EDITORIAL: Pagpapahalaga ni Duterte sa Pilipinas at sa mga Filipino

November 7, 2016 at 5:58 am Leave a comment


Dahil sa malawakang pakikidigma sa ilegal na droga sa bansa, umani si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ng  pagbatikos sa Estados Unidos, European Union, United Nations (UN) dahil diumano sa paglabag niya ng karapatang pantao.
Ang pagbatikos na ito ay kung minsan kagagawan ng mga mamamahayag sa di makatotohanang pag-uulat lalo na sa mga malalaking establisemento ng pahayagan, radyo at telebisyon. Ang mga ulat na ito ay sinasakyan ng mga banyagang mamamahayag. Ang mga ito ay lalo pang napapa-igting dahil sa mga kumukontra sa Pangulo na kinabibilangan ng mga oposisyon gaya nina Senador Leila De Lima at Senador Antonio Trillanes IV.
Mayroon bang malawakang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Duterte? May katotohanan ba ang mga alingasngas na may tinatawag na “extra judicial killings” dahil sa pakikipaglaban sa mga taong nasa ilegal na droga? Sa isang digmaan, gaya ng pakikipaglaban sa ilegal na droga, mayroong mga namamatay. Mayroong mga namamatay dahil lehitimong operasyon na isinasagawa ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga at mayroon din yong kagagawan ng mga hindi nakikilalang grupo na kung tawagin ay mga “vigilantes”.
Mahigit ng 3,000 ang naitatalang namamatay sa digmaan ng ilegal na droga. Sinasabi ng pamunuan ng PNP na ang 1,700 dito ay sa kanilang lehitimong operasyon at yong iba ay sa mga grupong nakikisakay sa operasyon nila na binibigyan din diumano ng sapat na panahon upang maimbestigahan. Mahigit na ring 700,000 ang mga sumukong drug addicts at pushers sa ilalim ng Operation Double Barrel- OPlan Tokhang at Oplan High Value Target (HVT).

Sa kabila ng mga pagbatikos kay Pangulong Duterte, siya ay hindi natitinag. Bumisita siya sa mga bansang nasa South East Asia gaya ng Vietnam, Indonesia, Cambodia, Indonesia, Brunei Darussalam, China at Japan upang mapaigting ang ugnayang panlabas at pagkuha ng suporta sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Sa mga pagbisitang ito, maraming mga nakuhang tulong ang Pangulo lalo na sa mga proyektong imprastraktura. Nangingibabaw ang kanyang pagmamahal sa bansa at sa mga Filipino dahil nagpahayag siya ng “independent foreign policy” na taliwas sa nakasanayan ng mga naunang lider sa kanya sa bansa.
Apat na taon na hindi makapasok ang mga Filipino upang mangisda sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal dahil sa pagsakop ng bansang China. Itinataboy ang mga mangingisdang Filipino mula pa sa taong 2012 ng mga kawal ng China na nagdulot ng kaunting kita sa kanilang pangingisda.
Dahil sa ugnayan sa China, kamakailan ang mga mangingisdang Filipino ay nakapasok na sa mga nasabing lugar upang mangisda na hindi na sila nagagambala. Tonetoneladang mga isda ang kanilang nakalap upang mabuhay muli ang industriyang pangingisda sa bansa. Kung ang mga itong nagawa ni Pangulong Duterte ay hindi dahil sa kanyang pagmamahal sa mga Filipino at sa bansang Pilipinas, mas matimbang ba ang pakikipaglaban niya sa droga na may namamatay? Ang droga ang kalawang ng ating lipunan na nanghihila sa ating pagsulong para sa isang maunlad na pamayanan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: The human side of President Duterte Dagupan mayor confirms legal action mulled vs DPWH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: