EDITORIAL: Expired karne ng baboy

October 20, 2016 at 9:05 pm Leave a comment


Magdadalawang taon na ang mga 183 “container vans” sa loob ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BoC) na may lamang tone-toneladang karne ng baboy na galing pa ng Canada, Estados Unidos, France at ibang bansa.
Buwan ng Nobyembre 2014 ng dumating sa bansa ang mga “smuggled” na karne. Ibig sabihin walang kaukulang papeles ng mga kompanyang “consignees.”  Ang isang “container van” ay may lamang 30,000 kilos na karne o kabuuang 5.7 milyong kilos para sa 183 “container vans”.
Noong nakaraang taon sa ilalim ng Administrasyong Aquino, nakipag-ugnayan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at iba pang sektor sa BoC para dispatsahin ang mga ito subalit tila nagtaingang kawali lamang ang mga ahensyang sumasakop dito. Walang nagawa ang mga ito dahil may nakalusot pang 14 na “container vans” na ang lamang karne ay nadala sa mga pamilihan. Bakit nakalusot ang mga ito? May kakutsaba ba ang mga “consignees” sa loob ng BoC? Siguradong may mga opisyales at mga kawani nito ang nagkamal ng limpak-limpak na salapi.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ngayong buwan ng Oktubre lamang inaksyonan ng BoC ang problemang ito. Sa isinagawang KBP Forum kamakailan lang na kung saan ang Sinag Chair Rosendo O. So ang naging panauhin, napag-alaman na ang mga karne ay ibabaon na sa isang “sanitary land fill” sa Norzagaray, Bulacan na pag-aari ng Wacuman Inc.
Ayon kay So, nakipag-ugnayan ang BoC sa Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa mga kaukulang permiso. Nagsimula ang pagbabaon sa mga ito noong Oktubre 11 ng laman ng anim na “container vans”. Subalit, napansin ng Sinag, na ang mga karne ay hindi pa lubos na “defrosted” at ballot pa ng plastic. Nangangamba siyang baka may mga mag-interes sa mga ito at ibenta sa mga pamilihan na makakasira na ng kalusugan.

Tatlong buwan pa lamang ang panunungkulan ni Commissioner Nicanor Faeldon ng BoC pero mayroon na itong konkretong nagawa kung ikompara sa nagdaang administrasyon. Dito ay makikita ang kaibahan at interes ng mga namamahala sa BoC na tinawag na isa sa mga tiwaling ahensya ng pamahaalan. Sana nga patuloy na ang paglilinis sa ahensya lalo na sa pagpapatigil ng mga “smuggled” na produktong agrikultura gaya ng sibuyas, bawang ang mga iba pa. Ang patuloy na paglipana nito sa bansa ay nakakasira sa ekonomiya ng bansa at kita ng mga magsasaka.
Kung nagawan ang aksyon ang mga nabubulok na karne ng baboy, tiyak na magagawan din ng kaukulang aksyon iyong iba pang mga produktong “smuggled”. At sana sa susunod,  sampahan na rin ng kaso ang mga “smugglers” sa pinaiiral na Republic Act No. 10845 o “Economic Sabotage on Smuggling of Agricultural Products Act”.
Advertisements

Entry filed under: News.

 Surplus store opens at SM City Rosales Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 645,355 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,346 other followers


%d bloggers like this: