CORTEZ: What makes Duterte always happy?

November 7, 2016 at 5:27 am Leave a comment


brando-maso
 
“Of course, I am happy. I am always happy if our beautiful women win all the titles. Kasi Pilipino tayo, it gives us konting hambog. […] Parang mayabang tayo. Kita mo, magaganda mga Pilipina. Pero kayong lahat diyan sa Human Rights Commission, mga pangit,” sabi ni PDuterte sa harap ng audience niya sa Japan matapos manalo ni Miss Philippines bilang Miss International 2016.
 
Una, tama si PDuterte na magaganda ang mga Pilipina. walang kokontra!
 
Pangalawa, tama ba si PDuterte na sabihing pangit ng mga taga- CHR?
 
Ano nga ba ang nag-iisang major accomplishment ng Commission on Human Rights mula nang ito ay itatag?
 
WALA!
 
Ano nga ba ang nag-iisang major accomplishment ng commission on Human Rights sa panahon ni PCory? panahon ni PFidel? panahon ni PErap? panahon ni PGloria? panahon ni PNoy
 
Sa dinami-dami ng mga naging CHR Commissioners…WALA! WALA! WALA! WALA! WALA!
 
WORLD’S CLIMATE JUSTICE FOR RP. Climate justice ang itinataguyod ni PDuterte kung bakit ayaw niyang pumirma sa Paris Climate Agreement.
 
Ang carbon footprint ng mga industrialized countries ang tunay na bumutas sa ozone layer.
 
Nakakabutas ng ozone layer ang mga dambuhalang factory ng America, France, Great Britain, China.
 
Hindi nakakabutas ng ozone layer ang pagsususog ng mga natuyong dahon ng mga puno sa Pilipinas. hahaha! bawal nga magsunog ng mga natuyong dahon sa bakuran mo!
 
Nag-init na ang kapaligiran dahil malaki na ang butas sa ozone layer na kagagawan ng mga industrialized countries.
 
Dahil direkta nang nakakapasok ang init ng araw (hindi na nafi-filter ng ozone layer) sobra na ang init ng mga dagat.
 
Dahil sobra na ang init ng mga dagat, nagkakaroon ng mga super typhoon tulad ng Katrina sa Amerika at Yolanda sa Pilipinas.
 
Rich country ka man tulad ng Amerika ay tatamaan ka ng super typhoon tulad ni Katrina na kagagawan ng mga industrialized countries.
 
Poor ka man na country tulad ng Pilipinas ay tatamaan ka din ng super typhoon tulad ni Yolanda na kagagawan ng mga industrialized countries.
 
Bakit pipilitin ni PFidel si PDuterte na pirmahan ang Paris Climate Agreement kung walang Climate Justice.
 
Gaano ba talaga kalaki ang naitulong ng mga industrialized countries sa Pilipinas ng tamaan ng super typhoon na Yolanda?
 
Masaya na ba ang mga kapatid natin sa Visayas sa tulong ng mga industrialized countries (kung mayroon)?
 
WORLD’S ONLY BOXING SENATOR. Si Senator Pacquiao ay 8-division world champion na gustong makakuha ng isa pang division title? Love niya daw ang boxing? feeling 27 years old daw siya oh?

 
Kung ano man ang tunay na dahilan, si senator Pacqiuao lang ang nakakaalam. siya ang lalaban. Siya ang susuntok. Siya ang tatangap ng suntok. Siya ag kikita ng dolyar.
 
Pulitiko na talaga si Pacquiao. may sasabihin siya ngayon na maniniwala tayo. pero pagdating ng ilang panahon ay may sasabihin siya na kabaligtaran ng kanyang unang sinabi.
 
Si Senator Pacquiao ang nag-iisang senator sa buong mundo na boksingero pa rin habang nasa mundo ng pulitika.
 
Sabi niya ay retired na siya after noong Bradley fight.
 
“Yes. I am retired. I want to go home with my family and serve my people,” sabi ni Pacquiao pagkatapos ng laban kay Bradley.
 
Hahaha. Kung akala natin ay tapos na sa boxing si Senator Pacquiao dahil sinabi niya ay hindi na tayo nagulat nang sabihin niyang lalaban uli siya.
 
“I want to prove that I am still one of the best pound-for-pound fighters. I feel I still have a lot to prove. I am not done with boxing. I will continue to keep fighting as long as I love boxing and boxing still loves me. I do not feel old. I feel like I am still 27,” sabi ni senator Pacquiao.
 
WORLDS BIGGEST PPV CARRIERS WILL NOT CARRY PACQUIAO-VARGAS. Hindi dadalhin ng HBO PPV o ng Showtime PPV ang laban ni Pacquiao at Vargas (small time boxer)!
 
Karamihan ng laban ni Pacquaiao ay dinala ng HBO PPV at Showtime PPV, bakit ayaw nilang dalhin ngayon?
 
Anonymous kasi si Vargas.  Hindi sikat na boksingero si Vargas. Maliit ang kikitain ng HBO o ng Showtime kung si Vargas ang kalaban.
 
Alam na ng lahat na si Pacquiao ang mananalo.
 
Alam ng HBO PPV at Showtime PPV na hindi kikita sa nasabing package.
 
After ng laban ni Pacquiao kay Mayweather ay pababa na ng pababa ang PPV sa mga laban niya.
 
Hindi naman proven ang hatak sa PPV ni Vargas!
 
Dahil walang bigtime na PPV company ang magdadala sa laban ni Pacquiao at Vargas (sino siya?) ay napilitan ang Top Tank ni Arum na siya na rin ang maging distributor.
 
Pay per view o PPV ang tawag sa isang sistema na ang isang tao na gustong manood ng isang live event tulad ng boxing ay magbabayad para mapanood ito…as in live as in parang nasa ringside ka rin.
 
Kanino po bang bulsa pumupunta ang perang ibinabayad niyong P1,000.00 sa per-per-view sa isang laban ni Pacquiao?
 
Pumupunta ba ito sa bulsa ni Pacquiao at sa kanyang kalaban na si Vargas?
 
Pumupunta ba ito sa bulsa ng promoter?
 
Pumupunta ba ito sa bulsa ng mga cable networks at television networks?
 
Nag-ayos ng isang laban ang promoter na si Bob Arum sa pagitan ni Pacquiao at Vargas (unknown boxer).
 
Ang isang laban ni Pacquiao at Vargas (anonymous boxer)ay isang event na mangyayari sa isang lugar sa Amerika.
 
Maraming gustong mapanood ang laban nang live usually may kasama pa itong mga undercard na laban.
 
Si Arum ay lalapit sa mga PPV distributor tulad ng HBO PPV o kaya naman ay Showtime PPV para ikalat ito sa mga MSO o mga Multiple System Operators.
 
Ang mga MSO’s ang may control ng buong cable network sa buong mundo.
 
Ibig sabihin, kasama sa deal ang mga may ari ng cable systems dahil sila ang distributor nito sa buong mundo.
 
 Ang usual na kita ng distributor ay 10 percent ng PPV… ibig sabihin sa P1,000 na bayad mo ay may P100 sila.
 
Iyong 90 percent ay paghahatian naman ng cable system provider at ng promoter tulad ni Arum…as in 45 percent sa cable system provider at 45 percent kay Arum.
 
Sa remaining na P900 ay may P450 ang cable system provider at may P450 naman si Arum.
 
kung ang laban ni Pacquiao at Vargas ay makakuha ng P100 million worth ng PPV sa Pilipinas… ang distributor ay makakakuha ng P10 million.
 
Iyong P90 million ay paghahatian ng cable system provider at ni Arum… as in P45 millio sa cable system provider at P45 million kay Arum.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

BRAND NEW VEHICLES San Manuel residents up in arms vs proposed solar power plants

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 609,462 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: