CORTEZ: No to Charter Change, yes to Character Change

October 20, 2016 at 8:58 pm Leave a comment


brando-maso
 
Naging saksi na naman ang taumbayan sa uri ng mga mambabatas meron ang Pilipinas.
 
Maaaring ang pinag-uusapan ay charter change pero, mukhang character change ang kailangan.
 
Surigao Del Norte versus Surigao Del Sur. Habang pinag-uusapan ang Charter Change sa House of Representatives ay nagkainitan sina Surigao del Norte Rep. Robert ‘Ace’ Barbers at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
 
Nilapitan ni Barbers si Pichay at nagkasigawan. Ano ano nga ba ang sinabi nila sa isa’t isa kaya sila muntik ng magsuntukan?
 
Cong Marlyn Agabas, kayo po ang malapit sa pinangyarihan… kayo pa nga ang umawat, ano nga po ba ang naging palitan ng mga salita?
 
“The Constitution says Congress, not the House of Representatives. The resolution should be amended to invite the upper chamber to join us as far as the direct amendment is concerned,” sabi ni Pichay.
 
“The Constitution says Congress upon a vote of three fourths of all its members. Saan nakalagay ang con-ass,?” dagdag ni Pichay.
 
Tama na po sa isang banda si Pichay.
 
Pero ang magpalitan sila ng P****ng Ina, ay ibang usapan na. Kungsabagay, lahat na yata ay  napu- P****ng Ina… mula sa pangulo hanggang saordinaryong mamamayan.
 
Nag-sorry naman si Barbers sa mga Pilipino sa naging asal niya. Unparliamentary ang kanyang nagawa at nasabi.
 
Character change ang kailangan sa mga pulitiko.
 
Character change ang kailang sa lipunang Pilipino.

WISH NIYA LANG. “For the record, I don’t have a lover now. I don’t have a boyfriend now. I wish I had one so that he will take care of me,” sabi ni Sen. Leila De Lima.
 
So, Coke Zero pala ang lovelife ni senadora now as in walang boyfriend.
 
Wish ni senadora na meron dahil wala daw nag-aalaga sa kanya.
 
Tao lang! “Yes as a human being, as a woman I have frailties, I have weaknesses, I have certain flaws. As a woman I made mistakes in my personal life and I’ve always considered my personal life as a private matter, it’s a sacred thing to me,” sabi ni de Lima,
 
Inamin ni senadora na nagkamali siya.

 
Kahinaan ba ang magmahal? Kamalian ba ang magmahal?
 
Dahil nawalan siya ng stage bilang chair ng Committee on Justice sa Senado ay naka-ikot na sa apat na colleges sa metro manila si senadora para ipagtangol ang kanyang sarili.
 
“I’m doing this, because no one is listening to me in the Senate, so I might as well get out of the Senate halls and reach out to you in the hope that you would listen and open your minds,” sabi ni de Lima sa mga taga-Miriam College.
 
Ginagaya niya si senadora Miriam Santiago na sa mga colleges umiikot para maakapagsalita.
 
Bakit kaya ayaw siyang pakingan? Ano ba ang mga pinagsasabi ni senadora na ayaw pakingan sa senado?
 
WHY FETE A US AMBASSABOR? “The mood was very light, warm and pleasant. I thanked him for his effort in strengthening PH-US relations at all levels, although there were a number of challenges in the last 100 days,” Sabi NI Sen Frank Drilon.
 
Bakit kailangang magbigay puri sa isang US Ambassador? Ganoon din ba ang ginagawa ni Drilon sa ibang ambassador na natapos ang tour of duty sa Pilipinas?
 
Binibigyan din ba ng fete ang Russian ambassador to the Philippines kapag natapos ang tour of duty dito?
 
Binibigyan din ba ng fete ang Japanese ambassador to the Philippines kapag natapos ang tour of duty dito?

Binibigyan din ba ng fete ang Chinese ambassador to the Philippines kapag natapos ang tour of duty dito?
Binibigyan din ba ng fete ang Vietnamese ambassador to the Philippines kapag natapos ang tour of duty dito?
 
AMBISYON 2040. Isang Executive Order No. 5 ang pinirmahan ni Pangulo Rodrigo Duterte na ginawa ng the National Economic and Development Authority para labanan ang kahirapan.
 
Ang title nito ay “Ambisyon Natin 2040.”
 
Year 2016 po now. Year 2040 ang nakikita ng NEDA para maiahaon sa kahirapan ang Pilipinas.
 
Sa loob ng 24 years ay may programa ang NEDA para umunlad ang Pilipinas.
 
Inclusive kaya ang mangyayaring kaunlaran?
 
Pilipinas ba ang uunlad? O ang mga Pilipino ba ang uunlad?
 
Isang magiging indicator ay ang mga pamilyang nasa listahan ng 4ps ng DSWD.
 
Kapag naging zero na ang listahan ng 4Ps ng DSWD… Tagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Kapag wala nang beneficiaries and 4Ps o conditional cash transfer… Tagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Kapag malaki ang bilang ng mga umaasa sa 4Ps na wala na sa listahan ng DSWD sa year 2018 ay nangangahulugan na nagtatagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Kapag mas malaki ang bilang ng mga umaasa sa 4Ps na wala na sa listahan ng DSWD sa year 2022 ay nangangahulugan na nagtatagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Kapag mas malaki ang bilang ng mga umaasa sa 4Ps na wala na sa listahan ng DSWD sa year 2028 ay nangangahulugan na nagtatagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Kapag mas malaki ang bilang ng mga umaasa sa 4Ps na wala na sa listahan ng DSWD sa year 2034 ay nangangahulugan na nagtatagumpay ang Ambisyon 2040!
 
Sa year 2022 ang susunod na presidential elections.
 
Sa year 2028 ang next presidential election after year 2022.
 
Sa year 2034 ang next presidential election after year 2028.
 
Sa year 2040 ang next presidential election after year 2034.
 
Pero, maaaring hindi yang mga years na iyan ang maging election years!
 
Abangan natin kung ano ang mangyayari sa charter change attack ng Congress.
 
Alalahanin natin na isinusulong ang Federalism. Hindi rin natin alam kung ano ang magiging hitsura ng constitution kapag natuloy ang charter change.
 
Kaya ang isang tanong ay: kasama ba sa considerations ng Ambisyon 2040 and federalism?
 
 

Entry filed under: News. Tags: .

CHO, UST CONDUCT CLEARANCE CHECK-UP FOR ELDERLY SET TO UNDERGO FREE CATARACT OPERATION  Surplus store opens at SM City Rosales

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: