CORTEZ: Bakit yung tulo sa bubong ang problema at hindi ang napupunong timba

November 21, 2016 at 6:20 am Leave a comment


 
 brando-maso
You cannot solve a problem using the same thinking that created it– Albert Einstein
 
Kung gusto mong maintindihan si PDuterte ay baguhin mo ang frame of mind mo.
 
Kung gusto mong maintindihan kung bakit Presidente na si Mayor Duterte ay baguhin mo ang frame of mind mo.
 
Kung gusto mong maintindihan kung bakit si Trump ang 45th president ng USA ay baguhin mo ang frame of mind mo.
 
Kung sinasabi nilang upset ang naging panalo ni Trump, sila ang hindi naging open ang kaisipan sa pagbabago ng sentiments ng American public.
 
Naniwala sila sa sarili nilang propaganda at sila sila lang ang mga nag-uusap kaya hindi sila dumamai para kay Hillary.
 
ILIBING NA. Bilang Pangulo ng Pilipinas, nag-utos si PDuterte na ilibing na si former president Ferdinand E. Marcos sa libingan ng mga bayani.
 
Campaign period pa lang ay promise na ni mayor Duterte na kapag nanalo siyang Pangulo ay tutldukan na niya ang usapin ng paglibing kay Marcos sa isang libingan ng mga sundalo Fort Bonifacio.
 
August 9, 2016 nang maglabas ng si Rear Admiral Ernesto Enriquez sa commanding general ng Philippine Army tungkol sa Full Honors Service para sa libing ni PMarcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
Ano ang gagawin na full honors service?
 
Vigil; Bugler/Drummer; Firing Party; Military Host/ Pallbearers; Escort and Transportation; Arrival and Departure honors.
 
Walang nakita ang Korte Suprema na naganap na grave abuse of discretion ni PDuterte.
 
Magkakaroon ng grave abuse of discretion kung ang ginawa ni PDuterte ay (1) contrary to the Constitution, the law or jurisprudence; (2) executed whimsically capriciously or arbitrarily, out of malice, ill will or personal bias.
 
May mga umangal at nagpetisyon sa Korte Suprema na mali daw ang ginawa ni PDuterte.
 
Maramin daw kasalan sa bayan si PMarcos…plunder ng kaban ng bayan, human rights violations at iba pang kaslanan ang ibinato sa kanya.
 
At nagdesisyon na nag ang Korte Suprema ng 9-5-1.
 
Nine ang nagsabi na tama si PDuterte na ilibing na si PMarcos sa Fort Bonifacio.
 
Sinabi sa ruling na ang ginawa ni PDuterte ay within the bounds of law.
 
Sinabi din sa ruling ang isang mandate ni PDuterte sa ilalim ng Article VII, section 17 of the 1987 Constitution ay “to ensure the faithful execution of laws,” at wala naming batas na nagbabawal kay PMarcos na ilibing Fort Bonifacio.
 
Matagal nang naka-refrigerator ang bangkay ni PMarcos sa Ilocos Norte.
 
There is no law prohibiting the burial of Marcos at the libingan ng mga bayani.
 
Sa dinami dami ng mga naging pulitiko at naupo sa congress at senado na nasaktan, namatayan, naghirap sa panahon ni PMarcos ay wala silang nagawang batas para ipagbawal na mailibing nag isang katulad ni PMarcos sa Fort Bonifacio.
 
Marami kilalang anti-Marcos politicians na nakarating sa congress at senate hanggang sa maging president pero hindi nila ginawa ang batas na magbabawal sa libing ni PMarcos sa Fort Bonifacio.
 
Lima ang nagsabi na mali si PDuterte na ipalibing si PMarcos.
 
Maraming recorded human rights violations si PMarcos. Walang nagawa si PCory at PNoy na para masentensiyahan si PMarcos sa mga violations.
 
Ang puedeng mailibing sa libingan ng mga bayani ay mga sundalo, former president, commander-in-chief ayon sa military guidelines.
 
Sana binago ng mga anti-Marcos ang guidelines nang sila ay nasa puwesto.
 
Sana gumawa ang mga atni-Marcos ng batas na bawal ilibing si PMarcos sa libingan ng mga bayani.
 
Isa ang nag-abstain kasi kaibigan niya ang mga Marcos at ang mga Aquino.
 
Siyempre masaya ang pamilya Marcos at mga supporters nila.
 
“Hindi naman bongga-bonggang libing to eh. Libing lang naman ng sundalong pangkaraniwan. Hindi siya state funeral, kundi ‘soldier’s burial’ lang,” sabi ni Governor Imee Marcos.
 
“Iyun lang naman hinihingi namin. Iyun lang naman ang minimithi ng aking ama. Iyun ang huling habilin na kasama lang siya ng mga kawal ng Second World War,” Dagdag ni Governor Imee Marcos.
 

Ang administrasyon ni PMarcos an gang nagtulak sa paglawak ng Partido Komunista ng Pilipinas kasabay sa paglago ng New Peoples Army.
 
Nang maganap ang EDSA at naupo na ang mga anti-Marcos ay unti-unti nang humina ang Partido Komumista ng Pilipinas kasabay ng paghina ng New Peoples Army.
 
Nanalong senador si Bongbong Marcos noong 2010 elections.
 
Muntik nang manalong vice president si Bongbong Marcos nitong huling halalan.
 
Kung personality politics ang isusulong ng mga anti-Marcos ay si Bongbong Marcos na lang ang pagtuunan nila ng pansin.
Kapag magpabaya sila ay maaaring manalo uli si Bongbong Marcos bilang senador sa 2019 elections at president naman sa 2022 elections.
 
Ang mga graduate ng mga elite schools sa Manila ang nakinabang sa EDSA I uprising.. Sila pa rin ang nakikinabang ngayon.
 
Ang mga naghaharing pamilya sa mga probinsiya ay kahit na noong panahon ni PMarcos ay sila  pa rin ngayon.
 
Ang mga negosyo ay hawak pa rin ng mga lumang pamilyang naghahari mula nang maimbento ang Gobyerno ng Pilipinas.
 
FEED-IN-TARIFF RIP-OFF. Alam niyo po ba na tayo ang nagpopondo sa mga kumpanyang naglalaro sa industriya ng renewable energy?
 
Meroon tinatawag na Feed-in-Tarif sa renewable energy.
 
Sa bawat kilowatt hour na binabayaran natin sa kuryente ay may Fed-in-Tariff na ibinibigay ng gobyerno sa mga kumpanyang involved sa renewable energy.
 
Hindi nararamdaman at hindi umaangal ang consumer dahil ilang sentimo lang ang kinakaltas sa bawat nagbabayad.
 
Pero, billion pesos itong mga sentimong ito kapag pinagsama-sama.
 
Guaranteed kasi na dapat ay may 16% return on investment ang mga nasa renewable energy for 20 years. Hahaha!
 
Kung magtatayo kaya ng sari-sari store si aling Yolly ay mangongolekta din kaya ang gobyerno ng Feed-in-Tariff para sa katulad niya?
 
Pinupunuan ng gobyerno kapag less than 16% ang kinita nga kumpanyang nasa renewable energy.
 
Rich Corporation….SMC’s profit jumps to P43B! Rich families…The Sy, Zobel and Aboitiz families made it to the 2016 Forbes list of Asia’s richest families, Forbes Asia announced on Thursday.
 
Ano naman kaya ang mga nakukuha ng mga rich corporations at rich families na ito sa gobyerno?
 
May ala-Feed-in-Tariff din kaya silang nakukuha sa gobyerno?
 
END ENDO BUT REVISE LABOR CODE. Tama na tapusin  ang Endo or five months End-of-Contract practice.
 
Maraming natutu na mabuhay sa temporary employment practices ng mga hiring companies.
 
Of course marami din high paying jobs na contractual basis. May mga 3-month contract or may 8-month contract of one-year contract depende sa agreement pero mataas ang singilan.
 
Ang kamapanya ba laban sa Endo ay mangangahulugan na pipilitin ng gobyerno ang mga negosyante na mag-hire ng employees on a permanent basis?
 
As in pilitan or else!
 
1974 pa ang Labor Code ng Pilipinas. Hindi pa uso ang Endo noon. Panahon pa ni PMarcos yun ano?
 
Millenials na ang main employers ngayon. Iba na ang skills at qualifications nila. Iba na rin ang pagtingin nila sa wage rates, salary rates, working hours at work place.
 
Ayon sa survey, 40% to 55% ng mga nagsimulang mag-work as Endo employees ay nakakuha na ng permanent employment.
 
Wala naman talagang permanent job.
Advertisements

Entry filed under: News.

The day I cheated death – Vir Dagupan’s SURE benefits 6 surenderees 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,833 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: