EDITORIAL: Ang SP at PSU president Buted

October 13, 2016 at 2:58 pm Leave a comment


Sa nakaraang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan noong Oktubre 3, hindi sumipot si Dr. Dexter R. Buted, Pangulo ng Pangasinan State University (PSU) sa isasagawang “Question Hour” tungkol sa paglilinaw nito sa mga isyu tungkol sa “on-the-job training program” ng nasabing pamantasan at mga bagong patakaran ng Board of Regents.
Ang imbitasyon na nakapaloob sa Provincial Resolution No. 482-2016, ay para din kina Dr. Gloria F. Domantay, Vice President for Academic and Research Affairs; Dr. Adonis Bautista, Dean, School of Advanced Studies; Dr. Reynaldo T. Gelido, On-the-Job Training Teacher; Dharel Dela Cruz, On-the-Job Training student (lahat ay taga-PSU) at si Ms. Joyce Finuliar ng JIF Manpower and Referral Services.
Dahil sa hindi nila pagdalo sa nasabing “Question Hour,” nagpanukala si 4th District Board Member Agerico Jeremy “Ming” Rosario na ideklarang ‘persona non-grata itong si Dr. Buted sa pagwawalang halaga nito sa paanyaya ng SP. Winalang halaga nga ba ni Dr. Buted ang paanyaya ng SP?
Bago pa man nagkaroon ng sesyon ng SP, sumulat na noong Setyembre 30 si Dr. Buted kay Vice Governor Jose Ferdinand Z. Calimlim Jr. Sinabi niya ang dahilan kung bakit di sila makakadalo sa “Question Hour.”

 Una, ang “On-The-Job Training Program” ng PSU ay kasalukuyang binubusisi at pinag-aaralan ang mga nakapaloob na patakaran dito para hindi na matulad pa yong nangyari kay Dharel Dela Cruz noong Mayo sa taong ito na nag-OJT sa isang kompanyang pharmaceutical sa Laguna.
Tungkol naman sa pagdalo ng Board of Regents sa mga pandinig ng SP, sinabi ni Dr. Buted na sinusunod nila and Board of Regents Resolution No. 75 na ang Board ang magpasya kung dadalo sila o hindi. May basehan si Dr. Buted sa kanilang di pagdalo sa pandinig. Ano naman kaya ang basehan ng SP kung itutuloy na siya ay idedeklarang “persona non-grata”?
Matatandaan na ang papatapos na estudyanteng si Dela Cruz ng Business Administration ng PSU-San Carlos City ay nagkasakit dahil daw sa di makatwirang pagtratrabaho sa Laguna.
 Imbes na “on-the-job training,” siya diumano ay nagtrabaho ng mahigit pa sa walong oras na kung saan niya nakuha ang kanyang sakit. Ibinulgar niya ang kalakaran ng JIF Manpower and Referral Services at ito naman ay pinaimbistigahan ng PSU-Board of Regents. Ang SP ay nagsagawa rin ng Ad Hoc Committee upang sundan ang pangyayaring ito sa ilalim pa ng dating 6th District Board Member Alfonso C. Bince Jr. Bakit hindi buhayin ang komite upang isulong ang imbestigasyon?
Ito ngayon ang malaking tanong. Ano ang saklaw ng SP sa pamunuan ng PSU lalong lalo na sa Board of Regents? Ang Board na ito ang tagabalangkas ng mga polisya at panuntunan ng PSU na nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHeD). Maliwanag naman ang layunin ng SP sa usaping ito. Ito ay upang bigyan proteksyon ang mga Pangasinenses.
Hindi kaya mas mainam kung bigyang laya ang akademya na sila ang magbigay solusyon sa kanilang mga problemang panloob na hindi nababahiran ng pulitika?

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: The gains under the 100 days of Duterte’s administration Political Cartoon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: