EDITORIAL :  Kudos sa mga ‘Disaster and Risk Reduction Management Councils’

October 30, 2016 at 2:01 pm Leave a comment


Dalawang malalakas na bagyo ang dumaan sa Pangasinan ngayong Oktobre. Nauna si Bagyong Karen na bagamat hindi masyadong malakas ay nagdulot ng kapinsalaan sa mga imprastraktura at mga pananim. Dala pa niya ang pagbaha sa mga mabababang lugar gaya ng Calasiao at Dagupan City. Sumunod ang Super Bagyong si Lawin na rumagasa sa lalawigan ng Isabela, Cagayan, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Norte atbp. Ang mga naturang lalawigan ay umabot sa Signal 4 at 5. Ang Pangasinan ay nasa Signal 2 lamang.
Sa mga naturang bagyo, kahangahanga ang paghahanda ng mga Disaster and Risk Reduction Councils sa bawat bayan at siyudad sa Pangasinan. Ang Pangasinan Disaster and Risk Reduction Office sa pamumuno ni Gobernador Amado “Pogi” Espino III ay 24 na oras araw-araw na nagmatyag sa mga kaganapan na idudulot ng mga nasabing bagyo. Lahat ng mga pangangailangan sa pag-rescue sa mga maaaring maapektuhan na mamamayan ay naihanda ng lubusan. Mabilis din ang pagdaloy ng mga impormasyon lalo na sa mga radyo, telebisyon at social media.

Sa mga bayan at siyudad naman, makikita rin kung gaano kahanda sila sa mga napipintong pinsala at sakuna na idudulot ng mga dalawang bagyo. Naihanda nila ang mga evacuation centers at nailikas ang mga tao na maapektuhan bago pa man bumugso ang mga malalakas na hangin, ulan at baha. Sa nakikita natin, sapat na ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na tugunan ang mga darating pang mga kalamidad. Kailangan lamang ng sapat na pakikipag-ugnayan at ko operasyon ng bawat isa.
Sa paghupa ng mga bagyo, ang ating mga lokal na pamahalaan ay nagsasagawa na ng malawakang “assessment” sa mga natin sala ng dalawang bagyo. Kinukumpuni na ang mga kalsada at mga tulay. Binibigyan na ng tulong ang mga magsasaka na bum ang on ulit sa pagkasira ng kanilang mga pananim at ibinabalik na ang mga “evacuees sa kanilang mga lugar para nagsimula ulit sa normal na pamumuhay.
Dahil dito, binibigyang pugay natin ang lahat ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan- mula kay Gobernador Espino hanggang sa mga opisyal ng mga barangay. Sa panahon ng mga kalamidad, nakita natin na ang hidwaan na dulot ng pulitika ay maaaring isantabi para sa kapakanan ng bawat Pangasinense.

Entry filed under: News. Tags: .

Celeste to teachers: Continue providing quality education Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: