CORTEZ: “Naano po ang loob ko,” ang pag amin ni De Lima

November 27, 2016 at 5:59 pm Leave a comment


 brando-maso
Itinayo ang International Criminal Court sa Hague bilang last resort for prosecuting individuals accused of crimes against humanity.
 
Maraming bansa ang pumirma dito tulad ng Russia, United States at Philippines.
 
Pero, hindi ni-ratify ng US ang membership nila sa ICC at bumaklas sila noong 2002 nang president nila si Bush.
 
Pagkatapos nilang bumaklas sa ICC ay nag-declare ang US na war magainst terrorism at naganap ang iba’-ibang pag lunsad ng giyera sa iba’t-ibang bansa na may label na “terrorist” kuno.
 
Ang Russia ang umalis na rin sa ICC. May mga kasalanan din ang Russsia sa Syria na ngayon ay hirap na hirap.
 
Ang South Africa, Burundi at Gambia ay nag-withdraw na rin sa ICC.
 
Ang mga African countries ay nakahalata na ang mga binibira ng ICC ay mga taga-Africa. Nasaan ang indictment sa mga Western countries?
 
Ayon sa resulta ng mga ICC hearings…39 of the court’s indictments have been of people from African nations.
 
Bakit nga naman na sa dinami-dami ng giyera na pinaputok ng US sa ibang bansa na nag-resulta ng maraming kamatayan ay walang Amerikanong leader ang naimbestigahan at nahatulan ng ICC.
 
Nagparining na rin si PDuterte na aalis na sa ICC.
 
BIG-TIME POLITICIAN PROTECTS DAYAN. This week, inakusahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang isang “big-time politician” dito sa Norte na nagkakanlong at nagbibigay protection sa inaming lover ni Senator Delima na si Ronnie Dayan.
 
 “During the hearings, talagang pinasusubaybayan na namin yan at talagang he’s being protected. Dun nagtatago ‘yan sa Pangasinan and other northern Luzon provinces,” sabi ni Aguirre.
 
O di ba? Sikat na naman ang Pangasinan.
 
 FRAILTIES OF A WOMAN. “Frailties of a woman,” ang dahilan kung bakit daw nakipag-relasyon si Senator De Lima sa driver niyang may asawa at anak.
 
Sa tanong ni Mareng Winnie na: “How long did the affair last?”
 
“A few years? We became so close. That’s it. Because i trusted him… and siyempre naano po ang loob ko,” ang pag-amin ni De Lima.
 
Ano po ba Concubinage?

 
“Art. 334. Concubinage. — Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods.

 
The concubine shall suffer the penalty of destierro.”
 
Si Ronnie ba at si Leila ay guilty ng concubinage?
 
Ang pag-amin ba ni Leila na naging mag-on sila ni Ronnie sa mahabang panahaon ay concubinage?
 
Iyong asawa ni Ronnie P. Dayan ang magkakaso ng concubinage laban kay ronniee at Leila.
 
Kapag napatunayan sa korte na guilty, si Ronnie ay makukulong habang si Leila ay mapaparusahan ng destierro. Ang destierro ay BANISHMENT!
 
Where do you banish Leila?
 
 Sabi ng Gabriela Party-List na hindi dapat gawing palusot ang pagiging babae bilang depensa sa krimen.
 
 Sinabi  ng Gabriela sa isang statement na ang “so-called frailties of women even men or any gender can never be cited as a defense for crimes, be it adultery, abuse of authority by a public official or drug trafficking.”
 
Dapat na mag-resign na si De Lima dahil hindi ang paggawa ng batas ang kanyang gusting gawin.
 
 Sabi ni de Lima na ang kanyang mission ay to stop the extrajudicial killings and summary executions happening in our country, kasama na ang pag-address sa iba pang social issues.
 
Legislative ang trabaho ng senator.
 
 Kung gusto ni De Lima na magawa ang kanyang mission ay mag-resign siya at gawin ang lahat ng hakbang para mahinto ang extra judicial killings at summary executions.
 
Pero, noong nasa Commission on Human Rights siya… nahinto niya ba ang extra judicial killings at summary executions?
 
Bilang head ng CHR, turf niya ang pahintuin ang extra judicial killings at summary executions?
 
Pero, noong nasa Department of Justice siya… nahinto niya ba ang extra judicial killings at summary executions?
 
Bilang Justice Secretary De Lima… nahinto niya ba ang extra judicial killings at summary executions?
 
Naniniwala ba kayong mahihinto ni De Lima ang extra judicial killings at summary executions bilang senador?
 
Sa play na Hamlet na isinulat ni William Shakespeare.
 
Hamlet:
Heaven and earth,
Must I remember? Why, she would hang on him
As if increase of appetite had grown
By what it fed on, and yet, within a month—
Let me not think on’t—Frailty, thy name is woman!—
 
NAILIBING NA. Nailibing na ang matagal nang patay na dating president Ferdinand Marcos. Namatay si Marcos noong September 28, 1989 sa Honolulu, Hawaii.
 
Narito po ang nakaukit sa puntod ni Marcos:
 
FERDINAND E. MARCOS
1917-1989
FILIPINO
 
Maraming nasaktan, namatayan, nawalan ng kinabukasan sa panahon ng pamumuno ni president Ferdinand Marcos.
 
“There is no order prohibiting it because the status quo ante (order) was lifted,”sabi ni Supreme Court spokesman Theodore Te.
 
“Even if there is a 15 day period, there was no order restraining the act,” sabi ni Te.
 
“Like a thief in the night, Marcos declared Martial Law in 1973. Like a thief in the night, he is being buried today. It is the Marcos style all over again.” Sabi ni Boni Ilagan na isang biktima ng martial Law.
 
 
TAPANG NG PILIPINAS. Ipinakita ni PDuterte na sovereign ang Pilipinas at hindi siya papaya na ituring na laborer ang Pilipinas sa usapin ng APEC na nagaganap sa Peru.
 
“I don’t know kung anong pag-usapan namin dito. Pero pag nagkamali na naman silang, gusto nila makaisa, nagpraktis na ako. Makatikim talaga sila sa akin. And I will lecture on them the finer points of civilization,” sabi ni PDuterte.
 
“Huwag n’yong solohin ’yung kapangyarihan niyo. Kayo lang parating tigas eh, kaya lang, you threaten us as if we are your laborers. I’m the President of the Philippines. I’m not their President. I don’t care. I don’t give a shit,” sabi ni PDuterte.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

2 Dagupan Villages Narc Cleared Villasis Town Fiesta: Legacy over tradition

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 616,329 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: