CORTEZ: My favorite hero is Putin-Duterte

October 23, 2016 at 9:28 pm Leave a comment


 brando-maso
HIGH TRUST RATING. Alam niyo ba…86% ang trust rating ni PDuterte ayon sa latest Pulse Asia Survey?
 
Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay tumaas ang rating mula 24% papuntang 41%.
 
US Ambassador Philip Goldberg na wala daw proposal ang US na makipag-divorce sa Pilipinas…ibig sabihin ba na kasal ang Pilipinas sa US?
 
Kailan sila ikinasal. Anong klaseng kasal ang nangyari? Ikinasal ba ang Pilipinas sa US na sapilitan?
 
“From our point of view, we’re not suing for divorce,” sabi ni Goldberg.
 
“I think we need more clarification about what the President said while he was in China. Quite frankly, I don’t know what he means by a separation,” dagdag ni Goldberg.
 
Bilang ambassador to the Philippines, dapat alam na ni Goldberg ang personality ni PDuterte. Dapat alam na niya kung totoo o stir lang ang sabi ni PDuterte about separation.
 
“I announce my separation from the United States,” sabi ni PDuterte sa harap ng mga nagpapalakpakang hundreds of Chinese businessmen.
 
Ang bagong world order ay kinabibilangan ng BRICS… at doon nakiki-align ang Pilipinas sa pamumuno ni PDuterte.
 
Ang BRICS ay ang mga bansang Brazil, Russia, India, China at South America.
 
Worldwide and presence at sphere of authority ng mga nasabing bansa. Sila ang nagtatayo ng bagong world order na hindi kasali ang US. Ang BRICS ay mga bansang hindi umaasa sa US.
 
“I’ve realigned myself in your ideological flow and maybe I will also go to Russia to talk to [President Vladimir] Putin and tell him that there are three of us against the world: China, Philippines and Russia. It’s the only way,” dagdag pa ni PDuterte.
 
Tapos na ang cold war. Ang war na binasagan na laban ng Communist countries kontra Capitalist countries.
 
Sabi ng isang kaibigan natin na hindi giyera ng Communism kontra Capitalism ang realignment na isinusulong ni PDuterte.
 
Sabi din ng kaibigan natin na marami sa atin ang nabansot ang kaisipan na ang mundo ay nahahati sa pagitan ng Communism at Capitalism.
 
Marami din sa atin ang sarado ang isip sa kaunlaran sa China. Hindi nila matangap na umunlad na ang China at ito ngayon ang pinakamalaking creditor nation sa buong mundo.
 
Opo, ang China ang may pinakamalaking pautang sa iba’t ibang bansa katulad ng US.
 
Sabi nga ni UP Administrator Michael Tan na sana ay palawakin ng lahat ang pagtinging sa iba’t-ibang bansa katulad ng China.
 
Hindi por que China ay bad na.
 
As an administrator in UP, our country’s national university, I worry that we are not training enough independent foreign policy advisers. We have allowed our views of China, if not the world, to be shaped by American and European “scholars” and journalists, many of whom do not even speak the languages of the regions they claim expertise in, or rely on “parachute visits” of a few days each time, to do their reports,”sabi ni Tan.
 
Bakit mas marami pang information ang China tungkol sa Pilipinas?
 
Bakit mas pinag-aaralan ng China ang mga bansang katulad ng Pilipinas?
 
Tayo, ano ba ang mga katotohanan na alam natin tungkol sa China?
 
Tayo, ano ba ang mga kasinungalingan na alam natin tungkol sa China?
 
In contrast, China is watching the Philippines. I’ve seen Chinese books — not translations but original work by Chinese scholars — on various topics about the Philippines, all the way up to our Catholic churches’ architecture. And once, during a visit to China, I watched a television documentary with the most amazing details about the Japanese military and the Philippines . . . not dating to World War II but about the current situation in the West Philippine Sea,” dagdag ni Tan.
 
Ipinaliwanag ni PDuterte ang kanyang sinabi sa China na hindi naitindihan ng US nang siya ay bumalik sa Pilipinas.
 
Ang diplomatic relations ay hindi mo basta basta pinuputol. Ang US nga ay may diplomatic relations sa China at Russia eh.
 
“You know, you have to take my words in the context of what I’ve been saying all along. It is not a severance of ties,” sabi ni PDuterte.
 
“When you say severance of ties, you cut the diplomatic relations. I cannot do that. Why? It’s to the best interest of my country that we maintain that relationship,” Duterte said.
 
Ayaw ni PDuterte na maging sunod-sunuran ang Pilipinas sa dikta ng US.
 
“In the past, and until I became president, we always follow what the United States would give the cue. Pasunod-sunod tayo. E hindi ako sumunod,”sabi ni PDuterte.

NO TRUST SA US. Walang trust sa US si Manila mayor Joseph Erap Estrada.
 
Hinala ni former president Erap na may kinalaman ang US sa kanyang ouster.
 
At tinatangka na ng US na i-oust si PDuterte.
 
Sinabi ni former president Erap Estrada na may kamay ang US sa pagpapatalsik sa kanya dahil sa pinatinding laban kontra MILF na hinahadlangan ng US.
 
“‘Yun ang pangamba ko, sa ‘kin nga ginawa, e. “‘Yung laban ko nu’n sa MILF, pinakialaman ako, pinatitigil ako,” sabi ni PEstrada na ngayon ay nasa second term na bilang mayor ng Manila.
 
“When they suddenly removed me, pinabayaan nila MILF, kaya ‘yun, nagtuluy-tuloy pa rin sa pambobomba,”dagdag ni mayor Erap.
 
 Feel na feel na ni mayor Erap na may ouster move against PDuterte dahil naranasan niya ma-oust ng US.
 
Nararamdaman ko ngayon ‘yung nararamdaman ni President Duterte,” sabi ni mayor Erap.
 
Huwag naman daw sanang makialam sa internal affairs ng Pilipinas ang US.
 
“We are a sovereign country. We have our own Constitution,” sabi ni mayor Erap.
 
May bansang katulad ng US na tumutulong kuno sa Pilipinas…pero may kondisyon. Ibig sabihin pekeng tulong.
 
“Walang tutulong sa Pilipino, kundi kapwa Pilipino,” pagdidiin ni mayor Erap.
 
PUTIN IS MY FAVORITE HERO. Hahaha! Mahirap maisahan si PDuterte ng mga international correspondents.
 
Meron isang correspondent ang CNN na tinanong si PDuterte kung kanino siya magiging komportable…kay Trump o kay Clinton? Malapit na ang election ng presidente ng US.
 
“I would like to answer your question candidly, honestly, and truthfully. Problem is – personally, of course, it doesn’t matter much – but I am a president of a country and we have these splendid relations with America…I cannot gamble an answer,” sagot ni PDuterte
 “Either way it would affect…we might create a hostility here, antagonism here. So, I’m better off in saying that my favorite hero is Putin,” wais na dagdag ni PDuterte

 

Advertisements

Entry filed under: News.

SUBSTANDARD PROJECT Dagupan’s ex-dad hits Council for ‘abuse of authority’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: