CORTEZ: The commander in chief of the Cuban revolution dies 

December 4, 2016 at 6:45 pm Leave a comment


brando-maso
 
“No woman, whoever or whatever she may be, whether a sitting senator or a humble secretary, deserves to be betrayed, to be treated with so much disrespect and without dignity, before the public eye, by any man she is with or had a relationship with,” sabi ni senador Leila De Lima.
 
Hindi ba si Leila ang naging dahilan ng pag-betray ni Ronnie sa tunay niyang asawa at mga anak?
 
“TL” or “Tita Lei” ang tawag ng anak ni Ronnie kay Leila.
 
Hindi ba si Leila ang naging dahilan para magdusa at masaktan ang tunay na asawa ni Ronnie?
 
Deserve ba ng isang “humble” Leila ng respect…dignity sa pagkalantari niya kay Ronnie?
 
Totoo po bang lumalabas ang katotohanan sa mga Congressional hearings? Hahaha!
 
THAT’S ENTERTAINMENT. Ang mga Congressional hearings ay nagiging entertainment venue na lang.
 
Ang mga hearing sa Senado at mga hearing sa House of Representatives ay in aid of legislation.
 
Ang katotohanan sa sinasabi ni Kerwin Espinosa sa Senado ay iba sa katotohanan na makukuha mo kung siya ay nasa korte. Iyan ay kung ihaharap sila sa korte.
 
Ang katotohanan sa sinasabi ni Ronnie Dayan sa House of Representatives ay iba sa katotohanan na makukuha mo kung siya ay nasa korte. Iyan ay kung ihaharap sila sa korte.
 
NAILIBING NA. NAGPROTESTA NA. NEXT! Ang katotohanan na walang batas na ipinagbabawal na ilibing si Marcos sa Libingan ay nagmula sa Korte Suprema.
 
May mga tao na nalulungkot kapag nalalaman nila na may mga admirers ang inilibing na Marcos.
 
May mga tao na nagagalit kapag nalalaman nila na may admirers ang inilibing na Marcos.
 
May mga taong nakikipag-away kapag nalaman nila na may admirers ang inilibing na Marcos.
 
May mga taong masaya dahil nailibing na si Marcos sa Libingan.
 
Hindi natin kayang papaniwalain ang ibang tao sa ating paniniwala?
 
DAYAN’S DAY. Narito po ang ilan sa mga sinabi ni Ronnie sa Congressional hearing.
 
Katatapos lang Tropical Depression Marce. At si Ronnie ay nagdescribe ng relassyon nila ni Leila sa pamamagitan ng storm signals as in signal number 5 ang pinakamatindi.
Ang relasyong Ronnie-Leila ay umabaot sa signal number 5…as in pinakamalakas na bagyo per humina na daw sa signal number 1.
 
Ronnie-Leila… Joenel-Leila… Warren-Leila!
 
“Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama namin, lagi kasing bangayan, at laging nag-aaway kami,” sabi ni Ronnie.
 
“Kasi po sir una ako tapos naramdaman ko rin na may relasyon sila ni Joenel tapos ito naman si Warren kaya parang nasa isip ko uubusin niya kaming mga security niya,” sabi ni Ronnie.
 
CASTRO IS DEAD. “The commander in chief of the Cuban revolution died at 22:29 hours this evening,” sabi ni Raul Castro president ng Cuba.
 
The remains of Fidel Castro will be cremated.
 
Si Fidel Castro ang commander in chief ng Cuban Revolution.
 
Sikat si Castro dahil ang maliit nilang bansa ay nagsumikap na makawala sa dikta ng United States.
 
At ang Cuba ay naging isang maliit na tinik sa lalamunan ng United States.
 
Ang health program ng Cuba ang iniidolo ng maraming bansa dahil mas maraming nararating ito.
 
Gusto ni PDuterte na gayahin ang success ng Cuba sa health delivery.
 
Sa loob ng 50 years, sinubukan ng US na lumpuhin ang Cuba sa pamamagitan ng economic embargo at iba pang taktika para bumaligtad ang suporta ng tao kontra kay Fidel Castro.
 
Hindi nagtagumpay ang US.
 
Eto po ang mga president ng US na hindi nagtagumpay sa pagpapabagsak kay Fidel: Eisenhower, Kennedy, Johnson, Nixon, Ford, Carter, Reagan, Bush Sr., Clinton, Bush Jr., at Obama.
 
Dayo lang ang tatay ni Fidel sa Cuba mula sa Spain.
 
Taga-Cuba naman ang nanay ni Fidel.
 
Pangarap ni Fidel na maging baseball player sa US.
 
Nagtayo si Fidel ng rebolusyonaryong kilusan laban sa naghaharing Fulgencio Batista.
 
Nahuli at nakulong si Fidel. Na-exile. Bumalik. Hanggang na-oust nila si Batista.
 
Si Fidel Castro ay hinirang na prime minister ng Cuba.
 
Inexpropriate ni Fidel ang mga corporation ng US sa Cuba.
 
Mula sa pagiging tuta ng US ang rehimen Batista ay nakipag-alyansa si Castro sa Russia.
 
Sounds familiar ba? Parang PDuterte ba?
 
Isa sa mga naging kasama ni Fidel si Ernesto “Che” Guevarra.
 
Si Che Guevarra ay isang doctor.
 
Alam niya na magpapalam na siya sa edad na 90.
 
“I’ll soon be 90,” the former president said, adding that this was “something I’d never imagined,” sabi ni Fidel Castro
 
“Soon I’ll be like all the others, “to all our turn must come,” sabi ni Fidel Castro.
 
“A revolution is not a bed of roses. A revolution is a struggle between the future and the past.” –Fidel Castro
 
 
 

 

Advertisements

Entry filed under: News.

Cartoon Bridge closed due to shoddy work

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 672,605 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2016
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,356 other followers


%d bloggers like this: