EDITORIAL : Pista ng mga patay

October 31, 2016 at 6:45 am Leave a comment


Ang pagdiriwang ng pista ng mga patay ay isang tradisyon na tinatangkilik ng sambayanang Filipino. Tinatawag itong “undas” sa Katagalogan, “Pista ti Natay” sa mga Ilokano at “Pista’y Inatey” sa nga Pangasinenses.
Anuman ang tawag dito, ang tradisyong ito na ating kinamulatan ay nagpapahayag ng dalawang bagay: Una, kahit namayapa na ang ating mga mahal sa buhay ay nandoon pa rin ang pag-alaala sa kanila. Pangalawa, ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa kanila na bagamat yumao na sila sa mundong ito, nandoon pa rin ang respeto at pagbibigay pugay.
Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Ibat-ibang anyo rin ang kanilang pagpanaw. May namamatay sa sakit, sa aksidente o mga karumaldumal na paraan gaya ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa na marami ang namamatay dahil sa droga. Hindi ang anyo ng kanilang pagyao ang ating pinahahalagahan kundi kung ano at sino sila sa ating buhay noong sila ay nabubuhay pa.
Dalawang araw ang naitakda sa pag-alaala sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Ang Nobyembre 1 ay naitakda para sa lahat ng mga santo, kilala man sila o hindi  (All Saints’ Day) at ang Nobyembre 2 ay para naman sa lahat ng mga kaluluwa (All Souls’ Day). Sa ngayon hindi na binibigyang halaga ang Nobyembre 2. Hindi na itinakda ng pamahalaan na pista opisyal bagamat ito dapat ang tamang araw sa pag-alaala sa lahat ng mga yumao. Sa pagbibigay respeto naman sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw na ay walang pinipiling araw. Kahit araw-araw ay maaari natin silang dalawin at puntahan sa kanilang mga puntod kung saan sila ihinimlay.
Bago dumarating ang araw ng mga patay, maraming ginagawa na pagpapakita ng ating pagmamahal sa mga yumao na. Linilinisan ang kanilang mga nitso at saka pinipinturahan. Pagdating naman sa araw ng pagdiriwang, ang mga kandila ay itinitirik sa mga puntod na may kasamang mga ibat-ibang klase ng nagbabanguhang mga bulaklak at binabantayan ang mga ito. Sa mga kabahayan ay mayroon ding paghahanda ng mga pagkain at mga kakanin na pagsasaluhan ng mga kamag-anak at mga kapamilya sabay kuwentuhan sa mga nangyayari at nagaganap sa buhay.
Mahalaga ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Sabi nga nila, ang pagrespeto sa mga patay ay ang paninilbihan sa mga nabubuhay. Ang ibig sabihin nito ay dapat ipakita na natin ang ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay. Huwag na nating hintayin na sila ay yumao pa na hindi na nila nararamdaman ang ating mga respeto at pagmamahal.

Entry filed under: News. Tags: .

SEVEN YEARS AFTER PEPENG: Suits vs SRPC, NPC not yet resolved Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: