EDITORIAL : Nailibing na si Apo Marcos

November 25, 2016 at 2:20 pm Leave a comment


Mahigit na 27 taon ang hinintay ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos bago ito inilibing sa kanyang huling hantungan -ang Libingan ng mga Bayani (LNB) sa Metro Manila. Sa loob ng mga taong iyon, ang kanyang labi ay nakalagak sa isang museo sa Batak, Ilocos Norte na dinadayo ng mga kapwa Ilokano at mga dayuhan. Nagmistulang isang atraksyon sa turismo ang kanyang labi na hindi makatwiran sa isang maka-Kristianong lipunan.
Sa lahat ng naging pangulo ng bansa pagkatapos siyang pumanaw, si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte lamang ang nagpahayag ng walang pagtutol sa papapalibing nito sa Libingan ng mga Bayani. Aniya, si Marcos ay naging pangulo ng bansa at isa ring kawal noong nakaraang ikalawang Digmaang Pandaigdig at nararapat lamang na ilibing ito sa LNB. Dapat sa buwan ng Setyembre pa siya nailibing ngunit tinutulan ito ng mga naging biktima diumano ng Batas Militar dahil sa paglabag ng karapatang pantao. Sa kanilang pagtutol, dumulog sila sa Korte Suprema na nagbigay ng “status quo ante” hanggang sa nadesisyonan ng mayorya ng mga mahistrado na dapat lang na siya ay nailibing sa LNB.
Kung balikan natin ang nakaraan, ang Batas Militar ay hindi lang kagagawan ni dating Pangulong Marcos. May dahilan kung bakit ito idineklara at may dahilan din kung bakit may mga karahasan sa panahong yaon. Natural lamang sa Batas Militar na may karahasan, may namamatay at may malabag na karapatang pantao. Ito ay hindi maintindihan ng mga militanteng grupo na para bang sila ang dapat na masunod. Sa panahong iyon, kailangan maisaayos ang lipunan dahil tumaas na ang bilang ng mga militanteng grupo na nais sakupin ang pamahalaan.
Nagsalita na ang Korte Suprema. Di ba dapat lamang ito ay sundin ng mga taong dumulog dito upang pigilan ang pagpapalibing kay Marcos sa LNB? Bakit kailangan pa nilang kontrahin ang desisyong iyon? Dahil ba ito ay hindi pumanig sa kanilang kagustuhan? Kahit sa Senado, wala ring nangyari sa panukalang resolusyon ni Senadora Risa Hontiveros na pigilin ito. Nararapat lamang na sundin ang desisyon ng Korte Suprema upang matuldukan na ang usaping ito at pupunta na tayo sa mga iba pang problemang kinahaharap ng ating bansa.

Inilibing siya noong Nobyembre 18 na walang masyadong nakakaalam dito kundi yong mga malapit niyang kamag-anak, kaibigan at pamilya. May nilabag ba ang pamilyang Marcos sa ginawa nilang pagpapalibing na hindi bukas sa sambayanang Filipino? Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te, walang nilabag na batas ang pamilyang Marcos dahil wala namang inilabas na kautusan ang mga mahistrado sa anumang mosyon ng mga bumabalakid sa pagpapalibing sa kanya.
Ngayon at siya ay namamayapa na sa LNB, nararapat na respetuhin natin ang kanyang labi. Huwag na nating ungkatin pa ang nakaraan dahil ang kasaysayan lamang ang maaaring humusga sa kanya. Siya ba ay isang magaling na pangulo at kawal? Wala ni isa man sa atin ang maaaring magbigay ng sapat na katwiran tungkol dito.
Si Apo Marcos ay isang Filipino at bawat Filipino ay may karapatan na mailibing ng maayos sa kanyang sariling bansa. Panahon na upang magkaisa ang bawat Filipino tungo sa iisang hangarin-ang mabago at paunlarin ang ating inamahal na bansang Filipinas.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Life after my ‘foiled assassination’ Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: