CORTEZ: That thing called tadhana ni PDuterte

October 9, 2016 at 7:49 pm Leave a comment


 brando-maso
“Maybe it is a matter of destiny. Maybe God placed you there to precisely do the things that must be done to help the Philippines,” sabi ni President Rodrigo Duterte.
 
Tapang at malasakit ang tagline ni PDuterte noong election.
 
Tapang at malasakit ang ipinapakita ni PDuterte ngayon.
 
Tapang at malasakit ang nasa likod ng mga statements ni PDuterte sa relasyon ng Pilipinas sa Amerika at sa European Union.
 
Tapang at malasakit ang pinaghahawakan ni PDuterte bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas nang maghamon siya ng No More Aid  From You.
 
“If you think it is high time for you guys to withdraw your assistance, go ahead,” sabi ni PDuterte sa harapan ng kapulisan sa Caraga Region. “We will not beg for it. We have a problem here trying to preserve our society”
 
Sabi nga ni Mace sa film na That Thing Called Tadhana: “Hindi na kita mahal makakaalis ka na. 7 words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin 7 words.
 
“Mamili kayo — the crumbs of the favor of other nations, mag-asa lang tayo sa assistance nila or we make a stand that this country must survive, that this country must see to it that the next generation is protected?”tanong ni PDuterte.
 
Magkaiba ng tindig si PDuterte at VP Robredo sa usapin ng international aid.
 
Ayaw mamalimos ni PDuterte.
 
Gustong ituloy ang pamamalimos ni VPRobredo.
 
Sinabi ni VP Leni Robredo na iyong mga international aid agencies ay magtutuloy pa rin sa pagtulong sa Pilipinas kahit na hinamon ni PDuterte ang mga international aid agencies na i-hold ang tulong sa Pilipinas.
 
Sabi din ni VPRobredo na“What we feel from them is excitement to partner with us. We have heard them say that the (Office of the Vice President) has been helpful because they have many programs but not a lot sources of information, and we are providing them the data they need.”
 
Kung pag-aaralan niyo ang statement ni VPRobredo, malalaman natin na ang mga international aid agencies ay gumagawa ng mga programa na kulang o o walang information mula sa Pilipinas.
 
Kaya naman pala, inutil ang mga programa ng international aid agencies. Example na lang ang tulong na ibinigay ng international aid agencies sa Pilipinas matapos ang bagyong Yolanda.
 
Dahil walang matinong information na nakuha ang international aid agencies ay naging palpak ang kanilang idiniktang programa para sa tulong nilang pondo.
 
Excited daw ang kanyang opisina na maki-partner sa international aid agencies.
 
Wow ha! Iba na pala ang function ng Office of the Vice President. Office of Information for international aid agencies na pala ngayon ang Office of the Vice President.
 
Excited ang kanyang opisina dahil sila daw ang nagiging source of information ng international aid agencies.
 
“Ano’ng paningin n’yo sa amin? How do you look at us? Mendicants? Na magsige lang sunod-sunod kami?”tanong uli ni PDuterte. Hindi pulubi ang Pilipino!
 
Habang itinataguyod ni PDuterte ang value ng sariling sikap… itinutulak naman ni VPRobredo ang pagiging dependent sa international aid agencies.
 
Imbes na magsarili tayo, ang gusto ni VPRobredo ay patuloy tayong mamalimos sa tulong ng mga international aid agencies na may mga kondisyones nang pagsasamantala sa ekonomiya ng Pilipinas.
 
Sa mga panahon ng sakuna… ang pledges ng international community ay hangang pledges na lang…as in hindi nila tinototoo.
 
Sa panahon ng sakuna ang mayayamang Pilipino at mahihirap na Pilipino ay tinototoo ang kanilang mga pledges para sa mga biktima ng sakuna.
 
Ang karamihan ng mga mayayamang bansa ay may budget para sa international aid sa mga bansang tinatamaan ng sakuna dulot ng bagyo, lindol, giyera.
 
Bakit may budget sila para sa biktima ng sakuna?
 
Dahil ayaw nilang tumangap ng refugees. Tulong na sila kesa mag-ampon ng refugees.
 
Example na lang ang mga biktima ng giyera sa Syria. Walang mayamang bansa ay tumatanggap ng Syrian refugees.
 
Sabi ni PDuterte na he will “be the first to go hungry. I will be the first one to die of hunger.”
 
Dagdag ni PDuterte “Go away, bring your money somewhere else. We will survive as a nation. But we will never compromise our dignity as Filipinos.”
 
Ang tunay na pagbabago ay ang pagkakaroon ng genuine Filipino Pride.
 
Ang tunay na Filipino Pride ay hindi namamalimos sa international aid agencies.
 
Ayaw ng Amerika at ng European Union na maging self reliant ang Pilipinas. Ayaw ng Amerika at European Union na maging progresibo ang Pilipinas.
 
Kaya naman puro palpak na programa ang kaakibat ng kanilang aid sa Pilipinas.
 
“I do not expect human rights, I do not expect Obama, I do not expect the EU to understand me. Do not understand me. And if you think it’s high time for you to withdraw assistance, go ahead. We will not beg for it,” sabi ni PDuterte bilang sagot sa presscon ni VPRobredo na nagsabi na baka daw magkaroon ng negative effect ang statements ni PDuterte.
 
Si PDuterte lang ang president na may tapang na i-dare o hamunin ang Amerika at ang European Union na huwag nang bigyan ng limos ang Pilipinas.
 
Sabi din ni Mace sa film na That Thing Called Tadhana: “Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na nya mahal, hindi ka na nya mahal.”
 
O di ba? Mahal ba talaga ng international aid agencies ang Pilipinas kaya sila tumutulong? Tumututlong sila dahil may pakinabang sila sa Pilipinas… as in may strings attached ang tulong nila.
“We will survive. We will survive as a nation,” sabi ni PDuterte.
 
Hinamon din ni PDuterte ang Amerika na i-outs siya sa presidency. Tapang ano po?
 
“You want to oust me? You want to use the CIA? Go ahead,” sabi ni PDuterte.
 
“Ako naman ho, I read it from an overseas-based opinion writer about me getting ousted by a people power. Be my guest. I don’t give a shit,” sabi ni PDuterte bilang sagot sa column ni Armando Doronilla na based in Australia.
 
Election pa lang, sinasabi na ni PDuterte na hindi siya takot mamatay. Hindi siya takot matalo sa election. Hindi siya takot ma-oust kapag nanalo bilang presidente ng Pilipinas.
 
“I’ll be ousted? Fine. (If so) it’s part of my destiny. Destiny carries so many things. If I die, that’s part of my destiny. Presidents get assassinated.”
 
Trabaho lang habang may time. Kung ano ang nasa tadhana…harapin.
 
 Sabi nga ni Anthony sa film na That Thing Called Tadhana na“Sabi nga nila diba kapag kayo, kayo talaga. Dadalin ka nalang ng tadhana ng kung sinuman, yun ay tanga. Tanga.”
 
Kung hindi nakakabuti ang relasyon ng Pilipinas sa international aid agencies na influenced ng Amerika at Europena Union.. e di ihinto na!
“Basta ako magtrabaho. If I am there for one year only, so be it. It’s already written in my destiny that na ma-president ka one year. If I am ousted, then it’s written in the winds that I am there and I will be ousted. And if I die, with no reason that it is really a part of your territory of your life in this world. So it does not really bother me at all,” dagdag ni PDuterte.
 

Advertisements

Entry filed under: News.

Ilocos Region workers get P20.70 average daily wage increase NIA inks pact  with San Fabian for sustained farm technology

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,802 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: