EDITORIAL : Mahalaga ang buhay

November 16, 2016 at 6:25 am Leave a comment


Kinokondena ng pahayagang ito ang lantarang pamamaril sa aming kasamahan na si Virgilio Maganes ng mga taong mala-demonyo ang pag-iisip noong madaling araw ng ika-8 ng Nobyembre sa bayan ng Villasis. Si Maganes ay kolumnista ng pahayagang ito at isa ring radio anchor at komentarista ng DWPR Radyo Asenso. Isa siya sa mga kumakatawan ng mga mamamahayag na hindi nagtatago ng mga katotohanan na dapat malaman ng mga mamamayan.
Nakalulungkot ang ginawang pamamaril sa kanya ng tinatawag na “motorcycle riding in tandem”. Siya ay minanmanan sa kinagawian na niyang iskedyul na pagpunta sa estasyon ng radyo sa Dagupan City at sa isang pagkakataon, pinaputukan sa likod yong traysikel na kanyang sinakyan ng tatlong beses- dalawa ang tumagos dito at ang isa na para sana sa kanyang ulo ay hindi tumagos. Yong pang-apat na putok ay direkta sa kanyang katawan upang siguraduhin na siya ay mamamatay sa oras na iyon.
Naniniwala kami na ang planong pagpatay sa kanya ay may kinalaman sa pulitika. Noong nakaraang eleksyon, isa si Maganes sa mga sumuporta kay Mark O. Cojuangco na kumandidato sa pagka-Gobernador ng Pangasinan at may mga pagkakataon na nagpapahayag siya ng pagtuligsa sa mga pulitiko na base sa mga nangyayaring mga isyu sa lalawigan.
Sa kabutihang palad siya ay iniligtas ng Panginoong Diyos sa mga may maitim na hangarin na makitil ang kanyang buhay. Hindi pinahahalagahan ng mga taong ito ang kasagraduhan ng buhay na nawalan na sila ng konsensiya na gawin ito. Tiyak na may mga tao sa likod ng gawaing ito at tiyak din na darating ang araw na managot sila sa harapan ng Lumikha ng sanlibutan.

Kinondena na ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang nangyari kay Maganes at nananawagan sa pamahalaang Duterte na bigyan ito ng lubos na pansin. Sa Pangasinan, kinondena na rin ito ng Kapisanan ng mga Brodkaster (KBP) at nanawagan din ng pagbibigay ng tamang hustisya sa kanya.
Ang hindi makatwirang nangyari ay nilagyan pa ng plakard na may sulat na ” Huwag akong tularan, drug pusher ako” na nakagawiang ginagawa ng mga pumapatay sa mga drug pushers at users sa labas ng operasyon ng PNP sa OPlan Tokhang. Kung sakaling pinalad sila na napatay si Maganes, tiyak hindi uusad ang hustisya dahil isa na lang siya sa bilang ng mga kasong nasa ilalim ng imbestigasyon.
Sana itigil na ang patayan. Bagamat naniniwala kami sa pakikidigma sa iligal na droga, may mas makataong paraan upang masawata ito na walang inosenteng buhay ang nadadamay.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: How safe are the media critics in a democratic society like the Philippines? Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 673,610 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,356 other followers


%d bloggers like this: