang adhikain ni Jesse.  Maisasakatuparan ito at mabibiyayaan ang mga nasa laylayan sa pakikipagtulungan ng lahat.”
 
Hindi ka nag-iisa VPLeni, pati si CHED Chairperson Patricia Licuanan ay nakatangap din ng text mula kay cabsec Jun at nag-issue ng official statement on her facebook account:
 
“On Sunday, 04 December 2016, I received a text message from Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr. relaying President Rodrigo Duterte’s instructions to stop attending Cabinet meetings starting this Monday, 05 December, 2PM.
 
I assured Sec. Evasco that I would comply. In the meantime, I will continue my work as Chairperson of the Commission on Higher Education.”
 
Of course, tuloy pa rin siya sa CHED dahil ang term niya ay up to 2018 pa.
 
Kung si VPLeni ay nag-resign agad…hindi magre-resign si chairperson Licuanan.
 
DYING WISH NI KUMANDANTE FIDEL. Walang monuments.. walang streets… walang buildings ang ipapangalan kay kumandante Fidel Castro ngayong siya ay patay na.
 
“The men and women who lead this country are people, not gods,” sabi ni Fidel Castro sa kanyang biography.
 
“There will be no monuments, statues or busts of Fidel, no streets or parks named after him – because that is what he wanted: no personality cult,” sabi ng 85-year-old na kapatid ni Fidel Castro na si Raul Castro.
 
“The leader of the revolution rejected any manifestation of a cult of personality,” sabi ni Raul.
 
“His attitude was consistent until the final hours of his life, insisting that once he died, his name and his image would never be used to denominate institutions, plazas, parks, avenues, streets or other public places,” sabi ni Raul.
 
Kaya gagawa ng batas ang gobyerno ng Cuba para masunod ang dying wish ni kumandante Fidel.
 
Napaka-simple naman daw nang libing ni kumandante Fidel.
 
“There were no speeches. It was very simple. There were just the ashes that were interred, the family, the government and officials,” sabi French Environment Minister Segolene Royal bilang representative ng kanilang gobyerno sa tribute kay Fidel Castro.
 
 

 

Advertisements

Entry filed under: News.

BELEN VISITORS Condoms for students

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 602,499 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,338 other followers


%d bloggers like this: