EDITORIAL: Bagong pag-asa ang mga magsasaka at mangingisdang Filipino

December 4, 2016 at 7:18 pm Leave a comment


Matagal ng problema ng ating bansa ang ismagling ng mga produktong agrikultura na nagdulot ng kasiphayuhan ng ating mga magsasaka. Matagal na ring ipinaglaban ito ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na dating Swine Development Council (SDC) sa pangunguna ni Abono Partylist Chair Rosendo O. So lalong lalo na sa mga karne ng baboy na kung hindi “misdeclared” ay “undeclared” yong ibang pumapasok sa bansa.
Maraming produkto ang naapektuhan dahil sa malawakang ismagling. Dati mga bigas at karne lang ng baboy hanggang dumating ang puntong pati sibuyas, bawang at iba pang mga gulay ay nakakapasok na sa bansa, marahil dahil sa sabwatan ng mga kawani ng pamahalaan sa Bureau of Customs (BoC) at Department of Agriculture (DA). Dahil dito, nagpanukala ang Sinag ng isang batas na ideklarang ” economic sabotage” ang pag-ismagel ng mga produktong agrikultura sa ilalim ng Republic Act No. 10845 na inaprobahan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III bago natapos ang kanyang termino.
Hindi pa sapat ang batas na iyon. Kailangang maipatupad at mayroong pagbabago na gawin upang masawata at masupil ang gawaing ismagling na kinokontrol lamang ng mga mangilan-ngilan na negosyante sa bansa. Hindi natugunan ang problemang ito sa nakaraang administrasyon ni PNoy subalit sa pagkatalaga kay Secretary Manny Piñol sa Department of Agriculture, gumawa siya ng isang makasaysayang hakbang para matigil na ang pagsasamantala ng mga negosyante sa pagpasok sa bansa ng mga produktong agrikultura. Nakita ni Piñol na may mga pekeng “importation permits” kaya noong Nobyembre 22, nagbigay siya ng kautusan na ikansela lahat ang mga ” importation permits” sa mga karne, isda at iba pang produktong agrikultura. Napakagandang hakbang ang ginawang ito ni Piñol na naglalayon na ang produkto ng mga  magsasaka ay mabigyan ng proteksyon.

Sa kanyang kautusan, magkakaroon ng mga pagbabagong permiso na ibibigay sa mga legal na “importers” na negosyante at ang mga peke ay tuluyan ng mawala. Magkakaroon na rin ng “special teams” na itatalaga sa Manila Container Integrated Port (MCIP) in South Harbor and the Manila International Airports para mabalida ang mga permiso sa pag-angkat ng mga produktong agrikultura na galing sa ibang bansa. Simula sa Disyembre 1, mga bagong permiso na ang ibibigay ng DA sa mga “importers”.

Dahil dito makikita natin na ang administrasyong Duterte ay may tunay na malasakit sa mga magsasaka at pati na rin sa mga mangingisda sa ating bansa. Kailangan lang pala ng tinatawag na “political will” ni Piñol upang magkaroon ng pag-ba bago sa kalakaran sa agrikultura na ikinatutuwa naman ng Sinag na may 33 organisasyong pang-agrikultura ang nakapaloob dito.
Kung magiging epektibo ang pagbabagong ito, makakatiyak tayo na ang pangunahing makikinabang ay ang mga magsasaka at mangingisdang Filipino dahil wala na silang malaking kakompetensiya sa pamilihan. Sana ay magpatuloy ito.
Advertisements

Entry filed under: News.

Urdaneta City is a big vegetable garden PICKLED SEAWEEDS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 645,355 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,346 other followers


%d bloggers like this: